Chapter 4

1836 Words
***Luth POV*** "HELLO little miss. Glad to see you again," nakangising bati sa akin ni manong pogi. Napangiti naman ako. Hindi ko akalaing makikita ko sya dito sa subdivision. "Anong ginagawa mo dito, manong pogi? Dito ka ba nakatira? Bahay mo 'to?" tanong ko at tinuro ang bahay na kinantahan ko. "That is my auntie's house. I'm just staying here for a short vacation." "Ah, ibig sabihin hindi ka talaga dito nakatira. E, saan ka pala nakatira?" "I live in Makati, and we have a house there." Namilog ang mata ko. "Sa Makati ka nakatira? E, lugar ng mga mayayaman yon, a! Mayaman ka nga talaga. Kunsabagay kita naman sa hitsura mo na mayaman ka," sabi ko at hinagod sya ng tingin. Mayaman na mayaman talaga ang hitsura nya kahit naka-tshirt na puti lang at pantalon. Tapos ang bango bango pa. Amoy mayaman. Natawa si manong pogi at may dinukot sa bulsa ng pantalon. Wallet 'yon na binuksan nya at humugot ng 500 sabay abot sa akin. "Ano yan, manong pogi?" takang tanong ko. "Money," nakangising sabi nya. Ngumuso naman ako. "Oo nga. Pero bakit mo 'ko binibigyan? Sabi ko naman sayo di ako pulubi, e." Tumawa sya. "I'm giving this to you because you sang a christmas carol." "Ah.." Oo nga pala, kumanta pala ako dito sa tapat ng bahay ng auntie nya. "500 ibibigay mo sa akin?" "Yeah.. is this not enough? I'll add more," aniya at muling binuksan ang wallet at akmang huhugot muli ng pera. "Hindi na, manong pogi," saway ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin. "Are you sure?" Tumango ako. "Oo, malaki na nga yang 500, e." Ngumisi sya at muling inabot sa akin ang 500. "Don't worry, that's my pamasko to you as well." Nakangising kinuha ko na ang pera. "Thank you, manong pogi. Ang aga ng pamasko mo sa akin. Bigtime ka talaga." "You're welcome and you deserve that because you sing well." Ngiting ngiti na nilagay ko na sa sling bag kong kulay itim ang pera. Matutuwa si tatay nito dahil nakarami ako sa pangangaroling. Mabuti na lang at naisipan ni Odie na mag kanya-kanya kami. "Are you alone?" tanong ni manong pogi. Tumingin naman ako sa kanya. "Hindi, may mga kasama ako. Nandon sila, nangangaroling din." Tumango tango sya. "E, ikaw manong pogi, bakit nakaupo ka riyan kanina?" Ngumisi sya at tumawa ng mahina. "I like it when you call me pogi, but not manong." "E, manong ka naman talaga." "I'm not that old." "Ilang taon ka na ba?" tanong ko pa. "I'm only 23 years old." Ngumisi ako. "Ganon din 'yon. Matanda ka na rin." Tumaas ang kilay nya. "How old are you? " "Me? I'm 10 years old." Ngumisi sya at tumawa. "You're only 10 years old but you talk like an old woman." Napanguso na lang ako. Medyo hindi ko kasi sya gets, e. "E, ikaw manong, ano ngang ginagawa mo dyan sa dilim at bakit mag isa ka?" balik tanong ko sa kanya. "Oh, I'm drinking." "Umiinom ka mag isa? Nasaan ang jowa mo?" Kumunot ang noo nya. "Who?" "Yong jowa mo, yong babaeng masungit na kasama mo kahapon." Tumaas ang sulok ng labi nya. "You mean, Diana.. She's not my jowa." "Hiwalay na kayo? Buti naman sinunod mo ang sinabi ko. Hindi kayo bagay non, e. Narinig mo naman kung paano sya magsalita, di ba? Matapobre sya. Toxic 'yong mga ganong babae. Umiwas-iwas ka sa mga ganong babae, manong pogi," payo ko sa kanya. Tumawa sya at umiling iling. "You're right.." "Dapat yong babaeng i-jo-jowa mo yong mabait kahit hindi kagandahan. E, yong jowa mo kahapon di na nga kagandahan matapobre pa." Tumango tango sya. "Sige, I will