CHAPTER 10

1978 Words
CHAPTER 10 Caring "Tara na, Janess." Aya sa'kin ni Mae. Pupunta na naman daw kasi sila sa may ilog na madalas namin tambayan malapit lang dito sa school namin. "Kayo nalang kaya? Tinatamad ako, eh." Nangalumbaba ako habang nakatulala sa kung saan. Kakatapos lang ng 3rd subject namin ngayong hapon at tapos narin ang harapan namin ni Stephen kanina. Pero pakiramdam ko naririnig ko parin ngayon yung mga sinabi niya. Napahinga ako ng malalim. "Ikaw ha," Halos mapatalon ako sa gulat nang padabog siyang naupo sa tabi ko. Nilingon ko siya. Masama na ang tingin niya sa'kin. "Hindi ka na sumasama sa'min, lagi ka nalang nandito sa room! Ang boring-boring dito tapos dito ka lang tumatambay?" Napaiwas ako ng tingin. Hindi inakalang mapapansin niya 'yon. Pero siguro nga masyado na akong halata. Noon kasi mahilig kami gumala pagkatapos ng klase or kapag lunch time pero madalang na akong sumama sa kanila. Madalas nagdadahilan ako na may gagawin pa o kaya tinatamad pero ang totoo, may kababalaghan— I mean, may iba lang naman akong pinaglilibangan. "Ano.." Pumalibot ako ng tingin saka ko nakita ang unti-unting pagdedecorate ni Ma'am Luz sa room niya. Mahilig kasi siyang magdecorate gamit ang colored paper at maggupit-gupit. Saka isang ideya ang pumasok sa isip ko. "Tinutulungan ko si Ma'am dito." Sabi ko saka nagsulat kunyari sa notebook ko kahit wala naman akong maisip na isulat. Sana lang talaga tumalab ang palusot ko. "Mukha mo tinutulungan." Lukot ang mukha niyang sabi, hindi naniniwala sa'kin. Inaasahan ko naman 'to dahil sa lahat ng tao dito sa school ay siya lang ang mas nakakakilala sa'kin dahil narin sa matagal na kaming magkaibigan. Kaya wala talagang epek ang dahilan ko. "Kala mo 'di ko alam," Biglang sabi niya dahilan para lingunin ko siya. "Na magkasama kayo dito lagi ni kuya Stephen?!" Halos mamula ang mukha ko sa sinabi niya. Kung akusahan niya ako para bang may ginagawa kaming masama kapag kaming dalawa lang! "H-Hoy!" Sigaw ko sa mismong mukha niya. Di na pinansin ang bigla niyang pag-atras. "W-Wala naman kaming ginagawa! Nag-uusap lang kami!" Tumaas ang kilay niya. "Talaga lang?" "Oo!" Di ko alam kung dapat ko pa bang sabihin na balak din ng pinsan niyang manligaw sa'kin. Noon naman wala akong kahit na anong sinisikreto kay Mae dahil gano'n din siya sa'kin. Sinabi niya nga noon sa'min kung anong pakiramdam habang hinahalikan. Grade 7 kami no'n at nagkafirst kiss siya sa first boyfriend niya na Grade 6 pero kasing edad niya. Nacurious ako sa bagay na 'yon at tulad nga ng sabi niya, totoo palang masarap 'yon. Geez, dahil sa lalaking 'yon dumudumi na tuloy utak ko. Wala akong balak sabihin kay Mae dahil hindi pa naman ako sigurado kung totoo bang manliligaw sa'kin ang siraulo na 'yon. Malay ko bang pinagtitripan na naman niya ako. Tapos kapag sinabi ko kay Mae, edi napahiya pa ako?! Napairap nalang ako. "Mae, tawag ka ni Mama." Boses ni Stephen ang umagaw ng atensyon naming dalawa. Napatingin ako sa kaniya. Nakapaskil na naman ang kasungitan sa mukha habang naka-earphone at dala ang cellphone. Saglit niyang tiningnan ang sarili sa malaking salamin at marahang hinawi ang buhok. Nang makita niya akong nakatingin ay pasimple siyang kumindat sa'kin. Inismiran ko lang siya. "Bakit daw?" "Ewan ko." Walang pakialam na sagot ng pinsan. Ngumiwi lang si Mae. Hindi na ako kinausap ulit ni Mae dahil nag-ayos pa siya ng sarili sa harap ng salamin. Di ko masabi kung galit ba siya pero ipinagkibit balikat ko nalang 'yon. Sigurado naman ako na bukas papansinin at aayain niya ako ulit. "Ano ba 'yan bakit mag-aayos ka pa? Umalis ka na bilisan mo." Naiinis na reklamo ni Stephen. Lihim akong natawa. Dahil wala naman akong magawa ay mag aayos-ayos nalang ako dito sa room ni Ma'am Luz habang wala pa siya. Baka mag ala dragon na naman 'yon kapag nakitang magulo ang sosyal niyang room na pinuno ng art papers. "Saglit lang