“ARE you crazy!?” gulat at pasigaw niyang tanong sa akin dahilan upang magtinginan ang ilang mag-aaral pati na rin si Pinunong Keira. “Why would I kill you!?” Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Pansin ko rin ang nakakuyom niyang kamao, kulang na lang ay sugurin niya ako at ibato sa labas ng bintana. Ang ilang narito sa silid ay nagtungo sa kanyang tabi upang pakalmahin siya. Nagsimula siyang umiyak kay Pinunong Keira at nagpapaawa. Agad naman akong nilapitan ni Deianira, hinawakan niya ang aking kamay at marahang pinisil na parang sinasabi na nariyan lang siya. “Maaari ko ba malaman kung bakit ka umiiyak, kamahalan?” masuyong tanong ni Pinunong Keira. Tinuro ako ni Myer at nilakasan ang pagngawa, “she’s saying that I am trying to kill her. She’s crazy! I don’t want her i

