CHAPTER 9

1868 Words
CHAPTER 9 Manliligaw "JANESS!" Palabas na sana ako ng room dala ang bagpack ko nang may tumawag sa'kin. Kunot-noo akong lumingon. "Bakit?" "Uuwi ka na?" Napatingin ako kay Stephen. Saglit ko siyang tinitigan sa mata saka marahang tumango. "Hatid na kita." Aniya saka sinakbit ang bag sa balikat. Nanlaki nalang ang mga mata ko nang akma pa siyang mauuna sa'kin kaya hinawakan ko siya sa braso. Wala naring tao sa loob ng room at kami nalang dalawa ang natira. Walang mang iissue sa'min. "A-Ano? Hindi pwede!" Wala sa sarili kong sambit. Napatigil siya at napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Saka siya nag-angat ng tingin at takang tumingin sa'kin. "Bakit bawal?" Nakatingin na siya sa mukha ko pero para parin siyang nakayuko dahil hindi pantay ang height namin. Napanguso nalang ako. Ang tangkad niya kasi. Kakahiya at hanggang balikat lang ako. "Basta." Tinanggal ko na ang kamay kong nakahawak sa kaniya. "Sobrang lapit lang naman ng bahay namin, 'no. 'Di na kailangan magpahatid." Dahilan ko pa. Hindi naman sa nagpapalusot ako. Totoo namang malapit lang ang bahay namin. Wala pang apat o limang minuto nasa bahay na ako kung deresto akong uuwi. Pero syempre aabutin ako ng ilang oras kung gagala na naman kami nila Mae. Sadyang hindi lang talaga 'yon ang dahilan kung bakit ayaw kong magpahatid. Lalo na at lalaki pa siya. Mahirap na, kung maraming maissue dito sa loob ng school, mas malala naman sa labas dahil maraming nakakakilala sa'kin. Sandali niya pa akong tinitigan. Nagtaka pa ako nang mag-iba bigla ang aura niya. "Bakit, si Calvin ba ang maghahatid sa'yo?" Halos mapangiwi ako sa sinabi niya. "Sa'n mo naman nakuha 'yan? At bakit ako magpapahatid sa baliw na 'yon? Eh, hindi nga kami close." Umismid pa siya at may kung anong binulong. "Hindi close, ha." "Ano?" Tanong ko nang hindi marinig ang sinabi niya. Hindi niya ako pinansin at basta nalang akong tinalikuran ar dere-derestong lumabas na para bang wala siyang kausap! "Ha..." Napabuga ako ng hangin dahil sa inis at hindi makapaniwala. Ganitong-ganito rin ang ginawa niya sa'kin noon! "Ang tanginang 'yon..." Kung ano-anong binubulong ko na para bang sinusumpa siya. Inis akong naglakad palabas at hinanap siya. Sumilip ako sa taas kung naglakad na ba siya palabas ng school. Nang walang makita ay tumingin ako sa kabilang room. Doon ko siya nakita at nakatambay, suot ang earphones habang hawak ang cellphone. Alam kong alam niyang nandito lang ako pero hindi niya ako nililingon at nanatili lang ang tingin sa phone niya. Mas lalo akong nabibwisit! Nakaupo siya sa may study table. Pumwesto ako sa harap niya at pinameywangan siya. Mas matangkad parin siya sa'kin kahit nakaupo lang dahil hanggang bewang ko lang yung desk na inuupuan niya. "Hoy!" Salubong ang kilay kong agaw sa atensyon niya. Tumaas lang ang kilay niya pero hindi parin ako pinapansin! Kagat ang labi dahil sa sobrang inis, buong pwersa kong sinipa ang paa niyang nakalaylay. Dahil doon ay napaigik siya sa sakit at tumingin sa'kin, sa wakas. "Bakit ba?" Parang inis niya pang sabi! Mas lalo akong nabadtrip at ang kaliwang paa naman niya ang sinipa. Mas lalo siyang napadaing sa sakit at kulang nalang sakalin ako sa klase ng sama ng tingin sa'kin. "Sinusupladuhan mo na ako, ha? Akala mo gagana pa 'yan sa'kin?" Kung suplado siya, mas suplada ako. Kaya naman tinapangan ko ang mukha ko sa harap niya. Hindi ako makakapayag na kakaya-kayanin lang ako ng lalaking 'to. "Bakit ka ba nanakit? Hindi ka naman inaano diyan." "Hindi inaano?? Eh, bakit mo ako tinalikuran?! Tapos hindi ka pa namamansin?!" "Eh, gusto ko eh." Pakiramdam ko umaakyat na lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko. Bwisit! Hindi lang siya assuming, suplado, masungit at nakakabwisit! Nakakahighblood din siya! Mukhang