"Hindi ka sure, TJ..." nakangiting wika ni Ethan habang dahan-dahang pinapatakbo ang sasakyan sa ilalim ng mga ilaw ng kalsada. "Sure ako! Malinaw ang pandinig ko kahit may sinat ako kanina!" giit ni TJ, sabay harap nang tuluyan sa binata. "Sabi mo, after ko grumaduate, pwede mo na akong ligawan. 'Yun 'yun, 'di ba?" Bahagyang tumawa si Ethan, 'yung tawang malalim na parang may itinatagong sikreto. "Masyado kang confident. Baka naman ang narinig mo ay 'pag graduate mo, pwede ka na mag-apply sa Hospital para hindi na kita kailangang makita sa office ko araw-araw." "Ang sama mo!" maktol ni TJ sabay hampas nang mahina sa braso ni Ethan. "Lawyer ka nga talaga. Ang galing mong magbaligtad ng statement." "Lawyer ako, kaya alam ko kung kailan dapat ilabas ang ebidensya," sagot ni Ethan, pe