jowa na mabait kahit hindi.. kaganda-ganda." Bumungisngis ako. "Why are you laughing?" natatawang tanong nya. "E kasi nakakatawa kang magtagalog. Parang pinipilipit ang dila mo." Kumamot sya sa ulo habang nangingisi. "Because I'm still learning." "Ayos lang yan, at least nakakaintindi ka. Saka kalimutan mo na yong jowa mo. Marami pang babaeng mababait dyan." Ngumiti sya sa akin at parang inaantok ang kanyang mga matang kakaiba ang kulay. "I like you, kid. I hope I find a woman like you—witty, funny, and easy to talk to." Suminghap ako at napaatras sabay nguso. "Uyy! Huwag ako manong pogi. Bata pa ako, no." Tumawa sya ng malakas pero mayamaya ay tumigil din. "You are silly but cute. How I wish you were my age.. You’re fun to talk with." Ngumiti sya at inabot ang buhok ko sabay gulo ng marahan. Napangiti na rin ako. Hindi ko maintindihan pero natutuwa din ako sa kanya. Siguro dahil mabait sya at galante. "Masaya ka rin kausap, manong pogi. Hindi ka matapobre kahit mayaman ka. Tapos galante ka pa." Mahina syang tumawa. "I hope I get to see you again when I come back." "Aalis ka?" "Yeah, I'm going back to Spain to finish my studies." "Spain? Saan yun?" "In Europe. Outside the Philippines." "Ah, sa ibang bansa. Ang yaman mo talaga, paiba-ibang bansa ka na lang. E, hanggang kelan ka naman don?" "Perhaps five years or longer. It depends.." "Five years? Limang taon? Ang tagal naman!" Muli syang tumawa. "Yeah, and I hope I get to see you again when I come back here in the Philippines. I will give you a gift, just don't forget me." "Oo ba! Hindi kita makakalimutan, no. Dahil ikaw lang ang nagbigay sa akin ng malaking pera. Saka baka pagbalik mo malaki na ako. Kapag wala kang jowa, ako na lang ang jowain mo. Sigurado namang mabait ako paglaki ko, e," nakangising sabi ko at kinindatan ko sya. Tumawa na naman sya ng malakas. "Alright, when I come back, I'll take you on a date." "Kung gusto mo pakasal na rin tayo pagbalik mo, e." Tumaas ang kilay nya at ngumisi. "You want to marry me?" "Oo naman! Pogi ka saka mayaman pa. Hindi na ako lugi sayo paglaki ko. Aahon kami ni tatay sa hirap kapag pinakasalan kita." Napakamot ako sa ulo ng tumawa na naman sya. Parang tanga naman 'tong si manong pogi. Tawa ng tawa hindi naman ako nagpapatawa. "You're such a fun kid," natatawa at iiling iling na sabi nya. "Oy manong pogi, seryoso ako. Pagbalik mo at wala ka pang asawa, pakakasalan kita." "Alright. I'll hold you to that promise," nakangising sabi nya na natatawa pa rin. "Luth!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Dodie. "Nandiyan ka lang pala, e. Halika na uuwi na tayo. Alas otso na. Baka pagalitan tayo ni Mang Samuel. Hindi na tayo makakapasok dito." Nataranta naman ako nang marinig kay Dodie na alas otso na. Siguradong hinahanap na ako ni tatay. Binalingan ko si manong pogi. "Manong pogi, alis na ako, a. Alas otso na, e. Babalik na lang ako dito sa susunod na linggo, next week, okay? Ba-bye! Saka thank you sa pamasko mo!" Tumalikod na ako at tumakbo palapit kay Dodie. "Magkano binigay sayo nong mama?" Tanong ni Dodie. "Isang daan," nakangusong pagsisinungaling ko. Baka kasi kapag nalaman nilang 500 ang binigay sa akin ni manong pogi ay sabihin nilang hati-hatiin namin. "Ako din. Isang daan din bigay sa akin don sa bahay na may pulang gate. Gusto ko pa nga sanang pumunta sa dulo kaya lang tinawag na ako ni Janus dahil alas otso na." "E babalik naman tayo dito sa susunod na linggo, e." "Oo nga." Nag sama-sama na ulit kaming lima at tumakbo na palabas ng gate. Sa amin na namin paghahatian ang pera dahil kailangan na naming lumabas. Nag thank you kami kay Mang Samuel at nagsabi na babalik kami sa susunod na linggo. Bumalik na kami sa looban at pinaghatian namin ang pera sa harap ng tindahan ni Aling Baneng. Malaki ang napaghatian namin, tig 355 kami. Ito na ang pinakamalaking napaghatian namin at tuwang tuwa kaming lahat. Lalo na ako dahil pinaka-malaki ang sa akin ng hindi nila alam. 'Yon ang tinatawag na diskarteng malupet. Pagkatapos naming paghatian ang pera ay nagkanya-kanya na kami ng uwi. Nakita ko pa si tatay na nasa labas ng bahay at nakaabang sa akin. "Bakit ngayon ka lang? Ang sabi ko hanggang alas otso ka lang. Alas otso y medya na." Kumamot ako sa ulo. "Sorry po, tay. Marami po kaming bahay na pinuntahan, e. Saka pinaghatian pa po namin yung pera." "Sige na, maghugas ka na ng paa at pumasok sa loob." "Opo." Lumapit ako sa gripo na nasa gilid ng bahay namin kung saan naglalaba si tatay. Binuksan ko ang gripo at hinugasan ang paa na puro alikabok. Sabay na kami ni tatay pumasok sa loob ng bahay at ni-lock na rin nya ang pinto. "Tay, ang laki po ng pinangarolingan namin. Tig 355 po kami," sabi ko kay tatay. "Talaga? Aba'y malaki nga! Saan ba kayo nangaroling at malaki ang kinita nyo?" "Sa subdivision po, tay. Ang gagalante po ng mga nakatira doon. Tig 100 at 200 ang binibigay nila. Sayang nga nakailang bahay lang kami, e." "Buti pinapasok kayo ng gwardya doon." "Opo tay, pero hanggang alas otso lang po. Kung matagal tagal po kami doon siguradong mas malaki pa po ang kita namin. Saka alam mo po, tay, nakita ko doon si manong pogi." Kumunot ang noo nya. "Manong pogi? Sinong manong pogi?" "Yong bumili po sa atin kahapon ng basahan na halagang 500." "Ganon ba? Doon pala sya nakatira." "Hindi po sya doon nakatira. Nagbabakasyon lang po sya doon sa bahay ng auntie nya." "Bakit mo alam? Nag usap kayo?" "Opo. Nangaroling po ako sa bahay nila, e. Tapos binigyan po nya ako ng 500. Hindi ko po sinabi kanila Odie kasi ako lang naman po mag isa nangaroling doon, e." Nagsalubong ang kilay ni tatay. "Mag isa kang nangaroling? Hindi ba sinabi ko sayo huwag kang hihiwalay sa mga kasama mo? Ikaw talaga Luthie." "Oo nga po, tay. Nagkanya kanya lang po kami ng bahay para mas malaki ang kita. Naka-five hundred nga po ako, o. Solo ko lang po 'to." Bumuntong hininga si tatay. "Pero huwag mo ng uulitin na mag isa ka lang na mangangaroling sa isang bahay, ha. Baka mamaya makatiyempo ka ng masasama ang loob. Kapag inulit mo pa yan hindi ka na kita papayagan at huwag kang magsisinungaling sa akin dahil malalaman ko yan." Tumango ako. "Opo tay, di na po mauulit," nakangusong sabi ko. "Itabi mo yang pera mo. Ihulog mo sa alkansya mo. Para kapag may gusto kang bilhin sa pasko ay mabibili mo. Tapos matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas," ani tatay at niligpit ang mga nayaring basahang bilog. "Opo, tay." Pumasok na ako sa kwarto namin at hinulog ko na sa piggy bank kong plastic ang pera ko. May laman na yon at ngayon ay nadagdagan na naman. Sa isang linggo ay madadagdagan ulit. Siguradong malaki na ito pagdating ng pasko. Mabuti na lang talaga nakita ko doon si manong pogi. 'Oo nga pala! Nakalimutan kong itanong ang pangalan nya. Di bale, babalik naman kami doon sa isang linggo. Tatanungin ko na lang sya..' *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD