"ANONG ginagawa mo rito?" tanong ko sa aking kaharap. Gulat na nabaling ang tingin sa akin ni Garreth, tiyak na hindi niya inaasahan ang aking biglaang pagsulpot mula sa kung saan. "Zemone, tulungan mo ako!" pasigaw niyang utos. Pinagmasdan ko ang mukha niya at pinag aralan kung siya nga talaga ang aking kaibigan. Dahil kung siya nga, ibig sabihin ay isang impostor ang kasama ni Myer at nasa panganib ang kanyang buhay. "Paano ako nakatitiyak na ikaw si Garreth?" "You told me that you like Bellona the first day you saw her," balewala niyang sagot. Nakampante naman ako dahil siya lang ang tanging nakaalam na may pagtingin ako kay Bellona, ngunit sinabi ko lang iyon upang makita kung ano ang magiging reaksyon niya. Kinuha ko ang aking punyal saka pinutol ang tali lng nakagapos sa kanya

