Chapter 31

1365 Words

"Gusto mo drive-thru o pasok na lang tayo sa loob?" tanong ni Ethan habang binabagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan pagtapat nila sa isang sikat na ice cream parlor. "Pasok na lang tayo," mabilis na sagot ni TJ. Gusto niya pang pahabain ang oras na silang dalawa lang, malayo sa mga mata ni Lolo o ng mga empleyado sa opisina. Pumasok sila at agad na bumati ang malamig na hangin na may amoy ng bagong luto na waffle cones. Pagka-order ng malaking Cookies and Cream sa cup, humanap sila ng pwesto. Nakahanap sila ng puwesto sa sulok—isang napakaliit na round table na halos magdikit na ang kanilang mga tuhod sa ilalim dahil sa kabiligan nito. Naupo sila nang magkaharap. Dahil maliit ang mesa, ramdam ni Ethan ang bawat kilos ni TJ. Ipinatong ni Ethan ang kanyang siko sa mesa at isinandal ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD