EIDE Pasimple akong kinurot ni Vien sa tagiliran ko. Alam kong nagtataka siya dahil narinig niya na ganoon ang sinabi ng boss namin. Wala na akong panahon magpaliwanag sa kanya, lalo na’t iba ang pinapakitang emosyon ni Trav habang palapit sa amin. Hindi ko rin alam ang dahilan na ibibigay ko kay Vien. “Eide, halika na. Ako na ang maghahatid sa ‘yo,” matigas niyang sabi, na akala mo ay may karapatan siyang manduhan ako. “I actually offered it to her first.” Binalingan ako ni Gethro. “‘Di ba, Eide?” Alanganin na lang akong ngumiti. Tama naman si Gethro, siya rin ang unang dumating at nag-offer na ihatid ako. “Nag-usap na kami kanina. Ako ang maghahatid sa kanya.” Napatingin ako kay Travis. Ang lakas ng loob niyang sabihin na nag-usap kami, e, pagkatapos niyang ibigay sa akin ang

