Having a protective Kuya!

2113 Words
Chapter 11 Tiktilaok ng manok ang gumising sa akin. Wala nadin si ate Imelda sa tabi ko. Magkatabi kasi kami. Sa sahig sana siya matutulog kagabi para di daw ako mainitan, pero di ako pumayag, kaya wala siyang nagawa, kundi tumabi sa akin. Maingay nasa labas. May narinig na akong batang nagsisigawan, tansya ko silay naghahabulan. I get my phone on my bag para tingnan ang oras. Its 7 o clock in the morning, pero hyper na ang lahat ng tao. Bumangon ako sa aking higaan, ramdam ko'y sumakit ang likod ko dahil di ako sanay sa aking hinigaan. Binuksan ko ang bintana, kita ko agad ang mga batang naglalaro, may dalagita ding nagdadala ng container na may laman ng tubig. Siguro galing sila sa kakaigib. Nag iigib lang pala sila dito, andoon nakalagay ang poso sa may kawayan na malapit lang sa bahay ni kuya Joseph. Lumabas ako sa kwarto at nadatnan ko si ate Imelda at Nanay Lorna na may binalatang sibuwas, bawang, luya. At ano ano pang ingridients. "Goodmorning iha!" Bati sa akin ni Nanay Lorna nang napansin ako. "Goodmorning Gigi" Bati din ni ate Imelda. Kita kong nakaligo na siya. "Goodmorning din po!" Bati ko pabalik. "Kumain kana iha. Kung gusto mo ng kape, may kape dito at tinapay" "Kung gusto mong maligo Gigi, may tubig diyan sa banyo. Diyan ka na lang maligo" Sambit ni ate. Okay sana, pero nakakahiya naman, alam ko namang nagsasalok pa sila ng tubig galing sa poso, pero hito ako, pa simple lang. "Sa poso na lang ate, para di magamit ang tubig sa banyo" "Sigurado ka? Sige, hintayin mo lang ako, kumain ka muna, para masamahan kita" "Wag na ate. Kaya ko naman. Mamaya na lang ako kakain, pagbalik" "Sigurado ka?" Tanong niya kaya tumango na lang ako. Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng damit. Demin na palda at puting damit ang susuutin ko na may nakasulat na 'freedom", underwear, short, towel at binitbit ko na rin ang isang plastic container na naglalaman ng shampoo, basta hair treatment, skin routine ang nandoon. Siguro nalilito kayo kung saan to galing? Syempre nasa handbag ko kasi ito nilagay, kasama ang sapatos, slippers, jacket at sketch pad ko. So thats all. Paglabas ko, kita ko agad ang toldang nakatayo. Kita ko din na nandon sina tatay Isko, kuya Edward, Kuya Joseph at ibang kalalakihan na di ko kilala. Nagiihaw sila ng baboy. Dalawang baboy at maraming manok. "Morning bunso!" Bati agad ni kuya Joseph ng napansin ako. "Morning kuya!" Bati ko pabalik "Morning po Tay Isko" Bati ko kay tay Isko. Pansin kong tahimik lang si kuya Edward, di makatingin eh "Morning kuya Edward" "Morning iha!" Bati pabalik sa akin ni tay esko. Kita ko pang siniko ni kuya Joseph si kuya Edward. At binulungan ito. "M-morning Gigi" taranta niyang sambit. Natatawa naman silang lahat dahil sa reaction ni kuya edward. "Paano bayan kumpre may susunod na ihawan na naman. Binata na ang anak mo!" Natatawang sambit ng kaibigan ni tay Isko. Namula pa si kuya Edward, habang natatawa si kuya Joseph. "San ka bunso?" Tanong ni kuya Joseph ng lumapit siya sa akin. Sumilip pa ako doon sa ginawa nilang pagihaw bago binalingan si kuya Joseph. "Pupunta sa poso. Maligo sana!" Sambit ko. "Mag-isa?" Konot niyang tanong. "Oo sana!" "Halika samahan kita" Sambit niya, habang kinuha ang dala ko. Tinawag pa siya ng kasamahan niya. Pero Natatawa lang siya. "Wag kang mag alala, di ako mamboboso! Remember kuya mo ako" Pakalma niya nang makita ang hitsura ko. "Teka sama ako!" Sigaw ni kuya Edward sa di kalayuan. Humabol pala ito. "Oy pre, akala ko, mahihiya ka nanaman sa bunso ko!" Pangangasar ni kuya Joseph. "Tumigil ka nga Joseph! Alam mo naman na ngayon lang ako nakakita ng magandang babae!" Bulong niya kay kuya Joseph. Pero rinig ko naman. "Wag ka ngang sumama Edward baka bosohan mo lang itong bunso ko!" "Gago, anong akala mo sa akin? Manyak?" Sambit niya. " Paumanhin Gigi, Naatract lang talaga ako" Honest niyang sambit. Natawa naman si kuya Joseph sa kanya, pawang naalala niya ang mga salitang