bc

Mirror, Mirror, On The Wall... (Short Story) COMPLETED

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
scary
like
intro-logo
Blurb

Inulit ni Madeilyn ang pagpunas sa salamin gamit ang palad niya, dahilan upang mapaatras siya sa pagkabigla ng hindi alikabok ang masalat niya kundi... dugo.

chap-preview
Free preview
1: SELFIE
Mag-aalas-diyes ng gabi nang matapos maiayos ni Madielyn ang mga dalang gamit sa bagong kuwarto na kanyang nilipatan.  Isang bungalow house iyon na nasa loob ng isang village malapit sa kanyang pinapasukan bilang Manager ng isa sa mga sikat na fast food chain ng bansa. Pagkatapos niyang maiayos ang lahat ng gamit ay pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan niyon. Napangiti siya sa kanyang nakikita. Nakaramdam siya ng pangangati sa katawan kaya ipinasya niyang maligo muna. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng damit pantulog. Hindi pa siya makakatulog dahil basa pa ang kanyang buhok kaya kinuha niya ang cell phone na nakapatong sa kanyang bedside table at nag-log in sa kanyang f******k account. Gusto niyang mag-post roon ngunit hindi niya alam kung ano ang ipo-post niya. Nag-iisip siya nang bigla siyang napatingin sa salamin. Full-length mirror iyon na nasa isang sulok ng dingding malapit sa may bintana.  Sinipat ni Madeilyn ang salamin dahil nawe-weirduhan siya sa pagkakadikit nito sa pader kung saan nakadikit muna ito sa parang poste na gawa sa semento na sa tingin niya ay ilang buwan pa lang ginawa base sa hitsura ng semento. Ngunit pagkaraan ng ilang saglit ay binalewala na lang niya ang isiping iyon dahil baka iyon ang gustong style ng may-ari. At isa pa, iyon lang ang tanging gamit na nadatnan niya kanina nang lumipat siya roon. Kaya laking pasalamat niya at may magagamit siya. Bitbit ang cellphone, dali-dali niyang tinungo ang salamin. Humanap siya ng perpektong anggulo, at nag-selfie roon. "Perfect!" bulalas niya nang makita ang kinalabasan ng kanyang selfie. Napangiti siya habang nagta-type ng caption nito. Mirror, mirror, on the wall. #newapartment #newlife #beforeIgo2sleep #stillalone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
28.4K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.4K
bc

The Young Master's Maid

read
749.8K
bc

The Sex Web

read
134.0K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook