“Macky.” Hinaplos niya ang pisngi nito. May nakita siyang maliit na sugat sa pisngi nito at saka sa braso. Wala na ang benda nito sa hita pero bawal pa itong magkikilos dahil nanghihina pa ito. Ang sabi nito, mayroon daw taong sumagasa rito habang bumibili ito ng bulaklak na para sana sa kaniya pero hindi na nito naibigay dahil isinugod na ito sa ospital. Ang sabi ni Jed ay nagpasya raw itong umuwi rito sa bahay nito para dito na lang magpagaling dahil ayaw raw nito na dumalaw siya sa ospital dahil baka raw makakuha siya ng sakit doon. At dahil iyon nag gusto ng ama ng anak niya ay wala na raw nagawa ang mga kaibigan nito dahil sinunod ng mga ito ang kagustuhan ni Macarius. “Ano ba ang nangyari? Ano’ng masakit sa iyo?” “Nagpa-check up ka na? Sino’ng kasama mo?” sa halip ay tanong

