***Luth POV*** "NINONG, narito po pala kayo. Magandang tanghali po," bati ko at lumapit sa kanya sabay mano. Lumapit rin ako kay tatay at nagmano rin. "Magandang tanghali rin, iha. Pumunta ako rito dahil nalaman kong pinapaalis na raw ang lahat ng mga nakatira dito sa looban. Nagkwento na rin sa akin ang tatay mo," turan ni Ninong Pade. "Oo nga po, ninong. Kaya nga po naghahanap ako ngayon ng mauupahang apartment. Kaso nga lang po ang mamahal ng mga paupahan na nahanap ko. Masyadong mabigat po sa bulsa," sabi ko at tumingin kay tatay. "Huwag ka ng maghanap, 'nak. May inaalok na matitirhan itong ninong mo," wika ni tatay. Namilog ang mata ko at tumingin kay Ninong Pade. "Talaga po, ninong?" "Oo, inaanak. 'Yong kapatid ko kasi na nasa ibang bansa may nabiling malawak na lote sa bar

