MULA sa madilim at masukal na kagubatan, lumabas ang isang nilalang na nakasuot ng pulang balabal. Buhat ang duguan at walang buhay na si Bellona. Siya ngayon ay naglalakbay patungo sa tabing-dagat, kung saan naroon ang bangka na kanyang pag-aari pati na rin ang dalawa niyang utusan at dalawang kawal, na siyang aalalay at magbabantay sa kanya pabalik sa isang kaharian. Kaharian na walang kahit na sino ang nakakaalam kung saan. Maingat siyang sumampa sa bangka at hiniga ang dalaga sa sahig ng bangka. Inalis niya ang nakatabing na buhok nito sa kanyang mukha at pinunasan ang dugong natuyo sa kanyang leeg pati na rin sa kanyang katawan. “Dalhin niyo ako sa isla na naroon sa gitna ng karagatan,” utos niya sa kanyang kawal na siyang sumasagwan sa bangka. Tinuloy niya ang pagpunas sa katawa