binitawan din niya noon sa akin. "Kumusta na pala iyong babaeng naghahabol sa iyo dito Edward?" "Gago pare, ayon habol na habol alam mo namang ayaw ko sa kanya. Alam kong pupunta iyon dito mamaya, halos kasi dito inibinta ni nanay" Naiirita niyang sambit. Nasa hulihan nila ako nakikinig lang sa kanilang mga salita. Natatawa ako sa naiinis na boses ni kuya Edward. "What her name again?" "P*ta pare, wag naman english!" "Oh anong problema don?" Natatawang sambit ni kuya Joseph kay kuya Edward. "Pwede mo namang itanong. Anong pangalan nga ng inggratang iyon? Yon!" Sambit niya habang may action pa, kaya natatawa ako ng palihim, may pagka isip bata rin pala itong si kuya Edward. "Shits!" Sabay nilang sambit. "Don ka na lang maligo sa banyo bunso!" Saad ni kuya Joseph habang humarap sa akin. "Oo nga Gigi. Tara. Kami na ang bahala sa tubig. Ang kuya mo na bahala!" Segunda ni kuya Edward. Naguguluhan naman ako sa inasta nila. Hinila nila ako palayo sa poso. Tumingin ako doon, at nakita ko ang mga kalalakihan na nagtatawanan habang naliligo. May mga babae din doon. Tiningnan ko sila kuya Edward at Joseph, seryuso sila. Kaya wala na akong nagawa't nagpahila na lang. Nagulat nga sina nanay Lorna at ate Imelda ng di pa ako nakaligo. Pinasok agad ako ni kuya Edward sa loob ng Cr. I have no choice kundi dito maligo, nag igip din sila ng tubig gaya ng sinabi nila kanina. Ang saya mag karoon ng protective kuya. I giggled. Alas tres na ng hapon, madami dami nadin ang taong umabot. Andito lang ako sa loob ng kusina. At tumulong kay ate Imelda at kay nay Lorna, sa pagluluto. Chak lang, taga abot lang kasi ako ng pangsahog. Kung may hugasan naman, ako na ang gumawa, kasi mainit ang kamay ni ate, dahil kahoy lang ang gamit nila dito. Sila tay Isko, kuya Edward at kuya Joseph nasa labas, nag ikot ng baboy. Nag letchon kasi sila. Nabalitaan ko rin na tatay pala ni Kuya Joseph ang isang tumulong doon. Speaking of them. Napa protective nila, kinarer talaga ang pagka kuya, pinalitan pa nga nila ang suot kung palda, maiksi kasi iyon, kita ang mapuputi kong heta. Sabi pa nga nila na... "Do it Gigi! Palitan mo ang palda mo!" Kuya Edward "Mas manyak pa ang mga lalaki dito Bunso kay sa syudad! Kaya mas better na magpalit ka!" Kuya Joseph Diba? Ang protective. Naapreciate ko naman iyon. Its my first time na may nag alala sa akin. Busy ang lahat, pati nga ang mga bata ay tumulong din sa pag igib ng tubig. Mga kaibigan ni Lorenzo, kahit pawisan, ngiti parin ang nakapaskil sa kanilang mga labi. Ganito sila kasaya pag may handaan, at tulong tulong pa. Minsan ay tumulong din ako, sasama ako sa kanila patungo sa poso para mag igib, bitbit ang dalang galon, galon daw ang tawag don sabi ni Lorenzo. Ayaw sana ako payagan ni ate Imelda pero nagpumulit ako, kaya wala na siyang nagawa pa at pinayagan ako. Masakit sa kamay at mabigat iyon. Pero ng makita kong gaano kasaya ang mga bata habang buhat buhat ang dalawang galon sa kanilang kamay, ay napangiti na lang ako. Palihim din akong natawa pag napalo ni nanay Lorna si kiring yong pusa, pabalik balik kasi sa lamesa, at naki gulo. Natabig nga niya yong pangsahog, buti na lang di na laglag. Kaya hayon palo na naman ng stick. Naawa tuloy ako sa pusa. Si Fury naman yong aso, natulog lang. Parang walang problema, nasa ilalim siya ng mesa. Tahol tahol pa kahit tulog. Sabi nila pag ganyan daw, nanaginip daw ang aso. Yon lang naman ang sabi ni ate Imelda sa akin, nong mensa'y tinanong ko siya. Alas sais nang hapon, marami ng tao. Tapos nadin mag kanta nang happy birthday para kay Lorenzo. Binihisan pa nga siya ng magandang damit na regalo sa kanya ng ate niya. Binigay ko na din ang akin. Laruan lang naman iyon, tuwang tuwa pa nga siya ng nakita iyon at nagpasalamat sa akin. Nagsimula na ang kainan at sayawan. May tao sa labas at sa loob ng bahay. Andito lang ako sa kusina nag hugas ng plato. Tumulong kasi ako kay ate Imelda. May naghugas din sa labas yong mga dalagita. Dinig ko din ang mga halakhakan ng kalalakihan. At may naginuman din, grupo nina tay Isko. "Nay san pala ang guitara?" Tanong ni kuya Edward sa Nanay niya. "Nasa kwarto nag ate mo. Nasa loob ng cabinet" Sagot ni nay Lorna Dali dali naman iyon kinuha ni kuya Edward. "Oy, Gigi, halika join ka sa amin!" Anyaya ni kuya Edward sa akin pagkakuha niya sa guitara. "Syaka tulungan mo ako. Andon kasi si haliparot" Bulong niya, kaya natawa ako ng bahagya. "Sige na iha, sumama kana. Minsan lang ito. Sumama kanarin Imelda para di maging OP don si Gigi" Saad ni nay Lorna. Walang nagawa si ate at sumama sa amin. Nadaanan pa namin ang ibang bisita nila na nasa sala. Tumingin pa ang iba sa akin ng napansin ako. Sa labas naman. Kita mo agad ang mga lalaking nagiinuman. Mga matatanda na iyon. Kaya pa ba sa katawan nila iyon? Kita ko din ang mga kababaihan sa di kalayuan, at mga kalalakihan. Ang iba ay naghugas ng plato. "Oy pre chicks" Rinig kung sambit ng isang lalaki, nadaanan kasi namin iyon. Bago kami nakarating sa Makupa kung saan si kuya Joseph at iba pa niyang kasama. Kita ko din ang isang babaeng, puno ng makeup ang mukha. "Siya yon!" Bulong ni kuya Edward sa akin. Napasimangot naman ang babae ng nakita kaming magkasama ni kuya Edward. Napatawa na lang ako sa kaloob looban. Umupo kami agad. Katabi ko si kuya Edward at kuya Joseph nasa tapat ko naman si ate Imelda. Kung baga, Circle shape ang ginawa namin. Napatingin pa ang iba sa akin pagka upo ko. Ngumiti ako sa kanila. May ibay mgumiti ang iba ay napaismid lang. Aw okay. "Pakilala mo naman ako Pre Edward!" Sabi ng isang lalaki, na mala justine Bieber ang buhok. Baduyan ang porma. "Hey! Brandon! Wag mo siyang isama sa babae mo!" Saad ni kuya Edward kay Brandon. "Syaka, wag mong pagdiskitahan itong bunso namin" Sabat naman ni kuya Joseph sabay gulo ng buhok ko. Napa 'O' naman sila. Pati nga si ate napangiti nadin. Pero di parin makaiwas sa aking paningin ang pagirap ng kababaihan. "So sinong marunong maggitara?" Kuya Edward. "Seryoso Edward? Kukuha ka ng guitara tapos di ka marunong non?" Asar ni ate Imelda. "Limang chords lang kasi ang alam ko eh" "Ako na babe!" Sabat naman ng isang babae. Yon yong habol habol kay kuya Edward. Ngumiti pa siya ng pacute kay kuya Edward. Natawa nga ako eh dahil sa hitsura ni kuya. Binigay naman iyon ni kuya sa kanya. Nag simula na siya'ng mag guitara. Pabalik balik lang ang chords mga apat ata, mas ok pa si kuya dahil lima daw ang alam niya. Minsan wala sa tuno. Natatwa nga ang iba dahil sa out of tone na iyon. Ang iba naman nakisabay sa kanta kahit palibag libag iyon. "Tama na nga iyan Josephene. Para kang timang!" Sambit ni kuya Edward kaya nahiya si Josephene. "Wala nabang ibang marunong diyan" Tanong niya muli. "Ikaw Joseph?" Umiling lang siya. "I dont know how pare. Di ako marunong, kahit nga pag intindi sa chords, bugok na ako" natatawang sagot ni kuya Joseph kaya natawa na lang kami. "Ako na lang pre" Sabat naman nong isa. "Loko Jordan, wala kang alam jan. Babae lang ang alam mong tirahin!" Bulyaw naman ni Brandon. "Bunganga mo Brandon" Sabat ni ate na kanina pa nakikinig. "Ibigay mo na lang iyan kay Gigi, Edward, at ng matapos na iyang bangayan niyo" Si ate ulit. Nagulat ako sa sinabi ni ate. Ako? "Marunong ka?" Tanong ni kuya Edward, bahagyang pinasa ang guitara sa akin. Nakatingin na sila sa akin. Na pressure naman ako. "She's good for that! Hindi lang guitara ang kaya niyang tugtugin. As far as I know she is, a talented Girl" dagdag ni ate ulit at ngumiti. How did she know? Tumango lang si ate sa akin, hudyat na simulan ko na. Wala akong nagawa kundi, ihanda ang guitara. Tiningnan ko sila, pawang naghihintay na simulan ko na ang pagkaskas. I breath deeply. Di ko na pala na namalayan na sinimulan ko na ang pagtugtog. Its my compose song its "My Hopeless love" . From rythm to lead. Ito din ang unang beses na tumogtog ako sa harap ng maraming tao na bakat sa mukha ang pagkamangha. I smiled!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD