PART 5

1809 Words
  *Giordale*           Wala nang hihigit pa sa bespren kong si Paul.         Mahal ko siya hindi lang bilang isang kaibigan kundi mas higit pa roon. Yun nga lang hindi niya alam at wala akong planong sabihin sa kaniya iyon. ayokong masira ang kung ano man ang meron kami at ayoko ring masaktan siya. Hindi ko kasi maipapangako ang panghabambuhay na relasyon bilang magkasintahan sa kaniya sa rason na ako lang ang nakakaalam.         Gusto ko siyang protektahan habang nasa piling niya ako. Nasasaktan kasi ako sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan din at nagdurusa. Ayaw na ayaw kong makita siyang lumuluha at nalulungkot kaya lahat ng kaya kong gawin ay ginawa ko. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat ng aking kayang ibigay. Kahit sarili ko pa man ay handa kong i-alay para sa kaniya.         Ganun ko ka mahal ang aking nag-iisang bespren at nag-iisang taong tunay kong minamahal.         Sa halos anim na taon naming pagiging matalik na kaibigan ay hindi ko mapigilan minsang magpakita ng mga senyales na may gusto ako sa kaniya. Mabuti na lang at hindi niya ito pansin. Sa tingin ko kasi’y parang wala din naman siyang gusto sa akin at hanggang bespren lang talaga ang turing niya sa akin. Oo mahal niya ako…ngunit bilang isang bespren lang at hindi na lalagpas pa dun.         Saklap.         Ang saklap talaga kapag ang gusto mong tao ay hindi kayang ibalik ang nararamdaman mo para sa kaniya. Ang malubha pa diyan ay kapag nahulog na ang puso mo at ayaw nang paawat nito kahit nahihirapan ka na sa sitwasyon.         Hindi naging madali sa akin ang lahat. Nariyan iyong mga pagkakataong nais ko siyang yakapin nang napakahigpit at bigkasin paulit-ulit ang salitang “I love you”. Minsan naman ay natutukso akong sunggaban ng nag-aalab na halik ang kaniyang mapang-akit at mapupulang mga labi. O kaya nama’y himas-himasin ang maumbok na pwetan nito. Nakakahiya man kung isipin pero pinagnanasaan ko siya at nakaka-manyak ang angking ka-gwapuhan nito. Kaya napaka-over protective ko pagdating sa kaniya dahil nagseselos ako kapag may ibang taong umaaligid at nagpapakita ng interes. Mapa-babae man o lalaki.         Ilang beses ko na ring naranasan na parang mababaliw ako sa ka-iisip kung tatapatin ko na ba siya sa aking nararamdaman o hindi. Gustong-gusto kong angkinin at ipagsigawan sa buong mundo na akin lang siya. Gusto kong sabihin kung gaano ko siya ka mahal. Ngunit nag-isip na lang ako ng ibang paraan para maipadama sa kaniya ang pagmamahal ko at maipakitang mahalaga siya sa akin.         Ewan pero hindi ko lubos maisalarawan ang anim na taon sa high school kung wala si Paul. Walang katumbas ang sayang naidudulot ng pagkakaibigan naming dalawa. Kahit na ano mang material na bagay sa mundo ay hindi makakapantay sa kasiyahang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko ang minamahal na bespren. at wala akong pinagsisihan sa samahan namin. Meron man kaming hindi napagkaka-intindihan minsan ay hindi iyon naging hadlang upang lumago ang pagkakaibigan namin.         Hanggang sa dumating ang panahon na kinatatakutan ko…ang mahiwalay sa kaniya.         December pa lang nung malaman ko ang plano nina mom at dad tungkol sa aking pagco-college. Gusto nilang sumunod ako sa mga kapatid ko sa states na doon na naninirahan. Hindi ako pumayag ngunit nanindigan talaga sila sa kanilang desisyon. Ayaw ko naman silang suwayin kaya nakipagsundo ako sa kanilang mag-take ng scholarship exam. Na kapag naka-pasa ako ay hindi na ako pupuntang states at dito ko na lang sa bansa tatapusin ang aking kolehiyo. Noong una ay nag-alangan pa sila ngunit nang lumaon ay napapayag ko din naman.         Pinag-igihan ko naman, subalit sadyang hindi ako pinagbigyan ng pagkakataon.         “O, anak…pa’no bay an eh mukhang masusunod ang plano namin ng mommy mo para sa’yo,” bungad ni dad nung nalaman niyang hindi ako nakapasa. Hindi na ako nakapagsalita pa at hinayaan na lang sila.         “Maghanda ka na at aayusin na namin kaagad ang pagpunta mo sa states,” dagdag pa nito sabay tapik sa aking balikat.         Sobrang nalungkot ako sa naging resulta nung araw na iyon dagdagan pa nang malaman ko na lang kinabukasan na hindi na ako makaka-attend pa ng graduation namin dahil sa araw ding iyon ang aking flight patungong states.         Hindi ko lubos maisip kung paano ko sasabihin kay Paul ang sitwasyon ko. Ayokong malungkot siya sa aking pag-alis ngunit gusto ko ring makapagpaalam sa kaniya nang maayos. Gusto kong bago ako lumisan ay malaman man lang niya ang tunay kong nararamdaman at marinig kung ano ang gusto niyang sabihin na ipapabaon sa akin sa states. Nang sa ganun ay magiging panatag ang loob kong aalis.         Litong-lito talaga ako kung ano ang pwede kong gawin at kung paano ko sasabihin sa kaniya na maghihiwalay na kami ng landas.         Kaya naka-isip ako ng plano kahit hindi ko natitiyak na gagana ba ito o hindi. Bahala na si batman.         Nung nalaman namin ang resulta sa scholarship exam ay naisip kong perfect timing iyon para maisakatuparan ang aking plano. Nahinuha ko kasing habang nasa masayang estado pa ang aking bespren ay mas maiging sunggaban ko na ang pagkakataong iyon.         Gabi kinabukasan, matapos namin malaman ang resulta ay nag-celebrate nga kami. Nung gabing iyon ay sinadya ko talagang bumili ng napakatapang na alak para inumin naming dalawa. Gusto kong malasing para may lakas-loob na maisiwalat ang nais sabihin ng aking damdamin.         A drunk mind speaks a sober heart, ikanga.         Iyon sana ang plano ko ngunit iba ang kinahinatnan. Hindi ko alam kung ano ang ibang sangkap sa ininom namin sapagkat may kiliti akong nararamdaman sa tuwing magkakadikit kami. Biglang nakakapagdulot ng ibayong init sa aking buong katawan na tila nang-uudyok. Pilit kong iwaglit iyon sa aking sistema ngunit sadyang malakas talaga ang impluwensiya nito sa akin.         Nakahiga na kami nun sa kwarto ni Paul matapos naming maubos ang isang bote ng alak na binili ko. Magkayakap kaming dalawa at walang saplot sa pang-itaas gawa nang naiinitan kaming pareho. Alam kong may pagnanasa ako sa aking bespren kung kaya’y kinilig ako nang kaunti sa posisyong iyon ngunit hindi ko lang ipinahalata.         Nasa kahimbingan na sana ako ng tulog nung naalimpungatan ko na lang ang ginagawa ni Paul sa akin. Naramdaman ko na lang na dahan-dahang gumagapang ang mga kamay niya sa aking dibdib at tiyan. Hinaplos-haplos niya ito. Wala akong alam kung bakit niya iyon ginagawa kaya  hindi ko na lang pinansin pa, baka dulot lang ito ng matinding kalasingan at nanaginip lang. Medyo tumagal din ang paghimas-himas niya sa aking dibdib at paminsan-minsang nilalaro ng kanyang mga daliri ang magkabilang u***g ko. Maya-may pa’y bumaba na ang kamay nito sa aking tiyan at binabaybay ang bawat espasyong nakaukit sa pagitan ng aking mga pan de sal. Nakikiliti ako sa kaniyang ginagawa dahilan naman upang magising ang natutulog kong p*********i. Tinitigasan talaga ako saa mga sandaling iyon at hindi ko mapigilan dahil na rin siguro sa buhay na buhay pa rin ang init na dala ng alak sa aking katawan.         Ewan ko ba ngunit sa bawat haplos ng kaniyang mga kamay ay nagdudulot ito ng ibayong sarap at kiliti sa aking katawan. Kakaibang init ang dumaloy sa mga kaugatan ko at tila ba nakukuryente ako na siya namang bumubuhay sa aking diwa. Hindi ko talaga maipaliwanag ang aking naramdaman lalo na’t ang aking bespren ang dahilan na nagdudulot nito sa akin. Gayon pa man, pinilit ko na lang ang sariling huwag gumalaw upang hindi siya magising.         Nagpatuloy lang si Paul sa kaniyang ginagawa at ang buong akala ko’y hanggang doon lang iyon. Nagulat na lang ako nang simbilis ng kidlat niyang ipinasok sa loob ng aking pantalon ang kamay niya. Dinakma ang gising na gising kong alaga na tila galit na galit at gusto nang kumawala mula sa pagkakakulong nito. Hinimas-himas niya ito at mariing minasahe dahilan upang mas lalo pang tumigas. Bumilis ang t***k ng puso ko na animo’y sumali ako sa isang karera ng takbo. Pinagpawisan ako nang husto at hindi mapakali. Hindi ko din mapigilang magpakawala nang pigil na ungol dala ng ginagawang pagmamasahe niya sa tigas na tigas kong p*********i. Nais ko man siyang pigilan ay hindi ko magawa dahil nagugustuhan ko na rin iyon.         “Aaaahhhhh! Aaaaahhhh! Hhhhmmmm!” pag-ungol ko.         Walang tigil na nagsilabasan sa aking bibig ang mga ungol na pinipigilan kong lumakas upang hindi ito marinig ni mama Belen sa kabilang silid na katapat lang sa kwarto ni Paul.         Tumagal iyon ng ilang minuto hanggang sa tila naalipin na talaga ako sa sobrang kalibugan at hindi nakapag-pigil pa. Kumalas ako mismo sa pagkakayakap kay Paul at binuksan ko na ang zipper at butones ng aking pantalon. Pagkatapos ay hinawi ang nakatabon na brief at tuluyan nang pinakawalan ang naghuhumindik kong alaga na kanina pa atat na atat na makawala.         Sa ginawa kong iyon ay natigilan bigla ang aking bespren. tiningnan ko siya at nagulat ako nang maaninag kong nakamulat ang kaniyang mga mata.         Walang kibuan.         Pareho kaming nahinto sa aming ginagawa at nagtitigan lang, nagpapakiramdaman.         Sinubukan kong hukayin mula sa mga mata ni Paul ang kaniyang nararamdaman sa sandaling iyon. Sinubukan kong alamin kung anong ibig sabihin ng kaniyang mga titig. Ngunit bigo akong malaman iyon dahil hindi ko lubos maintindihan  ang mga tingin niya sa akin.         Pakiramdam ko’y biglang natahimik ang buong kapaligiran na tanging ingay lang ng mga hininga namin ang maririnig.         Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.         Hanggang sa ang sumunod na ginawa ni Paul ang siyang nagpasiklab sa apoy na dumadaloy sa aking katawan. Walang pasabi niyang sinunggaban bigla ang mga labi ko. Hinalikan niya ako nang may pananabik at sinuklian ko naman iyon hanggang sa tuluyan na nga kaming naalipin sa makamundong kaligayahan.         Mapusok.         Nag-aalab.         At may pananabik ang halikan naming iyon.         Nagpatuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa kapusin na kami ng hininga. Wala na kong ibang inintindi pa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng damdamin at udyok ng isip kasabay ng mapang-akit na halik ng aking bespren.         Sa gabing iyon ay nagpaalipin kami ni Paul sa tukso ng init at pagnanasa namin sa isa’t-isa. Alam kong libog na libog na rin siya dahil nakita kong naligayahan siya sa ginawa naming p********k. Kinabahan ako sa simula sapagkat unang pagkakataon namin iyong gawin, ngunit sa kalaunan ay napalitan ito ng sarap.         Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahang hatid ng ginawa namin na tila ba ibinayaw ako sa langit sa sobrang sarap na aking naranasan. Hindi ko na inisip pa kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos. Ang mahalaga ay naibigay ko kay Paul ang gusto niya at napasaya namin ang isa’t-isa. Hindi ko akalaing ang gabing iyon pala ang siyang magbibigay sa akinng tunay na alaalang babaunin ko hindi lang sa states kundi habambuhay.         Iyon na rin ang una at huling beses na p********k ni Paul…hanggang sa huli naming pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD