CHAPTER 2
Titig
"MAE... SINO ba yung lalaking 'yon?" Tanong ko kay Mae na abalang nagsusulat ng lesson namin na nasa blackboard. As usual, nauna na naman akong matapos kaya nakikiusyoso nalang ako sa kaniya.
Nang lumingon siya sa'kin ay tinuro ko yung lalaking naka white sando at prenteng nakasandal ang katawan sa upuan habang ang dalawang paa ay nakaunat sa isa pang upuan. Ginawa niya 'ring takip sa mukha ang uniform niya, mukhang natutulog.
Nakakainggit naman. Hindi siya pinapagalitan ng teacher namin.
"Bakit? Crush mo?" Taas kilay niyang tanong sa'kin. Kumunot ang noo ko.
"A-Ano? Hindi ah!" Agad kong tanggi. Natauhan lang ako sa inakto ko nang pagningkitan niya ako ng mga mata, sinusuri ako.
Kinagat ko ang labi ko. "I-I mean, hindi ah. Nagtatanong lang, eh."
May pagdududa parin sa mga mata niya kaya tinaasan nalang niya ako ng kilay. "Pinsan namin 'yan."
"Hala?! Talaga?!" Gulat kong sabi! Pangalawang linggo na kasi ng pasukan ngayon samantalang Grade 7 palang magkaklase na kami. Tapos may mga kapatid din siyang nag-aaral sa school na 'to na kilala at kaibigan ko rin. Pero ngayon ko lang nalaman na may nadagdag na namang kamag-anak nila na mag-aaral dito.
"Oo. Alam mo, nakakahalata na ako eh. Mukhang may bago ka na namang crush." Nakangisi niyang pang-aasar sa'kin. Inirapan ko lang siya para itago ang nararamdaman ko. Natawa lang siya sa inakto ko saka pinagpatuloy ang pagsusulat niya.
Sa totoo lang, inaamin ko na sa sarili kong crush ko siya. Simula yata no'ng maamoy ko siya, nagustuhan ko na siya pati ang porma niya.
Pero never ang ugali niya.
Gusto ko siya pero ayaw ko sa ugali niya. Masyado siyang masungit at suplado. Minsan nakikita ko rin na pinagtitripan siya ng kaklase naming babae dahil ang tahimik niya daw, sinusubukan makipag-usap sa kaniya. Pero seryoso lang ang mukha niya lagi habang derestong nakatingin sa blackboard na para bang walang tao sa paligid niya. Kawawa naman ako kung maiinlove ako sa kaniya. Panigurado dedma ako lagi kaya sasarilinin ko nalang ang nararamdaman ko. Alam kong mawawala rin naman 'to.
"Anong pangalan niya?" Wala sa sarili kong tanong kay Mae. Huli na para bawiin.
Eto ako, pinipilit ang sarili kong 'wag nang alamin pa ang tungkol sa kaniya dahil baka lumalim lang ang nararamdaman ko. Pero, tingnan mo naman!
"Stephen Yuan." Sagot niya. Natunaw tuloy sa utak ko ang mga desisyon na dapat kong gawin dahil naagaw ng atensyon ko ang pangalan niya.
Stephen huh?
"Ilang taon na siya?" Tanong ko ulit. Kumunot ang noo ni Mae pero abala paring nagsusulat.
"17."
Ha?! 17?! Awit naman. Ang inassume ko kasi nasa 18 or 19 na siya. Alam kong dapat matuwa na ako sa 17 pero 'di ko alam kung bakit parang nanlumo parin ako.
Kasi naman. 13 palang ako, pero magfo-fourtheen na next month. Kung titingnan, 4 years ang gap namin!
Umay!
"Oh? Bakit ganyan ang hitsura mo?" Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Mae. Nakita ko 'ring pinasok na niya sa bag ang notebook niya, tapos nang ipacheck. Ni hindi ko man lang namalayang tapos na siya dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Wala lang." Pakiramdam ko nawalan ako bigla ng gana. Bumuntong-hininga nalang ako.
