GABI na at inaayos ni Bernard ang tutulugan nilang dalawa ni Gretel sa kubo. Mabigat ang dibdib habang napapatigil sa kawalan dahil sa paghihiwalay nila ni Gretel bukas. Pumasok si Gretel na ang suot niya ay kulay puting tela lamang. Iyon kasi ang ibinigay sa kanya. Kinakabahan si Gretel. Napatitig si Bernard sa kanya. Mag-asawa sila habang andito sa tribo. Nilapitan ni Bernard si Gretel at dinala sa kanilang higaan. Hinalikan ni Bernard si Gretel sa noo. Sa ilong at dumapo ang labi niya sa labi ni Gretel. Banayad ang halik ni Bernard sa labi ni Gretel. Inihiga ni Bernard si Gretel. Tinitigan ang mukha nito. "Handa ka na ba, mahal ko?" tanong ni Bernard kay Gretel. Unang gabi ng kanilang pulut-gata. Marahang tumango si Gretel ."Oo, love. Handang-handa na ako," tugon ni Gretel. Tanging

