Chapter 5

1507 Words
***Luth POV*** present.. PAULIT ulit kong binibilang ang sweldo ko at cino-compute ito. Kulang talaga. Kulang ng six hours na ot ko. Pumikit ako ng mariin at pabulong na nagmura. Pakiramdam ko ay umaakyat sa ulo ko ang dugo ko. Pangatlong beses na ito na kulang ang sahod ko sa loob ng tatlong buwan. Kung ang dalawang nauna ay pinalampas ko, pwes, ngayon ay hindi na. Abusado na sila. "Bakit, Luth? May problema ba?" tanong ni Ate Mel na isa sa kasamahan ko dito sa factory. "Oo, kulang na naman ang sahod ko, ate. Kulang ng six hours. Pangatlong beses na nilang ginagawa sa akin 'to, a," inis na sabi ko. "Hayaan mo na. Baguhan ka pa lang kasi. Kapag umabot ka na ng six months hindi na magkukulang yan." Napaawang ang labi ko. "Ano? Seryoso ka, Ate Mel?" "Oo, ganyan din ako dati, e. Noong bago pa lang ako rito ilang beses ding nag-kulang ang sahod ko. Hindi lang ako pati na yong ibang kasabayan ko. Pero nang maka-six months na kami lagi ng kumpleto." "Hindi kayo nag reklamo?" "Nag reklamo naman kami. Pero wala rin namang nangyari, e." Napalatak ako at namewang. "Kaya pala namimihasa yang taga accounting, e. Pangatlong beses na nilang ginawa sa akin ito at hindi ko na mapapalampas 'to." Naiinis na binalik ko ang pera sa sobre at naglakad patungo sa accounting department. "Teka Luth, saan ka pupunta?" tanong ni Ate Mel at pinigilan ako sa braso. "Sa accounting. Magrereklamo." Piniksi ko ang braso at nagpatuloy na sa pagmamartsa patungo sa accounting department. Nakasalubong ko pa ang ilang kasamahan at tinatanong ako pero hindi ko sila sinasagot. Pagdating sa window ng accounting department ay kumatok ako sa salamin. Lumapit naman ang isang babaeng staff na medyo chubby at on fleek pa ang kilay na nakataas, mahahaba din ang kanyang false lashes at ngumunguya pa sya ng bubblegum. "Yes? Anong kailangan mo?" tanong nya sabay palobo pa ng bubblegum at pinaputok 'yon. Nilapag ko sa butas ng table ang maliit na sobre na may laman ng dalawang linggong sahod ko. Sa labas nito ay naka-attach ang payslip. "Nagkamali po yata kayo ng kalkula sa sahod ko, ma'am. Kulang po ng six hours na ot ko," mahinahon at magalang na sabi ko sabay pilit na ngumiti. Umarko ang dalawang kilay nya. "Ganon ba. Akin na, titingnan ko." Kinuha ng accounting staff ang sobre. Nakita ko pa sa loob na napatingin sa akin ang ibang staff sa loob at nagtanong sa babae. Naghintay naman ako sa window. Makalipas lang ang limang minuto ay bumalik na ang staff at binalik sa akin ang sobre. "Sakto naman, a! Baka nagkamali ka lang ng kwenta." Napataas ang kilay ko. "Ma'am, hindi po ako nagkakamali. Kulang po ng six hours na ot ang sahod ko," giit ko. Tumaas na ang kilay nya at nagpipindot sa computer na nasa gilid ng window. "Kelan ka ba nag-ot? Ilang araw?" "5 days po, noong monday po at tuesday last week. Tig-3 hours po yun. Tapos this week po wednesday, thursday at friday, tig-3 hours din po. Bale 15 hours po dapat pero 9 hours lang po ang pumasok," paliwanag ko. Tumango tango sya. "Sige, ganito na lang. Sa next payroll na lang natin ipapasok ang 6 hours na kulang. Na-release na kasi yan." Nagpanting ang tenga ko at parang may pumitik na ugat sa sentido ko. "Next payroll na naman po? Ganyan din po ang sinabi nyo noong una at pangalawang beses na nagkulang ang sahod ko. Ang sabi nyo ay ipapasok na lang sa next payroll ang kulang pero wala namang nadadagdag. Tapos ngayong pangatlong beses ay ganyan ulit ang sasabihin nyo sa akin." Natigilan ang babaeng staff at naging mataray ang bukas ng mukha. Ang kanyang kilay na on fleek ay halos umabot na sa hairline ang pagkakataas. "Teka nga, kung magsalita ka ay parang kinukuhanan namin ang sahod mo, a!" mataas ang boses na turan ng babae. Napatingin na rin sa amin ang mga kasamahan nya sa loob pati na rin ang mga kapwa ko empleyado na nakapila rin sa window. "Wala po akong sinasabing ganyan, ma'am. Kayo po ang may sabi nyan. Ang sa akin lang naman ay magpasahod kayo ng tama dahil nagpapa-ot po kayo." Lumapit din ang isang pang staff ng accounting na binabae. Kilala itong mataray at kinatatakutan ng ibang empleyado. Namaywang sya at tinaasan ako ng kilay. "Hoy! Ang lakas ng loob mong magtalak dito sa accounting e kabango bango mo pa lang!" pagtataray nya sa akin sa mataas na boses. Nagbulungan ang mga kasamahan kong nasa likuran ko. Pakiramdam ko naman ay