"Okay," nakangiting wika ni Ethan, ang mga mata ay may bakas pa rin ng panunukso. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay mula sa bewang ni TJ at bahagyang dumasog sa kanyang swivel chair."Balik ka na sa couch, TJ. Nahihirapan akong kumilos at mag-focus sa trabaho ko kapag ganito ang pwesto natin," malumanay na utos ni Ethan, bagaman halata sa boses niya na nag-e-enjoy siya sa pagiging possessive ng dalaga. Agad namang tumayo si TJ, pero hindi muna siya umalis sa gilid ni Ethan. Nanatili siyang nakatayo roon, ang mga braso ay nakakrus sa dibdib habang matalim na nakatitig sa binata. Ang kanyang mga mata ay tila sinusuri kung may balak pa itong tumingin sa pinto kung sakaling bumalik si Winnie. "Ano na naman?" natatawang tanong ni Ethan nang mapansin ang masamang tingin ni TJ sa kan

