EIDE Pumihit siya paharap sa akin. “Lalaban ka na?” Huminga ako ng malalim. “Oo, pero may gusto lang akong kumpirmahin.” “Ano ‘yon?” “Babae rin ba ang makakaharap ko?” “Oo. Hindi namin hinaharap sa lalaki ang babae. Gusto namin ng fair na laban.” “Isang tanong na lang. Bakit ako ang nilapitan mo, e, hindi lang naman ako ang tao dito?” “Marunong akong kumilatis, Miss. Unang tingin ko pa lang sa ‘yo, alam ko na agad. Pero syempre, gusto ko munang alamin kung tama ang kutob ko, kaya tinanong muna kita kung marunong ka. Kahit hindi mo ako sinagot, alam kong marunong ka.” Tumango-tango ako. Kahit Joker ang pangalan niya, mukhang totoo naman ang sinabi niya. “Sige, may kakausapin lang ako.” Kailangan ko munang magpaalam kay Ark. “Miss, hindi mo pwedeng sabihin sa iba ang sinabi

