Kabanata 35.1 Nagwawalang Puso

963 Words

Sa isip niya kasi, talagang makakatikim siya kay Archie. Malaking gulo kapag nalaman nito na ninakawan niya ng halik si Arwena. “Mr. Tan!" untag ni Arwena sa naguguluhan na si Mr. Tan. “Ano pa ang ginagawa mo riyan? Magtago ka na!" apura ni Arwena sa kanya. Tumango-tango ito at papasok na sana sa isa sa mga cubicle, pero naisip niya na nasa panlalaking C. R. sila, kaya bakit siya ang kailangan magtago? “This is a men's toilet, for God’s sake! Bakit kailangan ako ang magtatago?” naguguluhan na tanong ni Mr. Tan. Tumayo na lang siya sa tapat ng pinto at hindi na nga tumuloy sa pagtago. Sumilip naman ulit si Arwena. Ang lapit na nga ni Archie. Tinakbo niya si Mr. Tan para itulak sana ito sa loob ng cubicle, pero siya namang pagbukas ng pinto, kaya napilitan siyang sumama sa loob. Another

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD