“How did you find my shop?” kaswal na tanong ni Lorelle. “Do you happen to know any of my regular buyer?”
Nagkibit lang ng balikat si Zach. “I was looking for a special ring. Hanggang sa nakarating na ako dito.”
“Are you willing to pay that much for a single ring?” arok niya.
Tumikwas ang isang sulok ng bibig nito. “You’ll give me the certificate of authenticity, hindi ba? Saka OR, of course.”
“Yes.”
“Okay, Lorelle, let me have this ring for five hundred fifty. I’ll arrange the bank transfer now.”
Hindi siya kumibo at sa halip ay kumuha ng calculator kahit na nga ba alam naman niyang hindi siya lugi sa presyong iyon. She pressed the keys, only to delay some time. “Sabi ko nga kanina, sagad na yung twenty-five thousan discount,” matabang na sabi niya.
“Five hundred sixty thousand plus an exclusive dinner in my yacht, Lorelle,” suwabeng sabi nito.
Biglang napaangat ang tingin niya dito. Hindi niya alam kung shock o pagtataka ang rumehistro sa mukha niya sapagkat hindi rin niya alam kung anong klaseng pagkagulat ang naramdaman niya nang marinig iyon.
She collected herself bago nagbuka ng mga labi. “Five hundred seventy-five thousand and no dinner or whatever,” sagot niya.
He looked at her. At gustong malukot ng mukha niya sa paraan ng pagtingin nito. She didn’t like the way his eyes was traveling all over her face. Alam niya sapagkat hindi rin naman bumibitiw ang tingin niya dito.
He was looking at her eyes and then at her nose. Pero mas nagtatagal ang tinging iyon sa kanyang mga labi. Mga labi na nagsisimula nang kumibot dahil natetensyon siya. Tensyon na hindi rin niya maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman. Sanay naman siya sa mga buyers na tumatawad. Hindi rin barat na maituturing ang kaharap niya. Maliit nga lang nag tawad nito kung tutuusin. Mas grabe pang tumawad ang iba na halos ikapikon niya.
And then he looked at her eyes again. Tila may pinipigil na tawa ang mga mata nito. Pero ang paraan ng titig nito ay tila mayroon ding kung anong inaarok sa kaluluwa niya. But his face gave no expression. At pagkuwa ay ibinaba nito sa mesa niya ang cajeta. Itinulak nito iyon nang bahagya palapit sa kanya.
Doon biglang bumaba ang tingin niya. Mas pinairal niya ang pagiging negosyante kaysa sensitibidad na nasasaling nito sa kanya.
Ano ang ibig sabihin niyon? Wala na itong interes sa singsing? Damn! Masasayang ang pagpupuyat niya! At matutulog din ang naging puhunan niya sa singsing na iyon. Hindi siya gumagawa nang ganoon kamahal na alahas maliban na lang kung order sa kanya.
She groaned inwardly.
“Six hundred thousand flat,” narinig niyang wika ni Zach. “And you will allow me to treat you to a dinner.”
“What?” she said in almost a whisper tone.
“You heard me, hindi na ako hihingi ng discount. Basta pagbigyan mo ako sa alok kong dinner.”
“Mister—”
“It’s Zach.”
“I don’t understand this. E-engagement ring ang binibili ninyo sa akin. Pagkatapos ay inaalok ninyo ako ng dinner? There must be something wrong somewhere.”
He smiled casually at hindi niya alam kung maiinis pa. Masyado nang confident ang lalaking kaharap niya. So what kung kaya nitong magpalabas ng ganoon kalaking pera para sa isang piraso ng alahas? Hindi naman ito ang kauna-unahang mayamang tao na nakaharap niya. Hah! Kahit siya, mayaman din, palihim na ismid niya.
“Lorelle,” sambit nito sa pangalan niya na para bang iyon ang isa sa pinakamagandang bagay sa mundo. “I know I was rude on you the first time I saw you.” He smiled at her again, this time he looked sincere. “Alam natin pareho na ako ang sakay ng kotseng muntik nang makasagasa sa iyo kahapon. I want to apologize on that. A very special dinner is my idea of asking for an apology.”
“Puwede naman kahit simpleng sorry lang.”
“I want to treat you to dinner.”
“Paano kung hindi ako pumayag, hindi mo na rin bibilhin ang singsing?”
“Bibilhin. Lorelle, darling, paunlakan mo na ang alok ko. Sabihin na nating iyon ang discount ko sa pagbili ko ng singsing na iyan.”
Tumaas ang kilay niya. Hindi niya maisip kung dapat bang tumawa na lang siya nang malakas. “I don’t get it,” aniya pagkuwa. “Hindi ba dapat, ako ang mag-treat sa iyo ng dinner? Ako ang nagkaroon ng sales.”
“Is that the way your business goes? You treat your client?”
“Yes,” prangka namang sabi niya. “I have lots of female clients at natural lang na patuloy ko silang ligawan para lumawak ang aking connection. You know, ang isang satisfied buyer, makapag-refer lang ng isa o dalawang kliyente ay sapat na para lalong lumakas ang aking negosyo.”
“Are you telling me ako ang kauna-unahan mong male client?” may himig ng panunudyo sa tinig nito.
“No. Most of my clients are couples.”
