Ngayon ang unang araw ni Aya sa trabaho kaya nae-excite ako para sa kaniya. Siya ang magiging COO ng company nila habang nananatiling CEO ang kaniyang ama. Ang dami pa niyang dapat patunayan sa Daddy niya kahit pa may alam naman siya sa business nila. His family runs chains of hotel and restaurants in the country. May vineyard din ang mga ito sa ibang bansa na nagpo-produce ng mga high quality wines. Maaga akong nagluto ng breakfast niya at hinanda iyon. Napangiti naman ako nang makita siya. Nakasuot ng suit at lalo siyang gumuwapo. Nakatupi ang white long sleeve niya hanggang siko. Ang linis ng buhok at bagay na bagay ang rolex watch sa wrist niya. Manly at mature siya tingnan. Lalo siyang gumuwapo. “Baka maubos ako katititig mo,” aniya at ngumiti sa ‘kin. “Kumain ka na,” saad ko. U

