CHAPTER 5

2041 Words
CHAPTER 5 First kiss SA MGA sumunod na araw ay naging tahimik ang buhay ko. Kahit sa school, wala akong imik. At dahil halos lahat naman sila ay kilala ako, napapansin nila ang pananahimik ko. Hindi nalang ako nagsasalita kapag tinatanong nila kung ayos lang ba ako kasi pakiramdam ko sa oras na bumuka ang bibig ko, tutulo lang ang luha ko. Masikip sa dibdib ang gano'n kaya mas pinili kong tumahimik. Ngayon lang naman ako naapektuhan ng ganito. Noon naman, kahit harap-harapan ang pagrereject sa'kin ng mga crush ko, tanggap ko ng buo. Ngayon, hindi pa nga ako narereject, ganito na ang epekto sa'kin. Bwisit kasing pabango 'yon! Kung hindi lang siya sana gano'n kabango edi sana hindi ako magkakagusto sa kaniya. Edi sana hindi ako nasaktan! Eto na nga bang sinasabi ko e. Kaya ang hirap umasa. Nakakabaliw dahil 'di mo alam kung may patutunguhan ba ang inaasahan ko sa kaniya. Ni hindi ko nga rin alam kung gusto niya rin ako. Pero tapos na 'yon. Hindi na ako mag-aassume ng kahit ano. Kaya lang hindi ko maiwasan maging mas malungkot dahil no'ng mga sumunod na araw, hindi na siya pumapasok. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Tatlong araw na ang nakalipas simula no'ng huli naming pag-uusap pero hanggang ngayon, hindi parin ako nakakamove-on sa mga sinabi niya. Hindi ko nga rin alam na overthinker pala ako. Kahit sa gabi hindi ko 'yon mapigilang isipin. Siguro gano'n talaga kapag sobra kang soft-hearted. Sa t'wing tinatanong ko si Mae, ang lagi naman niyang sagot ay busy siya sa trabaho kaya hindi pumapasok. Syempre hindi ko dinadalasan ang pagtanong ko dahil baka kung ano na naman ang isipin niya. Para makalimot ay gumawa ako ng mga bagay na makakapag busy sa'kin. Sakto at may event na naman kami sa school. Buwan ng Wika sa August kaya may dalawang linggo pa kami para makapaghanda para sa darating na program. Kahit medyo konti lang kami ay palaging nay event sa school. Na-eenjoy parin namin siya kahit papa'no kaya todo ang practice namin. Sa lahat ng program, may ambag ang lahat sa'min. Kung hindi ka tutulong sa pag design sa stage at sa pag-aarrange ng mga upuan, sasayaw ka ng intermission number or 'di kaya ay magiging participant ka ng mismong event. Dahil wala sa section namin ang gustong magkusa para maging participant sa Lakam at Lakambini, prenisinta ko nalang ang sarili ko. Dahil kung hindi, sino? Tamad ang mga kaklase ko kaya wala akong maaasahan sa kanila. Isa pa, may contest din ng katutubong sayaw per section kaya lahat talaga ay kailangan mag participate. No choice naman sila kundi sumunod. At dahil candidate ako para sa program, araw-araw ang practice namin. Minsan exempted na ako sa klase or 'di kaya wala munang klase dahil karamihan ay busy sa pagpapractice simula kinder to highschool. Uuwi 'pag lunch then babalik ng hapon para mag practice ulit. Sa sobrang kabusyhan ko nakalimutan ko na si kuya Step. Hindi na rin siya pumapasok kaya mas naging focus ang atensyon ko sa ibang bagay. Gano'n talaga siguro, hindi ako inlove. Makakalimutan ko rin siya. At nasaktan lang ako sa sinabi niya dahil soft-hearted ako. Lumipas nga ang dalawang linggo at event na namin. 2pm magsisimula ang event kaya nagbihis na ako. Nagpa make-up narin ako sa teacher namin para makapaghanda na. Nagbihis ako ng black sleeveless dress para sa Introduction. Mamaya magpapalit na naman ako ng damit para sa talent portion. Nang tumingin ako sa labas ay kulay kahel na ang langit. 2pm ang sinabing time na magsstart ang event pero 4pm na magsisimula dahil inaantay pa ang iba. So no choice ang teachers at Emcee kundi mag adjust. Parami na ng parami ang tao sa labas dahil laging nag-iinvite ang iba na sumama para sa event. Kaya siguro hindi gano'n kaboring ang program namin dahil marami-rami naman ang nanonood. Unang part ng event ay Prayer, intermission number and then Introduction na ng participants. Bawat participant para sa Lakam at Lakambini ay may kapartner na galing sa parehong section. Meaning, babae at lalaki per section. Pagsasamahin kaming elementary at highschool students para sa introduction pero hiwalay na pagdating sa awarding. "Wow..." Bigla ay sumulpot na naman ang pesteng si Calvin sa tabi ko, nakamake-up na. Naka-white sando, black slacks, black shoes at nakasabit ang american coat sa balikat niya. Siya ang partner ko. Tumaas ang kilay ko ng tumingin siya sa mukha ko. "Ang pangit mo parin kahit naka make-up." Dahil sa inis ay agad kong hinablot ang makapal na libro na nasa tabi ko saka nangigigil na hinampas siya. Napa-aray siya pero natawa sa huli. "Kesa naman sa mukha mo. Tingnan mo nga, ang kapal ng pulbo pati liptint. Halatang ikaw lang ang naglagay. Ang pangit." Balik kong pang-aasar. Concious niya namang tiningnan ang sarili sa salamin na hawak ko. "Hindi naman," Aniya pero todo kuskos sa mukha. Sobrang puti ng mukha niya! Ngayon ko lang napansin dahil malapit siya sa'kin. Tuloy ay hindi ko napigilang mapahalakhak. "Grabe ka mangbully tapos yung hitsura mo, mas pangit pa sa binubully mo," Halos maglupasay na ako sa sahig kakatawa. Natatawa din siya pero mukhang napipikon na sa sinasabi ko. Mas lalo akong natawa. Kinuskos niya ang pisnge niya pero hindi niya pansin ang nasa kilay niya. Puno rin ng pulbo 'yon kaya wala sa sarili kong pinagpag ang kilay niya. Pero natigilan ako sa ginagawa nang makita kung sino ang pumasok sa room na may hawak na isang plastic ng donut. Basa pa ang buhok, halatang kakaligo lang. Nakablue polo at bukas ang tatlong butones sa harapan! Walang sando! Parang natuyo ang lalamunan ko lalo na nang sumulyap ang masungit niyang mga mata sa'kin. Umiwas ako ng tingin at minake-upan nalang ulit ang sarili ko. "Donut ulit 'pre?" Narinig kong tanong ni Calvin na nasa tabi ko. Hindi ako nakatingin sa kanila pero nakikinig ang tainga ko sa pag-uusap nila "Pahingi." Makapal ang mukha niyang sabi! Alam ko kung sino ang kinakausap niya kaya naman gulat at disgusto ko siyang tiningnan. Napakawalang-hiya talaga ng Calvin na 'to. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay ngumisi lang siya sa'kin, hawak na ang vanilla donut. "Bakit?" Inirapan ko lang siya saka ulit naglagay ng lipstick sa labi ko. Favorite ko ang red lipstick kaya 'yon ang nilagay ko sa labi ko. Bukod sa bagay sa'kin, hindi masyadong OA ang pagkapula niya. Sa kabila ng paglalagay ko ay umusbong na naman sa dibdib ko ang pakiramdam na may nakatitig sa'kin. Luminga ako sa paligid saka halos mawalan ng hininga na makitang nakatingin si kuya Step sa ginagawa ko, malapit siya sa pintuan ng room at ako naman ay nasa desk ng teacher na nasa sulok. Parang nakaawang pa ang labi niya, nasasayahang tingnan ako pababa sa labi ko. Matapos niyang walang hiyang titigan ang labi ko ay umakyat ang paningin niya sa mata ko. Nang makita 'yon ay tinaasan ko siya ng kilay, nagtataka kung bakit siya nakatingin sa'kin. Hindi siya bumitaw sa pagkakatitig pero nakita kong nangunot ang noo niya kaya inirapan ko nalang siya. Parang nagulat siya sa inakto kong 'yon kaya umiwas nalang siya ng tingin. Inayos ko nalang ang mga gamit ko para maghanda nang lumabas, magsisimula na daw ang event. "OUR MS. Lakambini 2019 is.." 7pm na at malapit na kaming matapos sa event. Nabigyan narin ng award ang mga nanalo sa contest ng katutubong sayaw, nanalo ang section namin kaya sayang-saya silang lahat. Pati ang Best In Photogenic, Best In Talent Portion sa elementary ay na awarded na. Kaming highschool ang huli. Best in Talent Portion at Best in Photogenic kami ni Calvin. Akalain mo na kahit pala mukhang monggoloyd ang baliw na 'yon ay naging best in Photogenic pa? "Panis ka." Pagyayabang ni Calvin na kulang nalang ipakain ang sash niya sa'kin na may 'Best in Photogenic'. Nandidiri ko siyang tiningnan. "Meron din ako niyan, duh." Inangat ko rin ang sash ko na kapareho ng kaniya. Natawa lang siya, nang-aasar. Hindi ko nalang siya pinansin. Nandito parin kami nakatayo sa may stage, hinhintay sabihin ng emcee kung sino ang Lakambini at Lakam 2019. Bawat partner ay naka position sa harap at sa likod, may space per partner. "Lakambini 2019 is Ysabelle Janess Mendoza and Lakam 2019 is Calvin Rexal Garcia!" Matapos sabihin 'yon ng emcee ay malakas na palakpakan ng nga tao ang bumungad sa'min. Gulat kaming napatingin ni Calvin sa isa't-isa. Sa kabila nang gulat namin ay nakangiti na kaming pumunta sa harap para suotan ulit ng sash at bigyan ng trophy. Sobra ang tuwa ko dahil ang laki ng trophy ko! New collection na naman eherms. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti dahil sa sobrang saya. Ilang sandali pa kaming nagstay sa stage para sa picture taking, saka ako bumaba. Humarang naman sa daan ko si Mae, binati rin ako. "Galing, ah!" Kunwari ay bilib niyang sabi habang naglalakad kami papasok sa room. Natawa nalang ako at binigay sa kaniya ang trophy. Naiinggit din siya kasi ang laki daw no'n. Nagdala ng pagkain ang Mama niya at iba pang magulang ng mga elementary para panghanda. Syempre nakikain narin ako. Sa sobrang pagod ko, simula introduction, talent portion, katutubong sayaw ng section namin at Q & A portion ay tubig at bisquit lang ang kinain ko. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko dahil sa pagtitiis ko. "Sa'yo na daw." Sa gitna ng pagkain ko ay isang box ng donut ang nilapag ni Mae sa armchair ko. Napataas ang kilay ko, nagtataka. Gusto ko sana itanong kung kanino 'to galing pero umalis na siya sa harap ko dahil inutusan ng mama niya. Napanguso nalang ako. 'Wag umasa sa walang kwentang bagay, Janess. Pinigilan ko ang sariling umasa kung kanino galing 'to kaya tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain ko. Masamang mag-isip ng masama. Yup. Masama. Tapos na kami kaya karamihan sa mga tao ay nagsi-uwian na. Gusto ko naring umuwi dahil pagod na pagod na ako, nawawalan na nang gana kumilos ang katawan ko. Kaya lang marami pa akong gamit na kailangan ligpitin bago ako makauwi. "Uwi na kami." Si Mae. Napanguso nalang ako kasi maiiwan ako dito. Pero tinulungan naman ako ni Mae ng konti bago siya umalis kaya medyo napabilis ako. Ako nalang talaga ang naiwan sa room ni Ma'am Luz kaya kabado kong binilisan ang kilos ko. Usap-usapan pa naman na marami daw multo dito lalo na sa room na 'to! "Yung donut mo—" "Tangina!" Takte! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa sobrang takot at kaba nang may kumalabit sa'kin. Paglingon ko si kuya Stephen lang pala! Mukhang nagulat din siya sa sigaw ko dahil nakaawang ang labi niya. Inis ko naman siyang hinarap. "Ba't ba kase nangangalabit ka tapos nandiyan ka pa sa mismong likod ko?! Nagulat tuloy ako!" Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa'kin. Ako naman, hingal na hingal parin dahil akala ko multo na 'yong kumalabit sa'kin! Nang nakabawi ay napakamot siya sa ulo. Mukha na siyang maamong tupa ngayon dahil nakababa ang tingin niya. "S-Sorry naman. Nakita ko kasi 'tong donut sa kabilang room, naiwan mo." Inabot niya sa'kin yung donut na binigay sa'kin ni Mae kanina. Kunot noo ko 'yong tinanggap, nagtataka kung pa'no niya nalaman na akin 'yon. "Paano mo naman nalaman na akin 'to?" Tanong ko. Napatitig siya sa mukha ko, pababa na naman sa labi ko. Ampt. Nakakahalata na ako sa tingin niyang 'yan ah. "Ako nagbigay niyan sa'yo, eh." Sabi niya, hindi inaalis ang titig sa'kin. Napaawang ang labi ko. "Bakit.. mo naman ako bibigyan nito?" Mahina kong tanong. "Para 'yan sa nasabi ko no'ng nakaraan." Aniya, "I'm sorry sa nasabi ko. M-Mainit lang kasi ulo ko no'n kaya nakapagsabi ako ng hindi maganda." Seryoso niyang sabi. Kahit seryoso siya, ramdam ko ang pagiging sincere niya. Ang weird sa pakiramdam pero kahit gano'n, gumaan ang loob ko. Ngumiti ako sa kaniya dahilan para mas lalo siyang mapatitig sa'kin. "Okay lang 'yon. Naiintindihan ko." Napakagat siya sa labi na parang may pinipigilang kung ano. Natahimik din siya kaya nagsisimula na akong magtaka. "Pero Janess... sa gagawin kong 'to, hindi ako hihingi ng tawad sa'yo." Napakurap-kurap ako, hindi maintindihan ang sinabi niya. Pero halos matulos ako sa kinatatayuan nang maramdaman ang labi niya sa labi ko!!! Anong?!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD