Chapter 6

1313 Words
***Luth POV*** "LUTHIE, parang ang aga mo naman yatang umuwi," untag sa akin Jino nang madaanan ko sya kasama ang mga tropa nyang sunog atay boys. Mukhang wala syang pasok ngayon at day off nya. "Nag resign na ako sa trabaho," matabang na sabi ko. Kumumot ang noo ni Jino. "Bakit naman? Bago ka lang don, a." Bumuntong hininga ako. "Mamaya ko na lang iku-kwento sayo. Uwi mo na ako at umiinit ang ulo ko sa inis." "Kiss lang ang katapat nyang inis mo, Luthie. Gusto mo i-kiss kita," nakangising panunukso sa akin ni Japoy. Nagsipulan naman ang iba nilang tropa at nakisali din sa panunukso. Tinaas ko naman ang naka-kuyom na kamao at ngumisi. "Oo ba, pero dito ka hahalik. G?" Napakamot sa ulo si Japoy at sya naman ang tinukso ng tropa. Ganitong mainit ang ulo ko papatol talaga ako sa kupal. "Tsk! Dyan na nga kayo. Ang aasim nyo," saad ko at nilayasan na sila. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko si tatay na nasa harapan ng makina at tutok sa pagtahi ng basahang bilog kaya hindi nya ako napansin. Hindi ko naman mapigilang maawa sa ama. Kahit pilay na ang isa nyang paa ay hindi pa rin sya huminto sa pananahi. Ang katwiran nya ay kaya pa nya. May dalawang kamay pa sya at isang paa na kayang tumapak sa pedal. Pangarap ko nga na bilhan sya ng bagong makina na de-pindot na lang at hindi na kailangan tapakan ang pedal para mas mapagaan ang pananahi nya. May ipon naman ako pero hindi sasapat yon at mas may importante pa kaming pinagkakagastusan gaya ng maintenance nya. Nang matapos tahiin ni tatay ang bilog na basahan ay hinila na nya ito at ginupit ang mga sinulid. Nilagay nya yun sa karton na box. Nang mapalingon sya sa gawi ko ay nagulat pa sya nang makita ako. "Anak, nandyan ka na pala," bulalas nya sa gulat. Lumapit naman ako sa kanya at nagmano. "Bakit ang aga mong umuwi yata ngayon? Nananghalian ka na ba?" magkasunod na tanong ni tatay. "Hindi pa po ako nanananghalian, tay. Kakain po muna ako at may sasabihin po ako sa inyo," sabi ko at binaba ang bag sa kahoy naming sofa. "O sige, kumain ka muna at kwentuhan mo ako." Dumiretso ako sa kusina na karugtong lang ng maliit naming sala. Naghugas muna ako ng kamay saka kumuha ako ng plato at kutsara. Nilapitan ko ang kaldero at nagsandok ng kanin. Lalo akong nagutom nang makitang paksiw na bangus na may ampalaya at talong ang ulam. Mukhang namalengke si tatay kanina. Naglagay na ako sa plato ng isang hiwang bangus na may taba ang tiyan at dinagdagan ko pa yon ng ampalaya at talong. Pumuwesto ako sa mesa at umupo sa plastic na upuan sabay taas pa ng isang paa. Hindi ko na ginamit ang kutsara at nagkamay na lang. "Wala na po akong trabaho, tay. Umalis na po ako sa factory." Kumunot ang noo nya. "Aba'y bakit?" Nilunok ko muna ang pagkain. "E paano po, tay, kulang na naman ang sahod ko. Sa tatlong buwan ko pa lang na nagta-trabaho doon tatlong beses nagkulang ang sahod ko." "Dapat nagreklamo ka, anak." "'Yon na nga po ang ginawa ko, tay. Sa una at pangalawang beses na nagkulang ang sahod ko lumapit ako sa accounting, ang sabi lang nila sa akin noon ay ipapasok na lang daw sa susunod na payroll. Pero wala namang pumapasok. Tapos ganon ulit ngayon. Nang magreklamo ako kanina ay sila pa ang galit at nagbanta na ire-report ako sa hr, papa-memo-han daw ako na parang ako pa ang mali." "Aba'y hindi nga tama 'yon. Abusado naman pala sila at pwede silang i-reklamo sa DOLE nyan. "Yon nga po ang sabi ko sa kanila, tay. Akala nila masisindak nila ako. Saka gawain po pala nila yon na binabawasan ang sahod ng mga empleyadong baguhan sa factory. Kaya umalis na lang po ako, tay. Hindi ko po kayang magtagal doon. Sorry po kung wala na naman akong trabaho. Hahanap na lang po ako ng iba yong matino po ang mga namalalakad kahit maliit lang ang sahod. Marami naman pong mapapasukan dyan, kahit serbidora lang sa karinderya papatusin ko po." "Huwag kang humingi ng sorry, anak. Mainam nga na umalis ka sa factory na yon. Saka huwag mo rin masyadong i-pressure ang sarili mo sa paghahanap agad ng trabaho. Magpahinga ka muna. Okay naman ang kitaan sa basahan ngayon. Nakakaraos naman tayong dalawa." "E.. syempre po, tay. Iba pa rin po na may inaasahan tayong income. Lalo na po nag ma-maintenance kayo. Next week may laboratory at check up pa po kayo." "Kuh, huwag mo munang isipin yon. Saka may naitabi na ako para sa laboratory at check up ko. Intindihin mo rin ang sarili mo anak huwag puro ako." "Tay, kayo lang po ang meron ako. Kaya kayo po ang priority ko," sabi ko at dinampot ang basong may tubig ay tinungga. Iika ikang lumapit sa akin sa mesa si tatay at umupo sa isang upuan. Tumingin sya sa akin at malungkot na ngumiti. "Pasensya na, anak. Kung napag-aral lang kita ng kolehiyo at nakapag-tapos ka siguradong nag-ta-trabaho ka ngayon sa magandang kumpanya o kaya sa bangko. Nasa de-aircon kang opisina at nakaharap sa computer. 'Yon ang pangarap ko sayo simula noong maliit ka pa. Kaya lang naging mapagbiro ang kapalaran." Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay ni tatay sabay pisil. "Tay, huwag nyo pong isipin yon. Malay nyo, mag-iba ulit ang kapalaran nating dalawa. Malay nyo makapag asawa ako ng matandang mayaman na malapit ng mategi-boom. E di paldo tayo. Makakapag aral ulit ako at makakapag-trabaho ng maganda," nakangising sabi ko. "Kuh, puro ka talaga biro." "Hindi po ako nagbibiro, tay. Mag aasawa po talaga ako ng mayaman. Aahon tayo sa hirap." Napailing iling na lang si tatay. Sanay na sya na marinig sa akin iyon. Bokal ako sa pagsabi sa kanya noon pa na mag aasawa ako ng mayaman para umahon kami sa hirap. Kaya nga hindi ako tumatanggap ng ligaw. E paano ba naman ang mga nanliligaw sa akin ay kapwa ko mahirap at nakatira lang din sa skwater. Nagiging maingat at praktikal lang ako. Ayokong habang buhay ay lugmok kami ni tatay sa kahirapan. Gusto ko syang bigyan ng magandang buhay. Kung hindi ako yayaman sa pagta-trabaho ay baka ang pagaasawa ng mayaman ang pag asa ko. Maayos naman ang pamumuhay namin ni tatay. Nakakaraos kami araw araw. Sapat ang income namin sa trabaho ko at sa pagtitinda ng basahan. Sapat as in sakto lang. Pambayad ng kuryente, tubig, pagkain araw araw at maintenance nya. Mabuti nga at wala kaming binabayarang upa sa bahay. Yon nga lang ay mas malaki ang gastos sa mga gamot nya. May maintenance sya sa highblood nya at sa puso. Kaya pursigido ako magtrabaho at kumita ng pera para tustusan ang gamutan nya dahil ayokong mawala sya sa akin. Ang pilay nyang kaliwang paa ay nakuha naman nya nang maaksidente sya seven years ago. Nahagip sya ng rumaragasang jeep na nawalan ng preno. Nagkaroon ng fracture ang buto sa binti nya. Naipagamot naman sya ng driver pero hindi na nabakalan ang buto nyang nalinsad dahil tumakas na rin ito at nagtago. Hanggang sa nagkalaman na ang buto nyang nalinsad at hindi na napaopera. Isang taon lang ang lumipas ay inatake naman sya sa puso at doon nagsimula ang pag ma-maintenance nya. Naging dahilan yon kaya hindi na ako nakapag aral ng college at senior high lang ang natapos. Hindi na ako kayang paaralin ni tatay. Meron namang nag aalok ng scholar mula sa mga politiko pero pinili kong hindi na rin mag aral at magtrabaho na lang para matulungan si tatay sa gastos namin sa araw araw. Kaya mag aasawa talaga ako ng mayaman kung hindi ako yayaman sa pagta-trabaho. At kapag naging mayaman ako ay ipapa-opera ko ang binti ni tatay. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD