CHAPTER 8

1281 Words
CHAPTER 8 Gusto "Ano bang gusto mong maging kapag nakapagtapos ka?" Tanong ni Papa sa'kin. Napaisip ako. Nandito kami ngayon sa bahay, nakatambay sa harap ng TV. Ganito kami magkapamilya kapag linggo, kapag maganda ang palabas ay sama-sama kaming nanonood. Bonding na namin kahit pa hindi ako gano'n ka close sa kanila lalo na kay Mama at Papa. Parang yung bonding namin ay invisible lang pero masarap na sa pakiramdam. Ngayon tinatanong naman kami ni Papa tungkol sa gusto naming kunin sa future. Si Jerry at Jon parehong pulis ang gusto habang ako, hindi sigurado. Noon kasi gusto ko maging Teacher. Bata palang ako 'yon na ang pinangarap ko pero ngayong nagkaisip-isip na ako, andami ko nang ibang gustong kunin dahil marami pa naman palang iba bukod sa pagiging Teacher. Sa totoo lang, yung sinabi sa'kin ng bestfriend ko noong Grade 5 tungkol sa gusto niya sa future ay tumatak sa'kin. Pero hindi ako sigurado kung 'yon ba talaga ang gusto ko. Hindi ako sumagot kay Papa, kunwari nag-iisip. Nang bigla ay mag suggest siya. "Mag accounting ka nalang. Matalino ka naman, eh." Halos mapangiwi ako sa sinabi ni Papa. Accounting? Para namang ang galing ko sa Math. 'Yon pa naman ang pinakaayaw kong subject sa lahat. Sabi pa niya, maganda raw 'yon kasi malaki ang sahod. Lihim akong bumuntong-hininga. Sobrang taas ng tingin nila sa'kin to the point na hindi na nila inisip na may kahinaan rin ako sa ibang subjects. Akala nila, lahat ay kaya ko. Nanatili lang akong tahimik. Ganito naman talaga ako, hindi ako sanay makipagchikahan sa mga kamag-anakan ko bukod sa mga kapatid o pinsan ko. Ewan ko, pati kasi sa mga kamag-anakan ko mahiyain ako. Kaya hindi ko sila halos ka-close. "Ano gusto mo?" Tanong din ni Mama sa'kin. Hindi ko talaga alam kasi nagdadalawang isip pa ako. Saka, bata pa naman ako 'di ba? Marami pa akong oras para mapag-isipan kung ano ba talagang gusto ko. "Hindi ko pa alam, eh." Sabi ko sa mahinang boses. Agad umalma si Papa. "Ano? Bakit? Hindi pwedeng wala kang pangarap." Napaikot nalang ang mata ko sa hangin. Pinipressure nila ako ng hindi nila alam. Nag suggest na naman si Papa nang pwede kong piliin pero halos lahat naman doon ay hindi ko gusto. Bukod sa hindi ko gusto, parang hindi ko rin kaya. Basta ayoko muna isipin 'yan ngayon dahil marami naman akong panahon para diyan. "Baka mamaya may boyfriend ka na," Biglang sabi ni Papa. Nanlaki ang mata ko at agad sinabing wala. "Kapag nalaman kong meron, pareho ko kayong bibitayin patiwarik ng boyfriend mo." Aniya sa boses na may halong biro pero bakas doon ang pagbabanta. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan. Wala naman akong boyfriend. Nang maisip ko si Stephen ay doon na ako kinabahan. Para namang papayag ako na maging kami?! ____ "JANESS, MAY lima ka? Pahingi nga." Umagang-umaga ay ang nakakainis na pagmumukha na naman ni Calvin ang nakikita ko. Pinagkunuotan ko siya ng noo. "Bakit?" "Bibili ako ng candy." "Ano ba 'ko sa tingin mo? Nanay mo? Wala ka bang sariling Nanay?" Tinawanan na naman niya ako. Ganito siya lagi kapag tagumpay na iniinis ako. Ugh, nakakairita. "Dali na, ang damot mo talaga." Reklamo pa niya! Malakas ko siyang binatukan sa ulo. Napahawak siya do'n at akma akong gagantihan nang mabilis akong tumayo at bumaba sa room namin. Hinayaan ko na siya doon sa harap ng principal office. Hindi naman kami pinatawag, minsan talaga doon kami tumatambay kapag papasok na sa school. Nasa bungad kasi ng gate ng school ang principal office. "Oy, Janess." Si Arnold, Grade 8. Ex kong hindi ko alam kung ba't ko pinatulan. "Ang ganda mo ngayon, ah? Pahinging lima." Nakatayo siya kasama si Rafael, pati si Calvin hindi ko namalayang nandoon nadin pala. Nakaupo naman si kuya Dhenvan na kaklase ni Stephen sa kanang bintana at si Stephen naman ay nasa kabilang bintana, busy sa