“Okay,” tipid na sagot ni TJ. Maayos siyang naupo sa couch at kunwaring abala sa pagbabasa ng magazine, ngunit ang totoo, panay ang pasulyap niya kay Ethan na muli nang bumalik sa kanyang mesa at trabaho. Tahimik ang buong opisina sa loob ng ilang minuto hanggang sa isang kumpiyansang katok ang bumasag sa katahimikan. “Come in,” wika ni Ethan nang hindi inaalis ang tingin sa hawak na dokumento. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na babae na nakasuot ng fitted office attire. Tila isa itong modelong rumampa habang naglalakad papalapit sa mesa ni Ethan. Bahagyang nanigas si TJ sa kanyang kinauupuan nang makita niyang agad tumayo si Ethan para salubungin ang babae. Ngunit ang lalong nagpakulo ng dugo niya ay nang yumukod ang babae upang mag-beso kay Ethan habang marahang hi

