PART 7

1841 Words
        Sa paglisan ng aking bespren ay hindi ko mapigilang maghinagpis. Para sa akin aay tila katumbas pa nito ang namatayan dahil, kahit gustuhin ko mang isipin na may posibilidad pang siya’y magbalik, alam ko namang doon na ang magiging buhay niya. Iniwan na niya ako at ang samahan namin. Hindi ko na siya mahahawakan pa. Hindi ko na siya mayayakap kagaya ng nakasanayan namin. Hindi ko na masisilayan pa ang maamong mukha ng aking bespren. At higit sa lahat, hindi ko na siya makakapiling pa.         Wala ng Giordale na mang-iinis ang mangbu-buwisit sa akin. Wala ng magpapangiti sa tuwing nalulungkot at may problema ako. Wala na.         Wala na akong bespren.         Dahil dito, hindi ko magawang sugpuin ang poot na nararamdaman dahil nalunod na sa matinding lungkot at pighati ang aking damdamin. Natabunan nan g galit ang noon sana’y maunawaing isip at mapag-intinding puso ko.         Alam ko naman sa sariling sa halip na magalit ako sa paglisan niya ay dapat suportahan ko na lang siya at hangarin ang kabutihan. At alam ko rin naman na labag sa kalooban ni Giordale ang iwanan ako na walang maayos na paalam at hindi ito naging madali sa kaniya.         Sinubukan kong unawain ang aking bespren ngunit paano naman ang nararamdaman ko? Hindi niya ba naisip ang magiging kalagayan ko? Sobra akong nasaktan sa paglisan niya. Sobrang sakit na parang dinaganan ng libu-libong ten wheeler truck ang aking puso. Napuno ako ng panghihinayang. Ni hindi ko man lang siya nayakap at nasilayan muna bago umalis. O kaya’y sana narinig mismo sa kaniyang mga bibig ang mga katagang nakasulat sa liham niya.         Pakiramdam ko’y tila nag-shut down ang buong mundo ko sa nangyari. Pati si mama ay hindi ko nagawang kibuin at kausapin sa gabing iyon dahil sa tindi ng aking nararamdaman. Naintindihan din naman ako ni mama at alam kong alam din niya ang dahilan sapagkat siya ang pinaka-unang nakabasa sa liham. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang tumatakbo sa isip niya tungkol sa amin ni Giordale. Pero wala na akong pakialam sa nararamdaman ni mama o kung ano man ang iniisip niya. Ang tanging inintindi ko lang ay ang biglaang paglisan at tuluyang paglaho ni Giordale, ang aking bespren.         Kaya simula nung gabing iyon ay parang nawalan na ako ng gana. Naging matamlay ako, palagi na lang nakatulala. Minsan ay bigla na lang naluluha na hindi ko namamalayan, magagalitin, at hindi alam ang ginagawa.         Kahit makalipas ang ilang araw ay patuloy pa ring bumabalik sa aking isipian ang mga alaala namin ni Giordale nung mga panahong masaya kaming nagsasama, nagtatawanan, naghaharutan, nag-iinisan, nagbabangayan, at nagdadamayan.         Naalala ko tuloy nung minsang naligo kami sa dagat na malapit lang naman sa bahay namin. Linggo iyon at doon siya natulog sa bahay. Nagdala pa nga siya ng mga pagkain namin para kumbagang nag-picnic kami sa tabing dagat. Magta-takipsilim na at walang katao-tao sa dagat kaya kami lang ang naroroon. Amin ang mga sandaling iyon: ang oras, ang pagkakataon, at ang mundo.         Masayang-masaya kami sa paliligo. Nandiyan iyong minsang nagbibiruan hanggang magkapikunan na hahantong sa paghahabulan sa buhanginan. Siyempre mas malaki si Giordale kesa sa’kin kaya palagi niya akong naaabutan at dinadaganan. Pero hindi naman ako nagpapatalo kaya nilalabanan ko siya. Nagpambuno kami sa mga pinong-pino at puting-puting grano ng buhangin subalit sa huli ay ako na rin lang ang sumusuko.         “Tama naaaa!!!” pagsisigaw ko nang dahil sa walang tigil niya akong kiniliti.         “Ano ha? Lalaban ka pa? Ha?”         “H-hindi na…aaarrrggghhh!!! Tama naaa. Suko na ako…pleaseeee. Baaabbb,” tugon ko na lang sa sobrang pagkakiliti ko.         Sa ilang minuto kong pagsusumamo ay natablan na rin siya ng awa at pinakawalan na niya ako. Habol-habol ang aking paghinga habang siya naman ay walang humapy na nagtatawa.         “Yes! Panalo akooo. Hooooh!” pagsisigaw niya na parang nanalo sa isang wrestling match.         “Ah ganun pala ha. Humanda ka sa akin,” ang bulong ko sa sarili.         Nang bumalik na sa normal ang aking paghinga ay dahan-dahan na akong tumayo. Ini-abot naman niya ang kaniyang kamay upang tulungan ako. Nang maabot ang kamay niya at nakatayo na ako ay doon ko na isinakatuparan ang aking plano.         Mabilis akong lumipat sa likuran niya. Inilikos ko ang aking bisig sa kaniyang leeg sabay sipa sa alak-alakan niya dahilan upang mapaluhod siya. Gulat na gulat ang aking bespren sa bilis ng aking ginawa na hindi niya napaghandaan. Hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kaniya at dali-daling hinila papunta sa dagat. Wala siyang magawa kahit anong pilit niyang kumawala dahil nahihirapang siya sa kaniyang posisyon.         Nang makarating na kami sa tubig ay walang pagdadalawang-isip kong inilublob ang ulo niya doon.         “Panalo pala ha?” ang gigil kong sambit.         “Ggguuuurrllll…” ang narinig ko lang mula kay Giordale mula sa ialim ng tubig. Natatawa ako sa sitwasyon niya.         “Ano? May sinasabi ka yata eh. Ano nga iyon?” pabiro kong tanong sa kaniya nang mai-ahon ko siya. At nung sasagot na sana ang kumag ay ibiinalik ko na naman siya sa paglublob.         “Ahhppp”         “Ikaw naman ngayon ang makakaranas ng paghihingalo…”         Tawa pa rin ako ng tawa. At paulit-ulit ko iyong ginawa: lublob, ahon, lublob, ahon, lublob na naman, ahon ulit…hanggang sa magsawa na ako at siguro naawa na rin dahil nagsimula ng mamula ang kaniyang mukha.         “O, edi sinong panalo ngayon?” tanong ko sa kaniya.         Abot-abot ang kaniyang paghinga.         “Punyeta ka Paul!!!” galit na galit niyang sabi sa akin. Alam ko na kapag sa ganoong sitwasyon ay siguradong babatukan na niya ako pero dahil sa panghihina ay hindi niya magawa.         “HAHAHA!” pagtawa ko na lang kagaya ng mga kontrabida sa palabas. “ Ako pa rin ang nagwagi.”         Na sinagot naman niya ng isang matulis na titig.         “Ouch! Ang sakit naman ng mga tingin mo, bab. Tumagos talaga eh…ah ah ah,” acting-aktingan ko naman sabay hawak sa aking dibdib na parang sinaksak. Iniinis ko talaga siya.         “Ewan ko sa’yo,” inirapan niya lang ako at mukhang tumalab naman ang  pang-iinis ko. Sa huli ay ako pa rin ang nanalo. Ang saya lang!         Tinigil na namin ang biruang away at nagpatuloy sa pagligo. Idinaan na lang namin ang pagbabati sa pag-uunahan sa paglangoy, pagsasaboy ng tubig, o kaya nama’y paghihilod sa isa’t-isa. At nang makuntento ay umahon na kami at naupo sa tabi kung saan nakalatag ang mga dalang pagkain ni Giordale. Masaya naming nilamutak ang mga iyon na nagtatawanan pa rin hanggang sa maubos. Talagang nakakagutom pala ang ginawa naming paghahabulan kanina.         Sa pagkagat ng dilim ay nanatili pa rin kaming dalawa sa aming posisyon. Parehong nakaharap sa dagat at nakatingala sa mga talang nagni-ningning sa kalangitan habang magkaakbay sa isa’t-isa.         “Ang ganda no?”” bungad na tanong ni Giordale sa akin.         “Ang alin?” lingon ko sa kaniya.         “Ng mga tala. Ang buong kalangitan…” sagot naman niya.         “Oo nga. Kahanga-hangang pagmasdan dahil sa ningning nila. Higit pa sa kagandahang mailalarawan natin.”         “Tama ka bab. Higit pa sila sa kariktang masasabi natin,” pagsang-ayon niya sa sinabi ko.         “Kagaya ng ating samahan. Kasing ganda din nito ang mga tala. Sa kinahaba-haba nan g panahon sa ating pagiging matalik na kaibigan, marami na tayong pinagdaanan. May mga pagsubok na dumating para subukin ang katatagan ng bawat isa sa atin. May mga pagkakataon ring nauubusan tayo ng pasensya at halos humantong na sa pagkakabuwag ng ating samahan. Ngunit nanatili pa rin tayong matatag at mas nagningning pa lalo. Pinatunayan natin na matibay talaga ang ating pagkakaibigan at hinding-hindi ito kailanman magigiba ng kahit anong unos na dumating. Mahirap was akin ang ganitong samahan natin bab dahil matagal natin itong binuo. Pinaghirapan nating tamuhin ang tiwala sa isa’t-isa at ang mabubuting hangarin ang siyang naging sandata sa pagbuo ng ating koneksiyon. Walang makakatumbas ng pagkakaibigan natin bab. Kahit pa nasa kabilang buhay na ako ay ikaw at ikaw pa rin ang hihilingin kong maging matalik na kaibigan.”         Nakakaantig ang mga binitawang salita ng aking bespren. Wala akong masabi. Ang lalim kasi ng mga sinabi niya at talagang matutunaw na sa sobrang kagalakan ang aking puso. Hindi lang ako makapaniwalang ganun pala kung ituring ni Giordale ang pagiging magkaibigan namin. Ang akala ko kasi ay tipikal lang na mag-bespren ang meron kami ngunit may malalim pala itong dulot sa buhay ng isa sa amin.         “Napakahalaga para sa akin ang pagkakaibigan natin bab. Ito ang naging sanhi ng pagkakaroon ko ng positibong pananaw sa buhay. At dahil iyon sa pagdating mo…” pagpatuloy niya.         “I’m so honoured pala na naging magkaibigan tayo bab. Hindi ko akalaing nakapgbibigay sigla din pala ako sa buhay ng ibang tao kahit ganito lang ako,” ang tangi ko lang nasambit.         “Kaya nga eh. Atsaka huwag mong sabihin na ‘kahit ganito lang ako’ dahil hindi ko matatanggap iyan bab. Mahalaga ka sa buhay ko. Bigay ka sa akin ng Maykapal at walang sinuman ang makakabuwag sa ating dalawa. Hindi maduduwal ang samahang meron tayo dahil bahagi ito ng plano Niya para sa akin at para sa’yo…”         Hindi na ako naka-imik pa bagkus niyakap na lang siya at hinalikan sa pisngi. Niyakap na din niya ako at hinalikan din sa pisngi.         Ilang saglit pa’y bigla siyang kumalas at may hinugot sa lalagyan ng mga pagkain. Kinuha pala niya ang kaniyang cellphone at parang may hinahanap dahil panay ang pag-scroll niya sa screen nito. Maya-maya ay bumalik ulit siya sa aming posisyon at narinig ko na lang na may ipinatugtog siya. Nang klaro na sa akin ang tono ay noon ko lang napagtantong iyon pala ang paborito niyang kanta. Madalas niya itong kinakanta kapag nagsasama kami kaya alam na alam ko ang kantang ito.         Habang tumutugtog ang kanta ay sinasabayan naman niya ito… Mayroon akong nais malaman Maaari bang magtanong? Alam mo bang Matagal na kitang iniibig Matagal na akong naghihintay Ngunit mayroon kang ibang minamahal Kung kaya’t ako’y ‘Di mo pinapansin Ngunit ganoon pa man Nais kong malaman mo Ang puso ko’ng ito’y Para lang sa’yo Nandito ako umiibig sa’yo Kahit na nagdurugo ang puso Kung sakaling iwanan ka niya Huwag kang mag-alala May nagmamahal sa’yo Nandito ako           Damang-dama niya talaga ang pagkanta niyon. Parang siya mismo ang nakaranas sa ipinapahiwatig ng kanta. Habang ako naman ay nakiknig lang sa kaniya at hinayaan na lang siya. Nakikisabay na rin ako paminsan-minsan sa pagkanta dahil parang nagustuhan ko na rin ang kanta. Ang lalim kasi ng ibig sabihin ng bawat lyrics at ang malungkot na himig dagdagan pa ng malamig na boses ng singer na kumanta niyon.         Pero taliwas naman sa kantang iyon ang nararamdaman namin ni Giordale sa tagpong iyon. Hindi maitatago ang mga ngiting nakaguhit sa aming mukha. Napakasaya lang talaga namin. Iyon bang klase ng saya na hindi mo kayang ipaliwanag. Na parang out of the world na kaligayahan kung saan natatamasa mo ang iyong gusto at walang humahadlang sa kasiyahan mong iyon. At sa dagat na iyon, libre kong natatamasa ang gusto ko: naangkin ko ang buong oras ni Giordale at libre ko ring naibibigay sa kaniya ang buo kong atensiyon. Para nga kaming magkasintahan na nagdi-date kung titingnan pero ang totoo walang kami.         Matalik na kaibigan lang ang turingan namin sa isa’t-isa.         Iyon sa ang isa sa mga tagpong hinding-hindi ko makakalimutan. Sa totoo lang, sa tuwing naaalala ko iyon ay parang nahihimasmasan ako sa nararamdamang sama ng loob sa kaniya. Parang ang tagpong iyon ang siyang nagpapaluwag sa naghihinagpis kong damdamin sa paghihiwalay namin ng aking bespren.         Araw-araw na lang may naghihilahan sa aking utak kung ano ang mas matimbang: isip o damdamin. Hindi ko na talaga alam pa ang mga bagay na tumatakbo sa ulo ko. Naguguluhan ako at parang mababaliw na sa ka-iisip.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD