CHAPTER 12

2216 Words
CHAPTER 12 Only His "Happy Birthday, Janess!" "Happy Birthday!" "MBTC!" "Happy Birthday bhe!" Ilan lang 'yan sa mga message na natanggap ko sa f*******: account ko. Ngayon kasi ang 14th year of existence ko dito sa mundong ibabaw. Hindi ko maiwasang matuwa. Nandito ako ngayon sa computer shop para mag log-in ng sss. Weekends ngayon kaya walang pasok at nakakapagcomputer ako. Sa totoo lang bihira lang kasi ako mag-online sa sss dahil nga wala rin akong sariling cellphone. Nasa gitna ako ng pagsscroll sa message inbox ko nang mapatigil nang makita ang isang message na kakasent lang 5 minutes ago. Happy Birthday, Janeq. Sent 2:15pm Wala sa sarili akong natawa. Halos takpan ko pa ang bibig ko dahil gusto kong humalakhak. Hindi ko alam kung natatawa ba talaga ako o kinikilig. Janeq?? JaneKo?! Ang korni! Napailing nalang ako sa sarili habang natatawa parin saka binuksan ang message galing kay Stephen. At oo, talagang ni-nickname niya pa sa'kin ang "Janeq" sa messenger. Natawa na naman ako. Nagtype ako saka siya nireplayan. Janess: Janeq? Seryoso? Halos wala pang sampung segundo nang magreply siya. Stephen: Opo. Janeq Kinagat ko ang labi ko, nagpipigil na namang matawa. Ang korni niya talaga pero hindi ko alam kung bakit sobrang natutuwa ako. Janess: Ini-nickname ko narin ba dito sakin 'stephenq'? Agad ay nagreply siya. Stephen: Sige po. Mapilit ka e Kumunot ang noo ko. Mapilit? Pinilit ko ba siya?! Gago! Janess: Birthday na birthday ko nambibwisit ka. Stephen: Hehehe Napailing nalang ako. Stephen: Ano handa? Stephen: Pahingi Stephen: Yung gift ko pala sa monday na Tumaas ang kilay ko nang mabasa ang huli niyang message. May regalo siya para sa'kin? Hindi ko alam kung bakit parang na-excite ako bigla. Janess: Pansit lang handa ko Janess: Sige pumunta ka dito sa bahay bibigyan kita Janess: Anong gift yan? Stephen: Bakit pansit lang? Janess: Eh sa yon lang ang kaya namin? Stephen: Sige soon pupunta ako diyan kapag sinagot mo na ako Stephen: Secret muna yung gift Stephen: Kapag ako naging asawa mo, hindi lang pansit magiging handa mo. Hindi ko alam na halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat dahil sa sobrang pagpipigil ng kilig at sumigaw. Ang gago na 'to! Kahit sa chat ang landi-landi! Janess: Ang landi mo ha Janess: At ano namang iba pang ihahanda mo para sa'kin? Ilang segundo bago siya nagreply. Stephen: Ako. Janess: Anong ikaw? Stephen: Ihahain ko sarili ko para sayo. "Ha?!" Hindi ko na napigilan na humagalpak ng tawa. Sa lakas ng tawa ko halos naagaw ko lahat ng atensyon ng mga tao sa comshop. Kahit yung ibang naka headphone ay napalingon sa'kin. Yumuko ako at pinilit na manahimik at pigilan ang pagtawa. Janess: Baliw. Nakangisi ako nang sinend 'yon. Nagreact siya ng 'haha' sa message ko na 'yon. Mas lalo akong napangisi. Pero bigla ay nag-appear ang pangalan niya sa harap ko. Nagri-ring 'yon at— tinatawagan ako! Tinatawagan niya ako! Shit! Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako mapakali sa upuan ko at nagdadalawang-isip na sagutin ang tawag niya. Hindi rin nakaligtas sa pakiramdam ko ang sobrang kaba. Namawis bigla ang mga palad ko at kabadong tiningnan ang sarili sa reflection ko sa computer. Kinagat ko ang labi saka inayos ng konti ang buhok ko. May camera kasi ang computer na 'to kaya malamang makikita niya ako kapag sinagot ko ang tawag niya. Ilang beses pa akong malalim na huminga bago pinindot ang answer button. ["Nasa'n ka?"] Ang paos niyang boses ang sumakop sa pandinig ko. Mas malinaw sa'kin ang boses niya ngayon dahil naka-headphone ako at full volume. Wala sa sariling napapikit ako. Bakit ang sarap sa tainga ng boses niya? Ni hindi ko namalayang kanina ko pa kagat ang labi ko. "Nasa computer shop." Kita ko ring nakatagilid siya, nakahiga. Saka ako tiningnan ng maayos. ["May kasama ka diyan?"] Tumaas ang kilay ko. "May mga tao rin dito." ["Mag-isa ka lang?"] Umikot ang mata ko sa ere. "May mga tao nga din dito sabi ko 'di ba?" Natawa siya. Halos um-echo 'yon sa pandinig ko. "Sungit ng baby ko." Ginawa ko ang lahat para hindi niya kakitaan ng reaksyon tungkol sa sinabi niya. Nagpigil akong ngumiti sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay sa kaniya. "Kailan mo pa 'ko naging baby?" Ngumisi siya. "Soon." Inirapan ko lang siya pero nagpipigil ng ngiti. Sige, 3 points ka para diyan. Nag-usap pa kami tungkol sa kung ano-ano pero madalas wala namang kwenta ang topic namin. Pero lagi akong natatawa at humahalakhak. Hindi ko napansing may naupo sa tabi ko. Lumingon ako sa tabi ko. Doon ko nakita si kuya Dhenvan, kaklase ni Stephen. Nakangisi siya sa akin. "Si Stephen 'yan 'no?" Ngumuso ako, nagpipigil na kiligin sa harap niya. Tinawanan niya ako. Di na ako magtataka kung alam niya narin 'yon. Chismoso kasi ang mga tao sa school. Dahil kokonti lang kami, mas mapapansin ang mga bagay na madaling bigyan ng 'issue'. ["Sino 'yan?"] Tanong ni Stephen, narinig siguro ang boses ni kuya Dhenvan. Nilingon ko siya sa tabi ko na nagcecellphone. "Sino ka daw." Natawa si kuya Dhenvan saka hiniram ang headphone sa'kin at sumulyap sa computer. Binigay ko 'yon sa kaniya saka sila saglit na nag-usap. "Sige pre... laro tayo maya." 'Yon lang ang naintindihan ko sa pag-uusap nila. Malamang maglalaro na naman sila ng mobile legends. Binalik na ni kuya Dhenvan ang headphone sa'kin. Ilang saglit pa kaming nag-usap ni Stephen saka ko in-end ang call dahil paubos na ang time ko. "Kayo na 'no?" Napatingin ako kay kuya Dhenvan. Kanina pa kasi siya nakikiusyoso sa lovelife— sa pag-uusap pala namin ng tropa s***h kaklase niya. Support niya daw ang relasyon namin. Natawa ako nang sinabi niya 'yon. "Hindi, ah... saka," Kinagat ko ang labi ko. "Ilan taon kaya ang tanda niya sa'kin." Humina ang boses ko nang sabihin ko 'yon. Natigilan nalang ako nang may kung anong bumatok sa ulo ko. Wala naman ibang gagawa no'n kundi si kuya Dhenvan. Binatukan niya ako sa ulo! Napa-aray ako at sinamaan siya ng tingin pero mas masama ang tingin niya sa'kin. "Seryoso yung tao sa'yo tapos ganyan sasabihin mo." Ngumuso ako saka umiwas ng tingin sa kaniya. So pansin niya rin pala na seryoso ang baliw na 'yon? Malamang kinuwento na 'ko sa kanila ni Stephen. "Eh..." Wala akong mahanap na salita. Ningisian niya lang ako. "Alam mo... hindi naman importante ang agwat ng age niyo, eh. Basta mahal niyo ang isa't-isa, hindi niyo na papansinin ang sasabihin ng iba." Mas lalo akong ngumuso dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi ko lang alam kung bakit kahit na alam ko namang gusto ko rin siya, may parte sa'king tumututol dahil sa agwat ng edad namin. "Nagdadalawang-isip ka ata kasi iniisip mo ang sasabihin ng iba sa relasyon niyo, eh. 