KUMUHA ako ng maaaring gamitin upang sirain ang tubig na harang. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ito matibag. Ang mga halimaw naman sa loob ay walang ginawa kundi ang tapunan ako nh tingin at bumalik sa paglangoy. Sinubukan ko ring maglaho ngunit may kung ano sa isla na ito na nagpapawala ng kakayahang gumamit ng kapangyarihan. Pawis na naupo ako sa damuhan at naiinis na pinulot ang bato saka binato sa tubig ngunit tumagos lang iyon patungo sa dagat. “Kailangan kong makabalik sa Atiera,” bulong ko sa’king sarili. Muli akong pumulot ng bato at akmang itatapon sa harang nang may lumitaw na pigura sa harapan ko. Ang pigura ay naging isang babae ngunit ang mukha ay natatakpan ng pulang maskara. Nakasuot siya ng pulang bestida at ang itim niyang buhok ay nakalugay. “Naiinip ka na rito

