Panay ang lakad ni Katallea sa loob ng kaniyang silid. Tatlong buwan na lang ay ikakasal na ang kaniyang kapatid sa lalaking kinasusuklaman niya. Kinasusuklaman nga ba? Ayaw na niyang iisipin ang sarili. Ang gusto niya ay mapigilan ang kasal na iyon dahil ayaw niyang maging malungkot habang buhay si Clarise. "Ate, tulungan mo ako. Ayaw kong makasal sa kaniya," pakiusap nito ng pumasok ito at umupo sa kama niya. Tumingin si Katallea sa kapatid niyang namumugto pa rin ang mga mata. Hindi niya batid kung ilang araw na itong umiiyak dahil sa masaklap nitong kapalaran. May kirot sa pusong naramdaman si Katallea. Hindi niya pinangarap na maging malungkot ang sino man sa pamilya n’ya kaya nga ginawa n’ya ang lahat para umunlad. "Huwag kang mag-alala. Lulunukin ko lahat ng galit ko kay Geo par