Kunot ang noong nakatingin sa'kin si Mae, halatang nagtataka pero hindi na nagtanong pa. Nang suotin niya ang bag niya ay sumunod na din ako sa kaniya palabas.
Since hindi naman gano'n kalaki ang school namin, kapag breaktime ay pwedeng lumabas o tumambay sa ibang room. At tulad ng dati, doon parin kami sa paborito naming tambayan, sa kabilang room.
Actually, room talaga ng Grade 9 ang bakanteng 'yon pero dahil nga kokonti lang kaming highschool students, sama-sama na kami sa iisang room, iisa 'ring subject at teacher. Pero madalas makasama namin ang Grade 10 students. Minsan naman, simula Grade 7 to 10, sama-sama na.
Sa Grade 7 ay may tatlong student, isang lalaki at dalawang babae, kapatid ko ang isa, yung lalaki. Sa Grade 8 naman, lima ang estudyante. Kaming Grade 9, siyam at sa Grade 10 naman, tatlong lalaki lang.
Sa teachers naman, iisa lang ang adviser ng Grade 9 and 10 habang ang Grade 7 at 8 ay may sari-sariling advisers. Actually may adviser naman talaga kaming Grade 9, kaso wala pang ilang linggo umalis na siya dito kaya naiwan kami sa adviser ng Grade 10.
Well, hindi na kataka-taka 'yon. Madalas talaga magsi alisan ang mga teachers dito dahil nga sa hindi daw sila sinasahuran nang maayos, minsan kulang pa ang binibigay. Bukod kasi sa hindi rin nakakapagbayad agad, marami 'ring estudyante ang naka-graduate na dito pero hindi pa fully paid ang tuition.
Sakit din naman kasi sa ulo. Masyadong mahal ang bayarin.
Kaya ang ending, mas marami na ang vacant namin kesa sa oras ng subject para mag-aral. Hindi rin naman pwedeng ipasa sa ibang teacher ang subjects namin dahil may tinuturuan din sila kaya no choice, kung anong subject ang tinuturo sa ibang Grade, 'yon nalang din ang aaralin namin.
"Dito ka pa ba mag-aaral next school year?" Tanong ni Mae. Nakaupo na kami ngayon sa magkabilang bintana habang kumakain ng binili niyang fishball at kikiam galing sa canteen.
"Ewan ko lang. Pero sana hindi na dito," Sagot ko. Napatango naman siya, sumasang-ayon sa'kin. Kahit siya ayaw na din dito mag-aral dahil bukod sa wala na kaming halos natututunan dahil sa paulit-ulit na pag-alis ng mga teachers, mahal pa ang mga kailangan bayaran.
Mahaba pa naman ang breaktime namin kaya wala kaming ginawa kundi magchikahan. Minsan nakikisama din sa'min yung ibang students. Hindi kami gano'n ka close lahat pero kilala na namin ang isa't isa since yung iba ay nakilala na namin no'ng bago pa lang kami. May iilan naman na simula Kinder hanggang highschool, dito pa rin nag-aaral dahil narin siguro sa sobrang lapit lang sa mga bahay namin.
Ilang sandali pa ay pinatawag na kaming lahat. English na ang next naming subject, last subject until 12 noon and then lunch time na. Agad naman kaming pumunta sa room ng Grade 10.
Umupo ako sa paborito kong pwesto, kaharap na kaharap mismo ng desk ng teacher naming si Ma'am Luz, adviser ng Grade 10. Nakaupo ako sa mababang mesa at ginawa ko 'ring desk ang desk ni Ma'am Luz. Close naman kami kaya okay lang sa kaniya. Ilang taon narin kaming magkakilala dahil sa lahat ng teacher dito sa school, siya ang pinakamatagal. Noong sikat pa daw ang school na 'to noon, nagtatrabaho na si Ma'am Luz dito kaya siguro matiyaga din siya magtrabaho kahit pa hindi na gano'n kalaki ang sahod.