naman." Rinig kong sabat ni Mae. "Bagal. Papaganda ka pa eh, hindi ka naman papansinin ng crush mo." Asar na sabi ni Stephen. Mukhang magsisimula na silang mag-away dahil inis na siyang hinarap ni Mae. Di ko nalang sila pinansin at nagligpit nalang ng kalat. Akalain mo nga namang talent niya talaga ang pataasin ang presyon ng dugo ng kahit na sino. "Oh, ano namang pake mo do'n?" "Hindi ka papansinin no'n kaya wag ka na magpaganda kasi hindi ka naman gaganda. Tingnan mo 'yang ilong mo, oh." Umupo ako at pinanood sila. Kita kong pinisil ni Stephen ang ilong ni Mae. Napahawak siya do'n at sinuntok si Stephen sa braso. "Ang sakit! Gago ka..." "Pumunta ka na do'n. Lagot ka kay Mama." "Isusumbong kita kay Mama!" Pikon na pikon na si Mae sa pinsan. Gusto ko nang humalakhak pero nagpigil nalang ako at nagsulat ng kahit ano sa likod ng notebook ko kahit wala naman pumapasok sa isip ko. "Ishushumbong keta kay Meme..." Maarteng ginaya ni Stephen ang boses ni Mae. Napakagat ako sa labi. Gustong-gusto ko nang tumawa. Parang paiyak na si Mae habang masama ang tingin sa pinsan na lumabas ng room. Doon hindi narin napigilan matawa ni Stephen sa itsura ng pinsan. "Pikon." Natatawa pa siya saka naglakad papunta sa'kin. Hindi ako nakatingin sa kaniya pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko. "Huy," Kumuha siya ng upuan at lumapit sa'kin. Agad kumalat sa ilong ko ang vanilla na naman niyang pabango. Lihim akong sumisinghot pa ng amoy niya pero napatigil ako nang pisilin niya ng mahigpit ang mukha ko para lang lingunin siya. Napaaray ako do'n at tinaliman siya ng tingin. "Ano ba?" Iritado kong inalis ang kamay niyang halos ayaw nang bumitaw sa pagpisil sa mukha ko. T*nginang 'yan. Kung pisilin niya ang mukha ko akala niya mamon lang 'to. Kahit hindi ko makita ay alam kong namula na ang mukha ko dahil sa pagpisil niya. Napamura nalang ako ulit dahil sa inis. Bwisit na baliw 'to, ah. "Wow, sungit." Komento niya saka mahinang natawa. Kanina mukha pa siyang masungit at ngayon napagtagumpayan niya kaming pikunin ng pinsan niya. Hindi ko alam kung maiinis o hahanga ba ako. Mood swings real quick. May sayad ata 'to. "Ba't ba nandito ka na naman?" Tanong ko habang nilalagyan ng design 'yong pangalan kong naka-caligraphy. Hindi maganda pero hindi rin pangit. Sa ngayon kasi nag-aaral pa akong magcaligraphy. Practice muna gamit ang ballpen. "Guguluhin lang kita." Umirap ako. Edi manggulo siya. Pakialam ko naman. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagkabusyhan ang ginagawa ko. Tumahimik nalang din siya. Naghihintay pa kasi kami ngayon sa teachers namin para sa last subject. May meeting daw kasi sila kaya dito muna kami. Pero yung ibang students nagsi-alisan na naman. Malamang bored na bored na. Pero ang ipinagtataka ko ay itong kumag na 'to ay hindi man lumabas. Ramdam kong yumuko siya sa upuan at nakaharap ang mukha sa'kin. Hindi ako nakatingin pero ramdam ko ang mainit nitong titig sa'kin. Nagsisimula na naman maghumirantado sa pagtibok ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa excitement. Basta kapag talaga pagdating sa kaniya, ang dami kong nararanasang bago na ako mismo hindi ko maintindihan. Hindi na ako masyadong nakakapagfocus dahil sa titig niya sa'kin. Huminga ako ng malalim saka sumulyap sa kaniya. At tulad nga ng hinala ko, nakatitig siya sa'kin. Pero agad siyang umiwas ng tingin na para bang hindi niya ako tinitigan kanina. Napailing nalang ako. Tumingin ako sa orasan. Mag-aalastres na ng hapon pero wala parin ang mga subject teachers namin. Malamang marami talaga silang pag-uusapan dahil may program na naman kami ngayong buwan. Mukhang wala na kaming klase. Uwi na kaya ako? Hindi narin bumalik yung ibang highschool students. 