NAPATINGIN ako kay Bellona nang umalis siya sa aking tabi at tumakbo palabas sa palasyo. Hindi naman iyon napansin ng mga panauhin sapagkat naghihintay pa rin sila sa paglabas ni Garreth, ngunit hindi nila batid na walang Garreth na sisipot sa kasalan na ito. Nagkatinginan kami ni Zemone at humabol kay Bellona. Nilingon ko pa si Myer bago kami tuluyang makaalis, nakita kong naguguluhan siya at may hinala na sa nangyayari dahil isang peke na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi. Nanginginig na rin ang kamay niyang may hawak na bulaklak. "Dalian mo," sabi ni Zemone. Hinawakan niya ang aking palad at hinila ngunit napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko'y kinapos ako ng hininga. Binaling niya ang tingin sa'kin at nang makita ang lagay ko'y agad niya akong binitawan. "Hurry, Deia