'Wag mo sila isipin kasi hindi naman sila ang makakarelasyon mo." Dagdag niya pa, nahulaan ang iniisip ko. Nakinig nalang ako sa kaniya at muli pang ngumuso, napapahiya. Gusto ko sana siyang biruin pero mukha siyang seryoso kaya tinandaan ko nalang ang mga sinabi niya. Halos hanggang balikat lang din ako ni kuya Dhenvan, kasingtangkad ni Stephen. Nakilala namin siya Grade 7 palang kami ni Mae. Kuya ang tawag namin sa kaniya dahil mas matanda siya sa'min ng halos dalawang taon. Ka-batchmate namin siya hanggang ngayon, Grade 10 na siya at last year na sa high school. Samantalang mas matanda sa kaniya si Stephen ng isang taon. So bali, tatlo hanggang apat na taon ang agwat ng edad namin ni Stephen. Ang weird lang na ang tawag ko kay Stephen ay Stephen lang, tapos kuya kay kuya Dhenvan kahit mas matanda si Stephen sa kaniya. Hindi narin siguro sa edad 'yon. May pinagsamahan rin kasi kami nina kuya Dhenvan sa tatlong taon namin sa school. Kaya kuya narin talaga ang turing namin sa kaniya. "Sabihin mo lang kung sasaktan ka niya, babanatan natin." Sabi pa niya. Natawa ako at tinandaan ang sinabi niya. Sabagay, kumpara kay Stephen, mas matagal na naming kilala ang isa't-isa. Kaya kahit katropa na niya ang baliw na 'yon, kampi parin siya sa'kin. Hmm, pero sasaktan niya kaya ako? ——— "Janess." Monday na at pasukan na naman. Simula kasi nang kumonti kaming magkakakilala dito noon ay nawalan narin ako ng gana pumasok. Pero ngayong lagi may nambibwisit sa araw ko, na-excite na naman akong pumasok ng maaga. 'Yon nga lang, unggoy ata ang nakita ko ngayon. "Problema mo?" Tinaasan ko ng kilay si Calvin. Ang siraulo din na 'to ay ngayon lang ulit pumasok. Sarap daw ng buhay, eh. Tamang pasok lang pag gusto. "Kayo na ni Stephen?" Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nakatayo siya sa tabi ko, inaayos din ang sarili sa harap ng salamin. "Hindi. Bakit?" Sa totoo lang dumadami na silang nagtatanong niyan sa'kin. Anong mga problema nila? Mukha na akong sikat na artista dito dahil gusto palagi ng update tungkol sa buhay ko ng mga fans ko. "Wala lang." Tiningnan ko siya sa salamin. Inaayos niya ang buhok niya pero seryoso siya at mukhang may malalim na iniisip. Wala sa mood? Hindi ko nalang ako nagsalita. Pero bigla ay may sinambit siya. "May sasabihin ako." Bumadha ang pagtataka sa mukha ko saka siya muling tiningnan. Masyado siyang seryoso at hindi ako sanay na ganito ang inaasta niya dahil madalas ay mapanira siya ng araw at mood. Anong problema nito? "Ano 'yon?" Naglagay ako ng tamang liptint sa labi ko. Dahil abala ako sa sarili ko, hindi ko na pansin ang titig ni Calvin sa'kin. Wala pa sina Mae at Stephen ngayon kaya maghahanda muna ako. Parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko sa t'wing iniisip na nandiyan na siya. Ewan ko ba, ngayon ko lang 'to naramdaman. Ang ma-excite ng sobra para sa isang tao. Ang sarap sa pakiramdam at laging nakakakilig. "Mamaya nalang, sa kabilang room. Tayong dalawa lang." Sabi niya saka umalis na sa harap ng salamin at lumabas. Mas lalo akong nagtaka. Gaano ba kaimportante ang sasabihin niya at bakit kailangan kaming dalawa lang? Na-curious tuloy ako. Ipinagkibit balikat ko nalang 'yon saka inayos ang mga upuan sa room ni Ma'am Luz