mapapaaga ang pagtapos ng buhay ko kung siya lagi ang kasama ko. Hindi na ako makapagpigil at mahigpit siyang sinabunutan nang hindi binibitawan ang buhok niya. Wala na akong pakialam kahit pa umiyak siya. Ah, basta! Ang sarap niyang patayin! "Aray! Masakit na!" Nang makuntento na ay binitawan ko na siya. Mukha na siyang sabog dahil sa hitsura niya. Sobrang gulo na ng buhok at lukot pa ang mukha. Bigla tuloy parang gusto ko nang matawa. "Nakakasakit ka na, ha." Sabi pa niya saka inayos ang buhok niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "At ikaw! Hindi ka na nakakatuwa!" Inis kong sabi. Pinilit niyang magmukhang seryoso pero nakikita ko ang pagpipigil niyang tawa. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili dahil baka mamaya mahablot ko na naman ang buhok niya at hindi 'yon bitawan hangga't hindi siya nakakalbo. "Galit ka pa?" Inosente niyang tanong. Inirapan ko lang siya at pinagkrus ang braso sa may dibdib ko. Ay wait, may dibdib ba ako? "Sorry na." Pabebe akong umirap nang sabihin niya 'yon. Natawa nalang siya. "'Wag ka na magtampo kasi hindi naman bagay sa'yo." Dahil doon ay inis ko na naman siyang nilingon. "Talaga bang hindi ka titigil?!" Yumuko siya para ngumuso at pigilang tawanan na naman ang inis kong itsura. "Titigil na po." Iniwas ko nalang ang tingin sa kaniya para hindi makita ang nakakairita niyang pagmumukha. Hayst. Mukhang wala naman talaga siyang balak na tigilan ako. Buti nalang at wala na dito yung kutsilyo na ginamit ko noon para habulin siya. Sayang at hinahanap ko pa naman 'yon para maghanda sa ganitong sitwasyon. Sinabi ko na noon sa sarili ko na kapag pinakulo na naman niya ang dugo ko, talagang tatadtadin ko siya ng saksak. Uunahin ko sa may puso para talagang maramdaman niya kung gaano ko siya kagusto kahit pa nakakabwisit na madalas ang ugali niya. Ang sweet ko magkagusto 'di ba? Nakakamatay. Umirap na lang ako sa kawalan at lumakad nalang palabas bago ko pa siya mapatay. Pero bago pa ako makarating sa may pintuan ay nahila na niya ang braso ko papalapit sa kaniya. Napasinghap nalang ako nang magdikit ang mga balat namin. Nakatayo ako sa harap ng gitna ng mga hita niya habang nakaupo naman siya sa harap ko. Konting lapit nalang at magkakayakapan na kami. Dahil sa gulat ay hindi ako nakapagsalita. Masuyo niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at marahang pinisil 'yon. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko at piping nagdasal na sana hindi niya 'yon marinig. Pakiramdam ko malulusaw ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. "Dito ka lang..." Mahina niyang sabi na hindi binibitawan ang kamay ko. Napakagat labi nalang ako at pilit na umiiwas ng tingin sa kaniya. Kahit kasi nakaiwas ang tingin ko sa mukha niya, ramdam ko ang nakakatunaw niyang titig sa'kin. Palihim na humihinga ng malalim, hinawakan naman niya ang baba ko para pilit na iharap sa kaniya. Gusto kong magpumiglas pero hindi ko alam kung bakit hindi ko 'yon magawa at kusang sumunod ang katawan ko sa gusto niya. Nang sa wakas ay magkaharap na ang mga mukha namin, pumikit ako ng mariin. Hindi ko alam pero ayoko talagang tingnan siya sa mata ng ganito kalapit. Kahit kanino naman, takot akong makipag eye-to-eye. Naaasiwa at nahihiya kasi ako kapag may taong tutok ang mata habang nakikipag-usap sa'kin. Nang makitang nakapikit ako ay narinig ko na naman ang masarap sa pandinig niyang tawa. "Bakit ka nakapikit? Hindi naman kita hahalikan." Bumalik ako sa katinuan at agad na tinaliman siya ng mata ng bumalik na naman ang inis ko. Kahit kailan talaga, panira ng mood! Aalis na sana ako sa harap niya pero bago pa ako makatakas ay kinulong na niya ako sa mga bisig niya at hinapit lalo papalapit sa kaniya. Tumaas ang balahibo ko dahil ngayon, ramdam na ramdam ko na ang buo niyang katawan. "Di ka makakatakas sa'kin." Ngisi niya. Pinilit kong kumalma dahil sa lapit namin sa isa't-isa at umaktong galit. "Nakakabwisit ka na kase, alam mo ba 'yon? Panira ka ng mood." Inirapan ko siya ng bonggang-bongga. Natawa na naman siya. "Bakit? Gumanda ba ang mood mo kanina? Eh, kanina ka pa ngang mukhang badtrip." Gumanda ang mood ko! Kikiligin na nga sana ako kanina kaso pinabalik mo na naman yung mood kong kating-kati ka nang saksakin! Kahit gusto ko 'yon ipagsigawan sa pagmumukha niya ay sinarili ko nalang. "Papa'nong hindi ako mababadtrip?" Natawa ako ng peke. "Eh, ang galing-galing mong mamikon. Pwede na nga kitang mabigyan ng award." Napasipol siya. "Whew... ano kayang award 'yon? Parang gusto ko nang makuha..." Bulong na naman niya pero hindi ko narinig. Napakunot nalang ang noo ko nang malapad siyang ngumiti sa'kin. "Sige, babadtripin pa kita araw-araw." Baliw ba 'to?! "Seryoso ka diyan?" "Yes." Nakangiti pa siya. Dahil sa kaweirduhan niya ay hindi ko na napansin ang kamay niyang humahaplos sa likod ng bewang ko. Nang matauhan ay gulat ko na naman siyang sininghalan. "Hoy! Nangchachansing kana, ha! Baka naman may balak kang bitiwan ako?" "Huh?" Painosente pa niya. Sarap sukahan sa mukha. "Assuming ka na naman. Hindi kita chinachansingan, baka ikaw pa nga mangchansing at manamantala sa'kin." Makapal ang ngala-ngala niyang sabi. Pero wala pang isang segundo ay hinapit na naman niya ako sa kaniya! Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Nginisihan niya lang ang gulat kong itsura. "Yan ba ang hindi nangchachansing, ha?" Pagsusungit ko kahit nagrarambulan na lahat ng organs ko sa katawan dahil sa mga 'da moves' niya. Kahit pakiramdam ko ay mali 'tong ginagawa niya ay hindi ko magawang magpumiglas. Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto ko na ganito kami kalapit sa isa't-isa. Nilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong. "May sasabihin ako." Huminga ako ng malalim dahil hindi magkamayaw sa pagtibok ang puso ko. "A-Ano?" Umiwas ako ng tingin ng tumutok na naman ang mga mata niya sa'kin. Hindi niya parin ako binibitawan at hindi 'yon nakakatulong sa palakas nang palakas na t***k ng puso ko. Parang maha-heart attack ata ako. "Liligawan kita." Napaawang ang labi ko at wala sa sariling tumingin sa kaniya. Walang halong pagbibiro ang mga mata niya at nakatuon lang 'yon sa'kin na para bang ako lang ang nakikita niya. Seryoso siya pero may emosyong gustong ipakita sa'kin ang mata niya pero hindi ko maintindihan kung ano 'yon. Hindi ko namalayang titig na titig narin pala ako sa kaniya. Nagtataka at nagsisimula na naman akong umasa. Pero nang maalala ko ang ganitong usapan namin noong isang araw, sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na niya ako maloloko! "Prankster ka, ha." Inis kong tinanggal ang kamay niya sa'kin at buti nalang hindi siya umangal. Bigla akong nagalit sa hindi ko malamang dahilan. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Parang namomoblema na siya ngayon. "Hindi ako nangpaprank." Umirap ako. "Di mo na ako maloloko." "Liligawan nga kita." Buong kumpiyansa niyang sabi. Napangiwi nalang ako. Sa tono niya kasi parang sigurado na siya na payag akong magpaligaw sa kaniya. "Bakit yata sigurado kang papayagan kitang manligaw?" Total pinipilit niya 'to ay sasakyan ko nalang siya. Kung ano mang prank 'to ay hinding-hindi ko siya hahayaang manalo. "Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita." Seryoso niyang sabi. Nagsusuplado na naman ang mukha niya pero nagniningning ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. "At mamalayan mo nalang isang araw... tayo na." Ngumiti pa siya ng matamis dahilan para mapatitig ako sa kaniya, binabalewala ang puso kong tumitibok ng malakas bilang tugon sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD