“Alam niyo, para kayong mga bata,” sita ni Jordan sa kanilang dalawa ni Macarius. “Magiging magulang na kayo lahat-lahat pero ang aarte niyo pa rin. No’ng nag-s*x kayo ang saya-saya niyo naman. Isinisigaw niyo pa nga ang pangalan ng isa’t isa sabay mura tapos ngayon– hays!” Kinalabit siya nito. “Mag-usap kayo ng maayos. Si Mavi, patawarin mo na lang para matapos na. Kapag may problema pa naman ‘yan kung ano-ano ang ginagawa niyan. Tangina! Matanda na ako para mamroblema pa sa problema ng iba.” “Umuwi ka na kaya,” pagtataboy niya. “Ang dami mong sinasabi. Sino ba kasi ang may sabi sa iyo na problemahin mo ang problema naming dalawa?” “Hindi ako uuwi hanggat gutom ako.” Prente itong umupo sa sofa. “Simula Batangas hanggang dito nag-drive ako tapos pauuwiin niyo lang ako ng gano’n-gano’n na