since wala pa naman akong magawa. Unti-unti ay nagsisidatingan na sila. Ilang minuto pa at nagsimula naring mag-discuss si Ma'am Luz. Sabi niya isang subject daw muna kami at practice ulit para sa program sa October. Dumating narin sina Mae at Stephen. Sabay pa silang kumuha ng upuan at umupo sa tabi ko. Nangopya pa talaga silang dalawa ng sagot sa'kin nang mag-quiz na kami kahit ang dali-dali lang ng sagot. Napailing nalang ako. Pagkatapos ng lesson ay nagpractice na kami. ——— "Kailan mo ba 'ko sasagutin?" Halos mabulunan ako habang umiinom ng tubig nang marinig ang tanong niya. Kakatapos lang ng practice namin ngayon at agad akong pumunta sa room namin para uminom ng tubig. Ni hindi ko man lang namalayang nakasunod na siya sa'kin. "Seryoso ka diyan?" Tanong ko kay Stephen. Mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil walang halong pang-aasar ang mukha niya. Nakatitig lang siya sa'kin. "Mukha bang hindi?" Pinagkrus niya ang dibdib saka pinakatitigan ako. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tinotoyo ka na naman ba?" Huminga siya ng malalim. Sa sobrang lalim no'n ay parang pilit niyang pinapahaba ang pasensya sa'kin. Hindi ko mapigilang ngumiwi. Isa pa 'to. Anong problema nito? Jusko naman. "Tinatanong kita." Tipid niyang sabi. "Ah, so nagmamadali ka na?" Taas-kilay kong tanong. Kinagat niya ang labi at umiwas ng tingin sa'kin. Umirap ako at umupo sa tabi niya. Dalawa na naman kaming naiwan ngayon dito sa room kaya pwede ko naman ata siyang landiin— I mean, kausapin. "Seryoso, anong problema mo?" Kumuha ako ng donut galing sa binigay niya sa'kin saka kumagat doon at nilingon siya. Tumingin siya sa'kin pabalik. Binigay niya na ang gift niya sa'kin kanina para sa birthday ko no'ng nakaraan pero hindi ko muna 'yon binuksan at sinabing sa bahay ko nalang titingnan. Pa-bonus niya rin daw yung isang box ng donut para sa'kin, may kasama pang softdrinks. Ang taray manligaw ng lolo niyo, 'di ba. Spoiled na spoiled ako. Muli pa siyang bumuntong-hininga. "Natanong ko lang." Inirapan ko ulit siya. Halatang wala sa mood dahil ang tipid ng salita at nakabusangot ang mukha. "Ano ngang problema mo?" Tinitigan niya ako. "Hindi mo ba napapansin?" Kumunot ang noo ko. "Ang alin?" "Na may gusto sa'yo si Calvin?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ano? May gusto sa'kin si Calvin? Pero imposible. Alam ko may girlfriend siya ngayon, eh. "Parang wala naman—" "Anong wala?" Umayos siya ng upo at inis na nilingon ako. "Iba siya kung makatingin sa'yo." Umismid ako. "Paanong iba?" "Alam ko yung ga'nong tingin dahil gano'n ako lagi tumingin sa'yo." Napakurap-kurap ako sa kaniya. Alam kong hindi naman connected sa topic namin pero hindi ko maiwasang kiligin. Pero syempre magaling akong magtago ng nararamdaman ko kaya hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya. "Oh, anong gusto mong gawin ko?" "Sagutin mo na ako." Seryoso niyang sabi. Pero tinawanan ko lang siya. "Kapag sinagot ba kita, hindi na ako magugustuhan ni Calvin?" "Siguro, magugustuhan ka parin. Pero kapag sinagot mo na ako, sasabihin ko 'yon sa kaniya." Napatitig ako sa kaniya. "B-Bakit?" Lumamlam ang tingin niya sa'kin. May malalim na pinapahiwatig. "Para kusa na siyang dumistansiya sa taong pagmamay-ari ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD