“Bakit ba kasi lagi kang tumatakbo dito sa bahay?” inis na tanong ni Macarius kay Jordan. “Alam mo naman na buntis ‘tong asawa ko tapos pumupunta ka pa rito ng alanganin.” Gabing-gabi na kasi pero pumunta pa rito si Jordan kahit wala naman itong sadya. “Wow! Asawa? Kailan mo pa naging asawa ‘yan, eh, hindi naman kayo kasal? At saka, ‘wag kang masyadong matuwa dahil sakto lang ang pagmamahal niya sa iyo. Dude, sakto lang daw ang love niya para sa iyo kaya malaki ang posibilidad na maghiwalay kayo!” “Ano’ng sinabi mo?” “Oh, bakit? Siya naman mismo ang nagsabi na sakto lang ang pagmamahal niya kaya ‘wag mong masyadong paasahin ‘yang itlog mo dahil baka masaktan ka lang sa huli!” Napangiwi siya sa sinabi ni Jordan. Hindi niya kasi inaasahan na sasabihin nito iyon kay Macarius lalo pa’t kaga

