EIDE Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain na nakahain. Isinantabi ko muna ang hiya ko sa harap nila. Kung paano ako kumain kapag sina Boss Dex ang kasama ko, ganoon din ako sa harap nila. Kailangan kong mag-ipon ng lakas. Kung may bahid man ng pagbibiro ang sinabi nila tungkol sa tutulungan nila akong tumakas, pwes, seryoso akong takasan ang kaibigan nila. “Hindi ka ba kumakain ng kare-kare, Eide?” tanong ni Kellian. Tapos na kaming kumain. Napansin yata niya na kare-kare lang ang hindi ko tinikman sa mga pagkain na nakalatag sa mesa. “Hindi,” mabilis na sagot ko. “Bakit? May allergy ka ba sa peanut?” “Wala akong allergy sa peanut. Hindi sa kaartehan, pero hindi talaga ako kumakain ng kare-kare,” sagot ko. “I see.” Tumango-tango na lamang si Kellian sa sagot ko. Muli kon

