Pagdating nila sa malaking bahay ni Macarius ay mabilis siyang bumaba sa sasakyan ni Jordan at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Tinungo niya agad ang kuwarto nito dahil alam niyang naroon ang lalaki. Nang makita niya si Macarius na nakahiga habang nakapikit ang mga mata nito ay hindi na muna niya ito nilapitan bagkus ay si Jed ang nilapitan niya para usisain. “Ano’ng nangyari kay Macky, Jed? Talaga bang malala ang tama niya?” “Sakto lang.” “Paanong sakto lang? Ano ba ‘yang nakabalot sa hita niya?” “Semento lang ‘yan. ‘Wag kang mag-alala dahil mapagsisilbihan ka pa rin niyan dahil hindi naman naapektuhan ang ari niyan,” sabi nito. Hay! Wala talaga siyang matinong nakukuha sa mga magkakaibigan na ‘to. “Hanggang kailan siya ganiyan?” “Depende sa asawa mo.” “Umuwi ka na. Ako nang