nanlaki ang ulo ko at parang pumupula na ang paningin ko sa inis. Ayoko pa naman sa lahat ay tinataasan ako ng boses at kung kausapin ako ay parang minamaliit ako. "Hindi po ako tumatalak, ser. Nilalapit ko lang po sa inyo ang sweldo ko na kulang. Saka ano naman po kung baguhan lang ako? Bawal na po ba akong magreklamo? Nagta-trabaho po ako ng patas kaya dapat mag-pa-sweldo rin kayo ng patas. Tatlong beses na akong nakulangan ng sahod at lagi nyong sinasabi na sa sunod payroll na lang ipapasok pero wala namang pumapasok." Muling nagbulungan ang mga kapwa ko empleyado. "Tama 'yon." "Oo nga. Maayos kaming nagta-trabaho kaya dapat pasahurin nyo rin kami ng maayos." Nilingon ko ang mga empleyadong sumang-ayon sa akin. Isang may edad na babae yon at isang lalaking may kapayatan. "Kulang din ang sahod nyo?" tanong ko. "Oo, pangatlong beses na ngayong kulang ang sahod na binibigay nila. Sabi papasok daw sa susunod na sahod pero wala naman," wika ng babae. "Ganon din sa akin, ganyan din ang sinasabi," dagdag naman ng lalaking payat. Ngumisi ako at nilingon ang dalawang staff sa loob ng window. "O kita nyo, hindi lang pala ako ang kulang ang sahod, e. Pati rin sila. At saka balita ko kapag baguhan lagi nyong kinukulangan ng sahod." Lalong umugong ang bulungan sa aking likuran. Kanya-kanya din sila ng sentimyento tungkol sa kulang nilang sahod. "Tumahimik nga kayo!" sigaw na ng binabaeng staff sa bilog na butas ng window. Tumahimik naman ang mga co-employee ko. Bumaling sa akin ang binabaeng staff na matalim na ang tingin. "Hoy ikaw babaita, umalis ka na rito. Nanggugulo ka. I-re-report kita sa hr." "Oo nga. Kapag hindi ka tumigil mame-memo-han ka. Gusto mo ba 'yon?" segunda pa ng babae. Mapakla akong tumawa. "Wow! The audacity na kayo pa ang mag-re-report sa hr para ma-memo-han ako. E di i-report nyo nang malaman din ng hr ang kalokohang ginagawa nyo rito sa accounting," banta ko. Ngumisi naman ang dalawa. "Huwag mo kaming pagbantaan, babae. Wala ring magagawa ang hr kahit magreklamo ka doon." Natigilan ako. Hindi ako mangmang para hindi ma-gets ang sinabi nya. Akala ko sa gobyerno lang talamak ang korapsyon. Dito rin pala sa factory. Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamao. Kahit pala magtatalak ako rito ay wala rin pala akong mapapala dahil magkakasabwat din pala ang mga department dito. Ang tanong ay alam kaya ito ng may ari. "Ano? Wala ka nang masabi? Ang mabuti pa ay bumalik ka na sa trabaho mo dahil nakakagulo ka rito. Magbilang ka na lang ng plastic. Kung hindi mo gusto ang sahod mo ay makakaalis ka rito," nang uuyam na sabi ng binabaeng staff. Nagpupuyos na sa galit ang dibdib ko pero pilit akong nagpapakahinahon. Hindi ko na rin gusto na magtagal pa sa factory na ito na puro abusado ang mga nasa taas. "Oo, aalis na talaga ako rito. Pero bago ako umalis.." dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon at pinicturan silang dalawa. "Hoy, ano yan? Anong ginagawa mo?" tanong ng babaeng staff. "Pinicturan ko kayo. Po-post ko kayo sa epbi. Papasikatin ko kayong dalawa. Mga accounting clerk na kumi-kick back ng sahod ng mga empleyado ng factory," nakangising sabi ko at binaba ang cellphone. Natigilan naman silang dalawa. Pero unang nakabawi ang binabae. "Aba't—gaga ka! Ang lakas ng loob mo. Sige, i-post mo. Idedemanda kita." "Sige idemanda mo. Isusumbong ko naman kayo sa DOLE. Tamang tama may kapitbahay kaming nagta-trabaho doon. Yung kulang kong sweldo, sa inyo na. Lamunin nyo. Mga buwaya kayo!" gigil na sabi ko at tumalikod na. Malalaki ang hakbang na dumiretso ako sa locker room at kinuha ang bag. Hindi ko natatapusin ang araw ng trabaho ko dahil lalayas na rin ako. "Luth, saan ka pupunta? Bakit dala mo na ang bag mo?" tanong ng supervisor ko nang makasalubong ko sya. "Uuwi na ako, visor." "Anong uuwi na? Hindi pa tapos ang oras ng trabaho mo." "Tapos na at resign na rin ako. Hindi na ako papasok bukas. Hindi ko kayang tumagal dito sa factory na bulok ang sistema." Nilampasan ko na ang supervisor at dire-diretso na akong naglakad palabas ng compound ng factory. Gusto ko nang umuwi at gigil na gigil na akong mag post sa social media. Pasisikatin ko talaga yong dalawang kupal na taga-accounting. I-ta-tag ko pa si Raffy Tulfo, Jessica Soho at DOLE. Deserve nilang sumikat at ma-bash. Letse sila! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD