Eksaktong alas-singko nang makarating si Ethan sa parking lot ng unibersidad. Agad niyang nakita si TJ na papalapit sa sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto sa passenger seat, at siya naman ang naupo sa driver’s seat.
Hindi agad pinaandar ni Ethan ang makina. Ibinaling niya ang kanyang katawan kay TJ. Ang seryosong mukha niya ay unti-unting napalitan ng isang ekspresyong mas malambot—isang Ethan na bihira lang makita ng ibang tao.
"Gusto mo bang dumaan muna sa mall? O baka gusto mong kumain sa labas bago tayo umuwi?" tanong ni Ethan. "I think you deserve a reward for staying calm today."
Napaangat ang kilay ni TJ, tila hindi makapaniwala. "Reward? Is this the same strict Attorney Navarro I know? O baka naman nakokonsensya ka lang dahil lagi mo akong pinapagalitan?"
Isang maikling tawa ang kumawala kay Ethan—isang tunog na nagpatigil sa mundo ni TJ. "Let's just say... I'm glad today ended well. So, saan mo gusto?"
"Gusto ko lang ng ice cream," mabilis na sagot ni TJ.
Dinala siya ni Ethan sa isang tahimik na café malapit sa baywalk. Habang nilalantakan ni TJ ang kanyang *double scoop* na chocolate ice cream, tahimik lang siyang pinagmamasdan ni Ethan habang humihigop ng kape. Ang sikat ng papalubog na araw ay tumatama sa mukha ng dalaga, na nagbibigay dito ng isang anghel na anyo—malayo sa pasaway na *nursing student* na nakipagsabunutan kahapon.
"You know, Ethan," panimula ni TJ habang nilalaro ang kutsara. "Akala ko dati, robot ka. Yung puro batas, utos, at pagsusungit lang ang alam. Pero salamat sa pagtatanggol sa akin. Ngayon ko lang naramdaman na may kakampi ako bukod kay Lolo."
Hindi agad sumagot si Ethan. Tumingin siya sa dagat na unti-unting nagiging kulay kahel. "I'm here because of your Lolo, TJ. Responsibilidad kita. Gusto ko ay ligtas ka palagi, walang manggugulo sa iyo, at higit sa lahat, ayaw kong may umaapi sa iyo."
Ibinaling ni Ethan ang kanyang tingin kay TJ, at sa pagkakataong ito, wala nang halong pag-aalinlangan ang kanyang mga mata. "Kaya don't ever think you're alone."
Nang makabalik sila sa harap ng mansyon, pinatay ni Ethan ang makina ngunit hindi sila lumabas.
"TJ," tawag ni Ethan.
"Hmm?"
"Whatever happens inside, whatever your Lolo says... remember what I told you sa café, okay?" Inabot ni Ethan ang kamay ni TJ at marahan itong piniga. "I have your back. Always."
Napatitig si TJ sa kanilang magkahawak na kamay. Ang kuryenteng naramdaman niya noon sa *study room* ay muling bumalik, mas matindi. Tumango siya at ngumiti nang matamis.
Kinaumagahan, bumalik ang pagiging strikto ni Ethan. Habang nag-aalmusal, sunod-sunod ang ibinigay niyang tagubilin kay TJ tungkol sa documentation ng gulo noong nakaraang araw.
"Dapat nating agahan sa school. May mga papers na kailangan ng signature mo. At TJ, please, makinig ka sa sasabihin ng Director. Huwag kang sasagot-sagot nang pabalang. Isuot mo nang maayos ang ID mo, at siguraduhin mong hindi ka makikipag-usap sa grupo ni Lyka."
"Yes, Daddy Ethan," putol ni TJ sa kanya, sabay higop ng kape nang may pilyong ngiti.
Napatigil si Ethan. Ang tinidor na hawak niya ay nanatili sa hangin habang ang kanyang mukha ay unti-unting namula sa inis. "What did you say? You call me... daddy?"
"Ang dami mo kasing instructions, eh," katwiran ni TJ habang tumatayo para kunin ang kanyang bag. "Gets ko na, okay? Paulit-ulit?"
Mabilis siyang sinundan ni Ethan, ang mga hakbang ay puno ng awtoridad. "Say it again, TJ, at maglalakad ka papasok sa school. Hindi ko hahayaang maging biro ang lahat ng ito."
"Oo na," wika ni TJ.
"Si Ethan kasi, Lolo," reklamo ni TJ nang makita ang matanda. "Parang lahat ng kilos ko may memo."
Bahagyang natawa si Don Ricardo at tinapik ang balikat ni Ethan. "Ethan, 'wag ka naman paulit-ulit. Nagmumukha kang daddy niya pag ganyan ka."
Biglang natahimik si Ethan. Nanigas ang kanyang panga. Hindi siya nakaimik dahil sa kakaibang kaba at damdaming hindi dapat naroon.
Pagkaalis ng sasakyan, bumalot ang tensyon. "Ano ba?!" inis na wika ni Ethan, mahigpit ang hawak sa manibela. "Pasalamat ka talaga nandoon si Lolo kanina."
"Ang cute mo kasi pag galit na galit ka," mahinang depensa ni TJ. "Kita mo, pati si Lolo napangiti mo."
Hindi natinag si Ethan. "Seryosohin mo ang sinasabi ko. Importante na basahin mong mabuti lahat ng ipapapirma sa iyo. Gets?"
"Yes, Dad... I mean, Attorney," bawi ni TJ, sabay iwas ng tingin para itago ang kanyang pilyong ngiti.
Pagdating sa unibersidad, dire-diretso silang nagtungo sa opisina ng Director. Bago pinihit ni Ethan ang doorknob, huminto siya at inayos ang collar ng nursing uniform ni TJ nang may pag-iingat. "Remember," bulong niya, "No attitude inside. Let me do the talking."
Sa loob, naupo si Ethan nang may kumpiyansa habang binabasa ang mga papeles. "Everything seems to be in order, Director," wika niya bago iniabot ang ballpen kay TJ.
Naramdaman ni TJ ang kamay ni Ethan sa likod ng kanyang upuan—isang tahimik na suporta. Pagkatapos pumirma, tumayo si Ethan at nakipagkamay sa Director. "I trust that this will be the end of the matter. My client, Ms. Silverio, will focus on her studies from now on."
Nang makalabas, lumingon si Ethan. "Tapos na. Pumasok ka na sa klase mo at huwag kang gagawa ng eksena, kundi hinding-hindi na talaga kita lulubayan."
"Kahit kailan ba nilubayan mo ako?" pilyong sagot ni TJ. "Sige na, 'Dad'... este, Attorney. Alis na!"
Napailing na lang si Ethan habang pinapanood ang pagtakbo ni TJ patungo sa klase. Sa likod ng kanyang seryosong mukha, isang buntong-hininga ng ginhawa ang kumawala sa kanya—at isang panalanging sana ay ito na ang huling gulo.