NAPANSIN kong umiiwas si Deianira kay Zemone. Sa tuwing lalapit ang lalaki ay lalayo siya, kapag wala naman si Zemone ay halos maputol ang leeg niya sa kakahanap sa binata. Si Garreth at Myer naman ay parang naglalaro ng habulan, kung saan si Garreth ay nandoon din si Myer. Hindi siya umaalis sa tabi ng binata kaya hindi ko magawang lapitan si Garreth upang kausapin. “Ahm… I need to go,” nagmamadaling bulong ni Deianira at basta na lang tumakbo. Napalingon ako sa direksyon na tiningnan niya saka ko nakita ang papalapit na si Zemone kasama si Garreth. Kaya pala agad siyang tumakas dahil ayaw niyang magtagpo sila ni Zemone. Mukhang napansin ni Zemone na nakatitig ako sa kanila kaya siya kumaway, akmang kakaway ako pabalik ngunit dumating si Myer at basta na lang hinila si Garreth patungo s

