Excited ako ngayon kaya maaga akong nagising. Nauna na akong pumunta sa kusina at nagluto. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ng sarili ko. “Hey!” Napalingon ako at nilapitan ang aking asawa. Naks! “Good morning,” nakangiti kong bati. “What time is it?” tanong niya. “It’s six thirty, maaga akong nagising at nakapaghanda na rin ako ng breakfast natin. T’saka ginawan na rin kita ng lunch box,” sagot ko. Nagulat naman ako nang hilahin niya ako at niyakap nang mahigpit. “Bakit?” nakangiti kong tanong. “You woke up too early. You should have woken me up too. Ayaw kong mapagod ka,” saad niya. “Ano ka ba? Maliit na bagay lang ‘yon. Isa pa gusto kong pinagsisilbihan ka,” wika ko. Napakunot noo ako nang tumahimik siya. T’saka ko lang napansin ang bukol sa likod ko. Para iyong nanunusok. “