“Pero ako ang kauna-unahang single?”
“Hindi rin naman. And I don’t usually treat my male clients.”
“Anyway, let’s have dinner. And this time, let me treat you for a change.” And his gaze locked on her again.
LORELLE was more than hundred thousand pesos richer right now. More than, dahil hindi naman umabot sa eksaktong kalahating milyon ang puhunan niya sa partukular na alahas na iyon. At siyempre pa, sino ba ang makikinabang sa labor cost nun kung hindi siya din dahil siya ang nagpakapagod na gawin iyon. Not just the effort, but the talent, more accurately. At naniniwala siyang deserve siya sa mahal na talent fee. She grinned to herself.
Matapos ang bank transfer na bayad ni Zach sa naturang singsing ay binayaran na rin niya kay Rodel ang mga batong kinuha niya sa pinsan. Yes, her business was great. And she also felt great.
Nasa harap na naman siya ng salamin. This time she was wearing a silk evening gown. Haltered-neck at halos kalahati ng kanyang likod ang nakalitaw. Kulay pula iyon na nagpapatingkad pa sa kanyang kaputian. Her makeup was rouge na nagbigay ng sopistikasyon sa kanyang anyo.
Hanggang ngayon, nag-iisip pa siya kung paanong napapayag siya ni Zach del Rosario sa dinner invitation nito. But it seemed it had a natural progression on it. Nang pumasok sa account niya ang saradong anim na raang libong piso at inulit na naman sa kanya ni Zach ang tungkol sa imbitasyon ay hindi na siya nakatanggi pa.
She wore her South Sea pearl earrings. There was a matching ring pero hindi niya gustong isuot. Mas gusto niyang isuot ang singsing na katulad ng binili ni Zach subalit hindi naman niya makumbinse ang sarili na bagay iyon sa suot niyang perlas. And besides, kung makikita ni Zach na may kaparehong itsura ang singsing na binili nito baka panghinayangan nito ang malaking halaga na ibinayad nito sa alahas niya. Dahil hindi na unique kung tutuusin.
At last, she decided her fingers to remain bare.
Sinulyapan niya ang oras. Halos isang oras pa bago ang usapan nila ni Zach na pagsundo nito sa kanya. At nakahanda na siya. She hated thinking na excited siya sa dinner date na iyon. Pero iyon naman ang mismong nararamdaman niya.
Oh, God! Ikakasal na siya sa iba kaya nga bumili sa iyo ng engagement ring! kastigo niya sa sarili.
“This is a friendly date. Just a friendly date. Ay hindi naman kami friends. This is just a business date.” malakas niyang sabi sa sarili na para bang makukumbinse nga niya ang sarili sa ginawang iyon.
“Lorelle, hija?” katok sa kanya ng ina.
“Pasok, ‘Ma.” She checked her purse kahit na nga ba kanina pa niya naihanda ang laman niyon.
“Ang ganda-ganda talaga ng anak ko,” wika nito. “Sino kaya ang mapalad na lalaking makaka-date mo?”
Lumabi siya. “It’s not a date, Ma. We just agreed to eat on the same table.”
Tumawa nang malamyos si Martina Alvaro. “Hija, narinig ko na ang linyang iyan sa isang Hollywood movie. And it’s a romantic movie, if I’m not mistaken. Oh, yeah, si Barbra Streisand ang bida. Aminin mo na kasi, may date ka. Bakit ka magbibihis ng ganyan kung hindi iyan date? Gayak na gayak ka.”
“Okay, date na kung date. But this isn’t a romantic date,” aniyang maski sarili ay hindi makukumbinse na wala siyang panghihinayang.
“Hija, kapag nakita ka ng lalaking iyon sa ayos mong iyan, what he would only feel and think is romance.”
“He’s getting married,” pakli niya. “Di ba, naikuwento ko na sa inyo, engagement ring ang binili niya sa akin. And it was worth more than half a million. Seryoso siya sa babaeng iyon. Hindi mag-aaksaya ng ganoon kalaking pera ang isang lalaki kung hindi siya seryoso.”
“Bakit mukhang masama ang loob mo?” tudyo sa kanya ng ina.
“Ma!” pikon na wika niya.
Tumawa lang ang babae. “Aminin mo na, Lorelle, attracted ka sa lalaking iyon. You won’t agree for this date kung hindi ka attracted sa kanya.”
Her mouth twisted. Bakit ba kahit kailan na lang ay mas alam basahin ng kanyang ina ang tunay na nasa loob niya. Mas madalas, mas naiintindihan pa ng mama niya ang damdamin niya bago pa niya iyon ganap na matukoy sa sarili.
“He’s getting married,” wika niya ulit. “Pumayag akong makipag-dinner kasi iyon ang gusto niyang manner of apologizing. Nasabi ko na rin naman sa inyo, di ba? Muntik na niya akong mabundol kahapon.”
“Tsk! Lousy reason.” At bago pa siya makaimik ay hinaplos na ng ina ang kanyang mukha. “Have a good time, hija. Gusto ko man sanang hintayin para makilala ang lalaking iyan ay malakas na ang hatak ng antok ko. I’ll retire early tonight. Napagod ako sa gardening.”
“Sige, Ma. Rest well. See you in the morning.”