"Sige na, tapusin mo na pagkain mo," muling wika ni Ethan, ang boses ay mas malambot na ngayon habang pinapanood si TJ na pilit pa ring inaalam kung ano ang ibinulong niya kanina. "Magpakabusog ka para tahimik ka lang at hindi mainit ang ulo mo pag may pumasok ulit sa office ko." Bahagyang natawa si Ethan nang makita ang muling pag-pout ni TJ. Inabot niya ang tissue at dahan-dahang pinunasan ang munting bahid ng sabaw sa gilid ng labi ng dalaga. "Basta ang tandaan mo," seryosong dagdag ni Ethan, habang nakatitig nang diretso sa mga mata ni TJ, "ikaw ang kasama ko ngayon. Ikaw ang binabantayan ko, at ikaw ang inaalagaan ko." Sandaling natigilan si TJ, tila nawala ang lahat ng inis at selos na nararamdaman niya sa mga salitang iyon. Ang seryosong mukha ng abogado ay puno ng katapatan