cellphone. Mukhang naglalaro. Inirapan ko lang si Arnold. Ano bang gagawin nila sa lima na 'yan at mukhang mamamatay sila kapag hindi nagkalima? Hindi ko na din pinansin si Stephen na sinulyapan ako saka dere-derestong pumasok sa loob ng room. ____ Nandito kami ngayon sa harap ng salamin, tinitirintasan ko si Mae. Habang kausap naman niya sina Krystel, Belle at Ann tungkol sa favorite nilang girl k-pop group na Blackpink. Minsan nakikisali nalang ako. Lumilipad kasi utak ko papunta do'n sa... lalaking nakangalumbaba at nakatitig sa'kin. Napakagat labi ako. Hindi ako makapagconcentrate lalo na't alam kong nakatuon ang mabibigat niyang tingin sa'kin. Sa kabila ng kabang nararamdaman ko ay hindi ko mapigilang mainis. Ano? Alam niyang ganito ang epekto niya sa'kin kaya niya ako ginaganito? Masaya ba siyang makita akong ganito? Umalis na sina Mae dahil may bibilhin daw. Hindi na ako sumama dahil parang nawalan ako ng gana. Mas gusto kong tumambay nalang dito sa room. Breaktime naman kaya mag-isa lang ako. "Talagang inaabangan mo 'ko dito?" Boses ni Stephen ang pumukaw sa'kin. Walang gana ko siyang nilingon. "Hindi. Hindi naman kita kilala." Imbes na ma-offend o mainis ay natawa lang siya sa'kin. Tuloy ay napaisip ako. Kailan ko kaya siya magagawang pikunin nang hindi ako ang nauunang mapikon? Kapag nagawa ko 'yon ay magpapaparty talaga ako. Mukha kasing habit niya na ang pamimikon sa'kin at hindi na talaga ako natutuwa. "Sus. Inaabangan mo lang ako dito, eh." Pang-aasar niya. Inirapan ko lang siya para takpan ang totoong kong nararamdaman. Alam ko naman kasi sa sarili ko na nagpaiwan talaga ako dito para makasama siy— Ha? Sinabi ko ba talaga 'yon? Hindi ako 'yon. Bakit ko naman gugustuhin makasama ang tulad niya? "Kumain kana?" Tanong niya saka nag-spray ng pabango sa uniform niya. Kumuha siya ng upuan at lumapit sa'kin. "Hindi pa." Tipid kong sagot. Hindi siya sumagot at biglang tumayo at lumabas. Pero bigla ay bumalik siya dala ang lunch bag ni Mae. Umupo siya ulit sa tabi ko saka nilabas ang baon niya. "Hati tayo." Aniya saka binuksan ang baon niya. Nangunot ang noo ko sa kaniya. "Ayoko nga." "Bakit ba ayaw mong kumain?" Parang nagsisimula na siyang mainis dahil salubong na ang dalawa niyang kilay. Ganito ang mukha niya kapag seryoso at suplado. Pigil ko ang sariling ngumiti. "Wala akong gana." "Kumain kana." Binigay niya sa'kin yung isang kutsara. "Oh, baka gusto mo lang magpasubo sa'kin?" Tumaas ang kilay niya. Ako naman ang nagsalubong ang kilay. "Hindi, 'no!" "Kaya kumain kana. Kung ayaw mo, susubuan kita." Banta niya. Inis ko nalang siyang inirapan at pinilit ang sariling kumain. Natawa nalang siya. Tahimik kaming dalawang kumain. Masarap naman yung ulam niya kaya medyo ginanahan ako. Mabilis rin siyang kumain, bakas pa ang pagod sa mukha. Bigla ay nakonsensya tuloy ako dahil nakihati pa ako sa pagkain niya. Mukha kasing kulang pa 'yon sa kaniya, eh. Nang tumigil ako sa pagkain ay napatigil din siya at tumingin sa'kin. "Ayaw mo na?" Ngayong nakatingin siya sa'kin ay kita ko rin ang pangingitim ng ilalim ng mata niya. Wala sa sarili kong hinawakan 'yon. "Puyat na puyat ka ba?" Masuyo kong hinawakan ang mga mata niya. Natigilan siya at napatitig sa'kin. Nang marealize ang ginawa ko ay agad kong binaba ang kamay ko. Napaiwas siya ng tingin sa'kin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngiti niya. Napatitig ako doon at napatanong sa sarili. Bakit kaya kapag iba ang kausap niya ay masyado siyang seryoso at suplado? Pero iba-ibang emosyon ang nakikita ko sa kaniya kapag ako ang kausap niya. Ayokong bigyan 'yon ng kahulugan pero hindi ko mapigilang umasa. Pa'nong hindi ako aasa eh, alam ko sa sarili kong may gusto ako sa kaniya. Dahil sa mga ipinapakita niya ngayon sa'kin, mas lalo ko siyang nakikilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD