“Umuwi na ba ang kaibigan mo?” tanong ni Callynn kay Macarius dahil pagkatapos niyang kumain ay iniwanan na niya ang dalawa dahil pumasok na siya sa kuwarto nila para maligo dahil init na init na siya. “Oo. ‘Yong mga natira sa niluto mo, inuwi niya lahat,” imporma nito. Inaasahan na niya iyon dahil nga dadalhan daw nito ang asawa ni Macarius na nakatira sa malaki nitong bahay. "Hindi man lang nagtira ang lokong 'yon kahit kaunti." “Ba’t ‘di ka pa sumama sa kaniya? Ano’ng gagawin mo rito?” tanong niya nang hindi ito tinitingnan dahil inaayos niya na ngayon ang hihigaan niya. “Umalis ka na rin at puntahan mo ang asawa mo roon sa bahay mo dahil nakakahiya naman.” Sa halip na makinig ito sa kaniya ay ito na ang nagpatuloy sa pag-aayos niya at pagkatapos ay inalalayan siya nitong humiga.