Nagsimula nang mag lecture si Ma'am Luz sa harap. Medyo nakakaantok pero pinilit ko pa 'ring makinig, kesa naman sa iba na kung hindi nagcecellphone, nakikipagtawanan sa katabi. Napailing nalang ako.
Umayos ako ng upo at luminga sa paligid. Pero sa kabila nang pag linga ko, may pamilyar na dalawang mata na naman akong napansin.
Napako ang paningin ko sa lalaking nakatutok ang mata sa'kin. Nang mapansin niya akong tumingin ay agad din siyang nag-iwas.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung ano ba talagang nangyayari sa lalaking 'yon. Pansin ko na lagi siya, lalo na 'pag gising siya at nahuhuli kong nakatingin sa'kin. Alam ko namang wala akong dumi sa mukha kaya malamang nasa kaniya ang problema.
Umiwas nalang din ako ng tingin at tumutok sa harapan. Sandali ko siyang nakalimutan hanggang sa matapos ang lesson namin pati ang short quiz.
Akmang ipapasa ko na kay Ma'am ang papel ko nang bigla ay hinila ni Rafael ang laylayan ng uniform ko. Isa siya sa lalaking kaklase ko na palagi 'ring kasama ni Calvin.
"Ano?" Takang tanong ko. Pasimple pa siyang tumingin kay Ma'am Luz na parang may balak siyang masama. Tumaas ang kilay ko.
Walang imik niya akong pinapalapit, mukhang seryoso. Kinabahan ako ng konti sa isiping baka saktan niya ako pero alam kong hindi naman siya gano'n at isa pa, may mga tao dito sa loob ng room. Kaya lumapit nalang ako sa kaniya. Mukhang may importante siyang sasabihin.
Giniya pa niya akong yumuko nang makatayo ako sa harapan niya. Yumuko ako saka siya bumulong sa tainga ko.
"Pakopya."
Badtrip ko siyang binatukan! Natawa naman si Calvin na hindi ko namalayang nandito rin pala. Narinig niya rin siguro yung binulong ni Rafael.
Ayos rin 'tong kumag na 'to. Pumapasok lang kung anong araw at oras gusto. Mga kampon nang katamaran.
"Dali na," Pamimilit pa ni Rafael. Natatawa din siya, halatang pinagtitripan nila ako. Umirap lang ako saka inis siyang tinalikuran.
Akala ko naman kung ano na, yun pala kokopya lang!
Nanlumo si Rafael nang makita na pinasa ko na ang papel ko. Ako naman ang nagpigil matawa.
Kala mo ah!
Porke pinakopya ko sila no'ng nakaraan, pwede pa ulit umulit? Aba hindi na 'yon tama. Buti sana kung sinasahuran nila ako.
Bumalik ako sa puwesto ko. Si Mae hindi pa tapos kaya 'di ko muna inistorbo. Aantayin ko nalang siya matapos.
Nakatingin ako sa multiplication table na nakapaskil sa kaharap kong pader. Susubukin ko ulit sanang kabisaduhin ang 6 to 8× 1-10 nang maharangan 'yon ng isang bulto ng lalaki.
Sisinghal sana ako pero natigil na naman ako nang maamoy ang mabangong 'yon. Umangat ang tingin ko at nakita ko si Stephen na pinapacheck ang notebook niya!
Halaaa!
Hindi makalma ang puso ko! Ang lakas ng t***k no'n habang nilalanghap ang amoy niya na kulang nalang isiksik ko siya sa ilong ko. Mas lalong hindi matigil ang mata kong titig na titig sa kaniya!
"Te, baka matunaw." Boses ni Mae ang pumukaw sa'kin. Nakangisi siya dahilan para mamula ang pisnge ko! Lalo na nang makita ko si Stephen na nagpigil ding ngumiti!
Haaaaaaaaaaaaaaaa!