CHAPTER 7

1104 Words
CHAPTER 7 Vanilla "Ayieeee!" Kunot-noo akong bumaling kay Rafael nang marinig ang boses niya na nag echo sa buong room. Wala ang mga estudyante dahil lunch time na kaya kami nalang ang natira. Nakangiting aso sa'kin si Rafael na parang nang-aasar sa hindi ko maintindihan. Para siyang baliw. Nakasinghot na naman ba siya ng rugby? Bago siya lumabas ng room ay labas lahat ng ngipin niya sa'kin. Napangiwi ako, nawe-weirduhan. "Parang tanga." Bulong ko saka pinagpatuloy ang sinusulat ko sa likod ng notebook ko. Kung ano-ano lang 'yon dahil nabobored ako. May dala naman akong lunch kaya 'di na ako umuwi at tapos narin kumain. "Kumain kana ba?" Natigil ako sa ginagawa nang may pamilyar na boses na narinig. Saka ko lang napansin na nandito rin pala sa loob ng room si Stephen, nakayuko sa armchair pero nakatingin sa'kin. Kaya naman pala umakto nang parang baliw ang Rafael na 'yon. May tao pa pala akong kasama kapag lumabas na siya. "Oo? Bakit?" Taka kong tanong. Bakit naman siya bigla na-curious kung kumain na ba ako? Ano sunod nito? Pupunta na kami sa getting-to-know each other tapos magkukwento ng kaniya-kaniyang buhay, mafa-fall kami sa isa't-isa tapos sa huli ako ang uuwing luhaan kasi ako lang pala ang na-fall? "Wala lang." Lumabi siya at umayos ng upo. "Ako ba hindi mo tatanungin kung kumain na?" Tumaas ang kilay ko. "Required bang magtanong pabalik kapag una kang nagtanong?" Napangisi siya. "Hindi naman." Umirap ako at hindi nalang siya pinansin. Sa totoo lang kasi ayokong maging close sa kaniya. Alam ko magiging malapit kami kapag naging madalas kami mag-usap. Hangga't maaari lang ay ayaw ko ng koneksyon sa kaniya pero alam ko na simula ng halikan niya ako ay may koneksyon nang hindi matatanggal sa'ming dalawa kahit anong iwas namin. "Tahimik ka ba talaga?" Halos mapaigtad ako ng upo nang maramdamang nakalapit na siya sa'kin. Kahit pa yata bumulong siya ay maririnig ko parin. Gano'n siya kalapit. Badtrip ko siyang nilingon. "Pakialam mo ba?" Sa halip na matahimik ay natawa na naman siya. Napabuntong-hininga nalang ako. Heto na naman yung pakiramdam na nasa ulap ako sa t'wing naririnig ang tawa niya. Lalo na at ang lapit niya lang sa'kin, amoy na amoy ko na naman ang pabango niya. Dahil sa kuryosidad ay napatanong ako. "Ano bang pabango mo?" Sumandal ako sa upuan at tiningnan siya. Hindi siya nagsalita pero may kinuha siya sa loob ng bag niya. "Vanilla." Pinakita niya sa'kin yung pabango niya. Babasagin pa ang lagayan, tingin palang mukhang mamahalin na. "Gusto mo?" Alok niya. Kinuha ko 'yon sa kamay niya saka nag spray sa uniform ko. Hmm... halos kalat na kalat sa paligid ang bango no'n. Inlove na ata ako sa pabango na 'to. "Ang bango talaga..." Di pa ako nakuntento at nagspray pa, pati palda ko inisprayan ko rin. Gusto ko kasi maamoy 'to hanggang sa pag-uwi ko. "Sabi ko na, vanilla pabango mo, eh." "Siguro lagi mo akong inaamoy kaya alam mo." Gulat ko siyang nilingon. Masyado na ba akong halata? Nang makita ang ekspresyon ko ay napangisi na naman siya. Tumikhim ako. "Hindi, 'no." Tanggi ko. "Masyado lang kasing kalat yung amoy kapag nagsspray ka kaya nahulaan ko." "Hmm." Palihim siyang ngumiti, hindi kumbinsido sa sinabi ko. Napanguso ako. "Hindi nga talaga." Dagdag ko. Nang lumingon siya ulit sa'kin ay hindi niya na napigilang matawa. "Sabi mo, eh." Hindi parin siya naniniwala kay inirapan ko nalang siya. Bahala siya. Isipin niya ang gusto niyang isipin. Napagdiskitahan ko na naman ang pabango niya. Inisprayan ko pati sa loob ng uniform ko, sa may dibdib ko. Hindi iniisip kung mauubos na yung pabango na hiniram ko lang naman. Halos nangalahati na yung laman no'n nang ibalik ko sa kaniya. "Ay, wow..." Kunwari mangha niyang sabi habang nakatingin sa laman no'n. Kagat ko ang labi para pigilang matawa. "Ba't 'di mo na inubos? Nahiya ka pa." Hindi ko alam na malakas rin pala mang-asar ang baliw na 'to. Syempre 'di ako magpapatalo, duh. "Amina, para pati panty ko ma-sprayan ko." "Ako maglalagay." Bigla niyang sabi! Ngumisi siya saka mas lumapit sa'kin. Inambangan ko siyang hahampasin kaya napaiwas siya. "Eh, kung buhusan muna kita niyan sa mata bago mo 'ko ma-sprayan sa panty ko?" Panghahamon ko. May pakiramdam ako na papayag siya kaya hinamon ko. Malamang papayag 'yan, baliw ba naman, eh. "Sige ba." Buong tapang niyang sabi. Ako naman ang napangisi saka kinuha ang pabango sa kamay niya. Lumapit ako sa mukha niya, akmang ssprayan ang mata niya nang pumikit siya. Baliw talaga ampt. "Siraulo ka din, eh. Papayag payag ka pa tapos pipikit ka din? Sabihin mo nga, nanggaling ka ba sa mental?" Napahalakhak siya. "Oo ata. Parehas nga tayo, eh." Napahinto ako. "Anong parehas?" "Nanggaling karin naman sa mental." Pumikit ulit siya ng mariin nang makitang itutuloy ko na ang pag spray sa mga mata niya. "Magkatabi lang tayo ng room no'n. Ako palabas na ng mental, ikaw hindi makakaalis kasi gusto mo akong habulin, kaya iniisip nilang baliw ka na—" "At bakit ko naman gugustuhing habulin ka?" Taas kilay kong tanong. "Kasi mahal na mahal mo k—" Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang paghahampas-hampasin ko siya ng makapal na libro. Ginagawa niyang pangsalag yung kamay niya para hindi matamaan ang mukha niya. Gagawa nalang ng kwento, yun pang walang kwenta! "Tanga! Hahabulin kita kasi gusto kitang patayin!" Napahalakhak na naman siya at tumayo na para umiwas sa'kin. Binelatan niya ako, senyales na gusto magpahabol sa'kin. At syempre dahil kumukulo na ang dugo ko, nagpaikot-ikot kaming dalawa sa loob ng room. Hawak ko na yung walis tingting. "Lumapit ka ditong duwag ka!" "Duwag nga ako, eh. Ba't pa ako lalapit?" Tumawa na naman siya dahilan para mas lalo akong mainis. Itong tanginang 'to! May hidden talent pala! Ang galing mamikon! Ginawa niyang harang sa'kin yung table para hindi ako makalapit. Pilit ko siyang hinahampas pero nakakaiwas siya. Napapagod na ako pero naiinis talaga ako! "Janess, may sasabihin ako." Bigla niyang sabi sa gitna nang paghahabulan namin. Sumeryoso ang mukha niya. Napakunot ako ng noo. "Ano?" "Pwedeng manligaw?" Ang tanong niyang 'yon ang nagpatigil sa'kin. Napaawang ang labi ko, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. T-Tama... ba yung narinig ko? Kumurap-kurap ako sa kaniya, hindi makapaniwala sa narinig. Habang siya ay naghihintay sa isasagot ko. Hala... ano bang dapat kong isagot? Nag-isip ako ng ilang beses. Sinisigurado kung tama ba ang desisyon na gagawin ko. Huminga ako ng malalim. Magsasalita na sana pero naunahan niya ako. "Joke." Ang sinabi niyang 'yon ang dahilan kung bakit buong maghapon, ay hinabol ko siya ng kutsilyo na nanggaling pa sa canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD