NASA opisina kami ni Ginoong Peridon at kasalukuyan siyang hinihintay. Katabi ko si Deianira na kanina pa humihikab at niyayakap ang sarili. Sa aming likuran ay nakaupo si Zemone ay tahimik na pinagmamasdan si Deianira, samantalang si Garreth ay prenteng nakaupo at nagbabasa ng aklat. Si Myer ay hindi pa nakakarating ngunit ang hinala ko’y wala itong balak na dumalo sa pagpupulong na gaganapin. Pang ilang ulit ko nang nilibot ang akinv paningin sa paligid sapagkat hindi ako mapakali. Pakiramdam ko’y may nagmamasid sa bawat galaw ko ngunit marahil ay guni-guni ko lang. “Matagal pa ba sila? Inaantok na ako,” bulong ni Deianira sa’kin natmuling humikab. Nagkibit balikat ako bago tapikin ang aking braso upang ipahiwatig sa kanya na maaari siyang mahiga roon nang sa gayon ay pansamantalang ma