100% sure ako na nagsiuwian narin ang mga 'yon. Lagot na naman sila. Basta-basta nalang umuuwi nang hindi nagpapaalam at hindi hinihintay ang announcement ng teachers. Pwede narin siguro ako umuwi at magpapaalam nalang. Pero parang ayaw ko pa. Ayaw ko mang aminin pero ayaw kong iwan 'tong lalaking nasa tabi ko. Hindi ko na pwedeng itanggi sa sarili ko na masaya talaga akong makasama siya. Kahit puro asaran lang kami, masaya parin ako. At may kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Parang unti-unti, umuusbong 'yon lalo sa loob ko lalo na sa t'wing kasama ko siya. Wala sa sarili ko siyang tiningnan. Nakaharap parin ang mukha niya sa'kin pero nakapikit na ang mata niya. Mukhang nakatulog na. Yumuko rin ako sa armchair ko at ginawang unan ang kamay ko. Saka ko siya malayang tiningnan. Dahil sa natutulog niyang itsura ay nakaramdaman ako ng kapayapaan sa paligid. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bakit nakakaramdam ako ng ganito. Pero napangiti parin ako habang nakatingin sa buo niyang mukha. Mula sa bagsak niyang buhok, bumaba ang tingin ko sa kilay niya. Katamtaman ang kapal no'n at doon ko lang nasusuri ang emosyon niya sa t'wing badtrip o masungit ang mukha niya. Medyo mahaba rin ang mga pilikmata niya. Makinis at sakto lang ang hugis ng mukha pababa sa baba niya. Ang ilong niya naman ay may pagkamatangos rin pero hindi maaalis do'n na nakuha niya rin ang pagkapango ni Mae. Hindi matangos pero hindi rin pango. Sakto lang. Habang ang labi niya naman na unang lumapat sa labi ko ay katamtaman lang ang kulay. Tinitigan ko ang labi niyang 'yon. Ano kayang pakiramdam kapag naramdaman ko ulit 'yon? Halos makalimutan ko na kasi 'yong feeling ng first kiss namin. At dahil nakalimutan ko na 'yon, parang nananabik akong maranasan ulit 'yon. Ang maranasang makulong sa labi niyang aangkin sa labi ko na nagpaparating ng samu't saring emosyon. Dahil doon ay napatayo ako. Ano mang oras ay pwede niya akong halikan. Hindi naman ako tatanggi pero kailangan laging mabango ang hininga ko at mapula ang labi ko! Luminga ako sa paligid, hinahanap ang bag ko. Nang maalalang ando'n pala 'yon sa kabilang room ay dali-dali akong lumabas. Hinananp ko ang liptint ko at agad na naglagay sa labi ko. Konting-konti lang ang nilagay ko para tama lang ang kulay. Ayoko ng masyadong pulang-pula dahil magmumukha na akong OA. Naglagay narin ako ng tamang pulbo. Hindi naman ako yung tipo na maglalagay pa ng liptint sa cheeks. Para sa'kin kasi sapat na ang liptint sa labi at konting pulbo. Dahil kahit gano'n lang ang ilagay ko, maganda parin ako. Nagspray narin ako ng pabango. Nang matapos ay lalabas na sana ako pero natigil ako nang nasa harap ko na agad si Stephen. "A-Akala ko ba tulog ka?" Na-conscious na naman tuloy ako sa mukha ko ngayong nasa harap ko siya. Iniisip ko kung maganda ba ako, masyadong OA na ang mga nilagay ko sa mukha ko o tama lang? "Akala ko kasi umalis ka na." Lumambot ang mukha niya nang makita ako. Biglang nangunot ang noo ko. Bakit niya naman kaya naisip na aalis na ako? "Huh?" "Akala ko iniwan mo na ako, eh." Nagtataka parin ako sa kaniya nang pumasok siya sa loob. Umupo siya sa study table saka tinapik ang space sa tabi niya. "Dito ka." Wala sa sarili akong sumunod at umupo sa tabi niya. Pina-usog niya pa ako sa gilid. Pero napasinghap nalang ako nang mahiga siya at gawing unan ang mga hita ko. Pumikit siya saka humiga ng ayos. Doon ko lang napansin na nangingitim na naman ang ilalim ng mga mata niya. Parang hindi siya lagi nakakatulog ng maayos. "Pagod ako... pwedeng magpahinga muna saglit?" Aniya habang nakapikit parin. Hindi ako sumagot sa halip ay hinawakan ko ang buhok niya. Sinuklay ko 'yon nang marahan gamit ang daliri ko dahilan para magsimula nang bumigat ang paghinga niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na nakakapagpahinga rin siya kahit papaano kapag kasama ako at ganito lang ang gawin ko. Parang tuloy gusto ko na 'tong laging gawin sa kaniya. Gusto kong lagi siyang alagaan sa t'wing napapagod siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD