CHAPTER 6

1694 Words
CHAPTER 6 Ate NAKAUWI NA ako't lahat-lahat ay nandito parin ako sa sala namin, nakatunganga. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko ang nangyari kanina. Halos mapugto ko ang hininga nang iwan niya ang labi ko. Nanatili namang nakaawang ang labi ko at nakatulala sa kaniya, hindi makapaniwala sa nangyari. Nang titigan ko naman siya sa mata ay halo-halong emosyon ang nakita ko ro'n. Pero mas lalo akong napatanga nang marinig siyang tumawa nang mahina. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ulap sa narinig. "Uuwi na kami." Pukaw niya sa'kin. Pero natulos na naman ako sa kinatatayuan nang halikan niya ako sa pisnge! For the second time! "Ingat ka pauwi." "JANE!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sigaw na 'yon. Papikit-pikit pa at wala sa sariling napatingin ako sa orasan. Nang makita kung anong oras na ay dali-dali akong napatayo. Letche! 8:10am na! "Anong oras na, ah?! Hindi ka parin bumabangon. Male-late na kayo, oh!" Bulyaw pa ni Mama. Nang makababa ako ay ayos na ang mga kapatid ko, mauuna na since malapit lang naman ang school. Si Papa, malamang kanina pa nakaalis. Ako mag-aalmusal pa lang, ni hindi pa nakakaligo! Sumasakit na ulo ko sa sermon ni Mama kaya binilisan ko na ang kilos ko para makatakas narin sa kaniya. __ "LATE KA na, ah." Naglelecture na si Ma'am Luz nang makapasok ako sa room ng Grade 10. Nadatnan ko naman ang mga kaklase ko at ka-schoolmates ko na tahimik na nagsusulat. Napayuko tuloy ako at walang imik na umupo sa tabi ni Mae nang tanungin ako ni Ma'am kung bakit ako na-late. Ni hindi na ako nakahabol sa flag ceremony. Tuloy ay napagalitan ako ng lola ko — na principal rin ng school na 'to! "Bwisit kasi." Inis kong bulong. Hindi ko nga alam kung sino ang sisisihin ko dahil umaga palang badtrip na ang araw ko. Pagkagising ko, sandamakmak na sermon mula kay Mama ang almusal ko. Pagkarating ko naman sa entrance ng school, napagalitan ako ng lola ko. Para na akong maiiyak na ewan. Pilit ko pang pinapakalma ang sarili dahil hingal na hingal ako sa pagmamadali. Maglalabas na sana ako ng notebook nang matigilan sa nakitang lalaki na kalapit na kalapit ko lang! Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kagabi. Siya yung lapastanganang kumuha ng first kiss ko! Suot ang military necklace at white sando, naastigan na naman ako sa porma niya ngayon kahit pa na simple lang 'yon. Nalalanghap ko rin ang sobrang bango niyang pabango na hindi ko matigilang singhutin. Pero nahinto ako nang lumingon siya sa'kin. Prente siyang nakaupo habang nakaunat at magkahiwalay ng bahagya ang mga paa. Nakadantay ang siko niya sa armchair, hawak ang ballpen na marahang kagat-kagat habang nakangisi sa'kin. Parang sumakit ata ang ulo ko. Sumakit ang ulo ko dahil — umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko! T*ngina. Gusto kong magmura nang malutong sa harap niya dahil naiinis ko. Hindi ko nga alam kung bakit. Basta! Naiinis ako sa hitsura niya! Parang alam ko na kung bakit siya nakangisi sa'kin ngayon. Siguro ay dahil akala niya, balisa ako dahil sa halik namin kagabi! WAIT! H-Halik namin?! Eh hindi ko nga siya hinalikan pabalik! "Namumula ka." Napakurap-kurap ako nang marinig siyang magsalita. Pero mas lalo akong nagulat na hindi ko man lang napansin ang upuan niyang lumapit sa'kin! Wala sa sarili kong hinawakan ang magkabila kong pisnge. Pero parang mas lalo 'yong nag-init nang marinig ko na naman siyang tumawa, halatang nang-aasar sa kung ano. Nakagat ko ang labi sa inis. Hindi naman ako ganito kapikon dati! "Ano bang trip mo sa'kin?" Hindi ko na napigilan at inis ko siyang hinarap, binalewala ang teacher at mga ka-schoolmates namin na nakikiusyoso na sa'ming dalawa. Inosente siyang tumingin sa'kin. Hindi ko alam pero mas lalo akong nababadtrip kahit pa amoy na amoy ko na ang pabango niya. "Wala naman, ah?" Hmp! Tang— peste! Napaparami na ang mura ko ngayong araw kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko. Well, wala namang araw na hindi ako nagmumura. Dahil sa inis ko ay tinalikuran ko siya, busangot ang mukha. Hindi ko na siya kinausap dahil nakakaramdam na ang mga kasama namin na may something sa'ming dalawa, kahit si Mae ay nang-aasar ang ngiti. Ayoko pa naman bigyan sila ng hint at tuksuhin na naman ako sa kaniya. Humarap ako sa desk ni Ma'am Luz at doon inabala ang sarili na magsulat. Sa gitna ng pagsusulat ay napaisip ako nang malalim tungkol sa nangyari kagabi. Bakit ko nga pala siya hinayaan na halikan ako? Ni hindi ko siya natulak kahit pa tumagal ng dalawang minuto ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Akala ko magagalit ako, sasampalin ko siya or 'di kaya ay iiyak sa harap niya dahil kinuha niya ang first kiss ko. Pero hindi ko alam kung bakit imbes na gawin ang isa sa tatlong 'yon ay hindi ko nagawa. Sa halip ay nanginig lang ang tuhod ko. Napakagat ako sa labi nang maisip ulit 'yon. Parang kinukuryente ang katawan ko kahit kagabi niya pa ako nahalikan. Pakiramdam ko...gusto ko ulit 'yon maranasan. Pero mas lalo lang akong natatakot sa nararamdaman ko. Parang kapag lumalim 'to, marami akong kailangan isakripisyo para sa kaniya. Hindi ko alam pero...ang weird. Wala naman ako masyadong alam sa lovelife na 'yan at boyfriend-boyfriend. Oo, inaamin ko na nakailan na akong boyfriend sa ganitong edad pero matagal na ang isang buwan. Ang pinakamaikli naman, tatlong araw lang. Akalain mong may gano'n? Kahit kailan hindi ko nakita ang sarili kong magseseryoso sa lalaki dahil kahit kailan naman, hindi nila ako siniseryoso. Sa t'wing susubukan ko, saka sila nagloloko. Kahit alam kong marami pa akong makikilala dahil bata pa ako ay unti-unti nang nawawala ang paniniwala ko na may lalaking handang magseryoso. Kaya hindi ko alam kung ano bang balak sa'kin ni Stephen. Tinanggal ko na yung 'kuya', syempre. Masyado naman atang nakakaasiwa kung tatawagin ko pa siyang kuya. Eh, wala namang magkuya na nagkikiss, 'di ba? Ngayon palang natatakot na ako. Natatakot sumugal sa taong walang kasiguraduhan. Nakakatakot isipin na may iba lang siyang habol sa'kin. Wait...wait nga lang. Bakit ba ako nag-iisip nang ganito? Para namang hahayaan kong maging kami at lunurin ang sarili ko sa kaniya. Lunurin para saan? Para masaktan lang ako sa huli? 'Wag nalang! "Hmm...parang crush ka din ni kuya Steph, ah?" Bigla ay sabi ni Mae nang lumabas kami para bumili ng pagkain. Kasama rin namin sina Krystel, kaklase ng kapatid kong si Jerry, ang pangalawa sa'kin. Si Belle na kapatid ni Rafael at si Ann na Grade 8. Nasa likod namin sila. Minsan talaga ay sama-sama kaming lumalabas. Hindi ko alam kung bakit bigla ay bumilis ang t***k ang puso ko sa sinabi niya. "Wag ka ngang ganyan!" Halos mamula ang mukha ko. Natawa lang si Mae sa hitsura ko. "May something na sa inyo, eh." Ngisi niya. Nang narinig nina Krystel ang sinabi ni Mae ay nakiisyuso rin sila. "Oo nga." "Sana all." Si Ann. "Kayo na?" Inosenteng tanong ni Belle. Umiling agad ako. "Hindi 'no!" Tanggi ko, napapapikit ng mata. Takteng 'yan. Gano'ng usapan palang, ibig sabihin kami na?! "Ang defensive." Napalabi si Krystel, pinipigilang natawa. Natawa rin sila Belle at humalakhak naman si Mae. Napaikot nalang ang mata ko sa ere. Nang makarating sa pinakamalapit na tindahan sa school namin ay yumuko ako. May kababaan kasi ang tindahan nila Mang Boy. "Ano sa'yo ganda?" Tanong sa akin ni Mang Boy. Kulang nalang ay umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko para narin sa respeto. Yes. For the sake of respect. "Isa po nito." Saka ko tinuro ang gusto ko. Isa-isa naring bumili sina Belle nang kakainin nila. Nang matapos ay bumalik na sila agad sa loob ng school dahil may klase pa daw silang tatlo kaya naiwan kami ni Mae dito sa labas. "Hala, si Ken oh." Humagikhik bigla na parang uod itong si Mae nang makita ang crush niya na naglalaro ng basketball. Kulang nalang ay maglaway siya. Napaismid ako. Mahitsura naman si Ken pero hindi ko na siya crush. Noon crush ko siya dahil nakasama rin namin siya dito sa school noong nakaraang taon pero isang linggo lang 'yon. Grade 10 na siya ngayon, kaklase ni Stephen. And speaking of the which, may lalaking dumaan sa gilid ng mga naglalaro. Suplado na naman ang mukha niya. Inaya siya ni Ken na maglaro ng basketball pero maayos naman siyang tumanggi kaya hindi na pinilit ni Ken. Nakatitig parin ang haliparot na si Mae kay Ken. Nakasando lang kasi siya kaya eto, halos hubaran na kung pasadahan ng tingin. Kaya hindi niya napansin ang pinsan na papalapit sa'min. Nang makita ako ni Stephen ay marahang tumagilid ang ulo niya na para bang sinusuri ako pati ang kaluluwa ko. Tuloy ay aligaga kong iniwas ang tingin sa kaniya. "Ate." Napalingon ako sa likod ko nang may humila-hila sa laylayan ng uniform ko. At doon ko nakita si Jon, ang bunso kong kapatid na Grade 1. Binigay niya sa'kin yung sampung-piso niyang barya para ipambili ng tinuro niyang bisquit. Agaran ko naman 'yon binili at binigay sa kaniya. Pero nangunot ang noo ko nang mapansin na may kalat-kalat na chocolate sa bibig ng kapatid ko. "Ano 'yan? Bakit nagkalat 'yan?" Para akong nanay na manenermon habang nakatingin sa bibig niya. Nako. Kahit kailan talaga! Napanguso lang siya sa'kin, hindi nagsalita dahil iniisip na baka galit ako. Pinilit niyang punasan 'yon gamit kamay niya pero lalo lang 'yon nagkalat. Nang hawakan niya ang laylayan ng uniform niya para ipangpunas sa mukha niya ay pinigilan ko na siya. Ako pa ang mahihirapan kapag hinayaan ko siya. Ako pa naman taga-laba ng uniform nila! "Ako na nga." Yumuko ako para magpantay kaming dalawa. Buti nalang at dala ko ang panyo ko kaya 'yon ang ipinamunas ko sa mukha niya. Pinunasan ko 'yon nang maiigi hanggang sa matanggal ang dumi ro'n. Pero nang makatayo ako ay natigilan na naman ako nang makita si Stephen na titig na titig sa'kin. Parang namamangha siya sa hindi ko alam. Kumikislap ang mga mata niya sa hindi ko mapangalanang emosyon. Huh? Napailing ako. Kahit kailan ang weird niya talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD