Story By DC Richards
author-avatar

DC Richards

ABOUTquote
- Dreamer sa umaga. Writer sa gabi... - Loves to travel, watching sunrise and sunset, and reading books.
bc
RAINBOWSTRUCK
Updated at Jan 14, 2021, 22:21
“Kapag mahal n'yo ang isang tao, ipaglaban n'yo. Hindi tulad ko, naging duwag kaya bumitaw kaagad.” Iniwan ko si Rham year ago and I never told him why. Basta na lang akong hindi nagparamdam. Basta ko na lang siyang iniwan. Isang araw, muli kaming nagkita. Everything felt right and I still love him. At nang magkaroon kami ng chance na magkasamang muli sa isang isla, I thought it was the perfect time to rekindle our love. This time, desidido na akong ipaglaban ang pagmamahal ko. Handa kong gawin ang lahat mapatawad niya lang ako. Sabi nga nila, great loves deserve second chances, `di ba? Pero paano kung ako na lang pala ang umaasa sa second chance? Kasi `yong taong mahal ko, may nagmamay-ari na sa puso nito… at `yon ay hindi ako. May chance pa ba ako? May chance pa kaya na maging kami... ulit?
like
bc
Mirror, Mirror, On The Wall... (Short Story) COMPLETED
Updated at Nov 1, 2020, 06:28
Inulit ni Madeilyn ang pagpunas sa salamin gamit ang palad niya, dahilan upang mapaatras siya sa pagkabigla ng hindi alikabok ang masalat niya kundi... dugo.
like
bc
Letters, Secrets and Tears
Updated at Oct 21, 2020, 05:45
Madiskarte at lumaki sa hirap si Kiko kaya naman marami siyang alam gawin sa buhay. Pero isa lang ang hindi niya kayang gawin - ang magtapat ng nararamdaman niya para kay Ikya. Hindi niya alam kung saan siya natatakot. Dahil ba sa matalk na magkaibigan sila ni Ikya at ayaw niya itong masira? O dahil mas lalong nawawalan siya ng lakas ng loob magsabi lalo pa't ang palaging bukambibig nito ay si Billy, her ultimate crush. Paano pa siya aamin kung nagkaroon na ng pagkakataon na magtapat si Billy ng pag-ibig kay Ikya? Mananatili na lang bang lihim ang nararamdaman niya o magkakaroon pa nang chance na makapagtapat siya?
like
bc
Ikaw at Linggo (Short Story) COMPLETED
Updated at Oct 10, 2020, 03:10
Trenta na ako ngunit wala pa rin nagkakamaling lalaki sa buhay ko. Kaya naman tuwing Linggo paspas ang pagpapa-fit ko baka sakaling makabingwit na ako. At presto! Dahil nang mapadpad ang mga paa ko sa simbahan, bigla ang pagdating ng grasya sa aking harapan. Aba’y, nakatabi ko ba naman si crush sa upuan. Hmm… mukhang nangangamoy love life, ah. Dahil nang humarap siya sa akin para sa “peace be with you” muntik ko nang masabi ang “I do” dahil sa sobrang kilig na naramdaman ko. Hindi lang pala kailangan magpa-sexy at magpaganda, kailangan ko lang pala ang humiling sa Kanya para makilala siya.
like
bc
Somewhere Between Hello and Goodbye (Short Story) COMPLETED
Updated at Sep 17, 2020, 17:50
I had a crush on Jhaysen when we were in Calaguas. At mas lumalim pa ang pagtingin iyon nang maging close kami dahil sa naging “intimate” naming usapan. Ngunit isang araw bigla nalang siyang hindi nagparamdam. At kahit anong message ko ay hindi na siya nagre-reply. Hindi ko alam kung naging busy siya sa work niya o busy sa pakikipag-chat sa iba. Ngunit sa `di ko inaasahan panahon, sa biglang pagbuhos ng ulan, muli siyang nagparamdam. Kaya ang puso kong nalumbay ngayon ay muling nabuhay. Bumalik uli ang nararamdaman ko nang makita siya. At hindi lang `yon, ha? Dahil may pa-bonus pa siya. Niyaya niya ako sa tinutuluyan niya dahil may “ipapatikim” raw siya. Na-excite ako sa kung anong ipapatikim niya. Dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko talaga siyang “masakama” – I mean, makasama, kaya hindi na ako nagpakipot pa. Hmmm! In fairness sa kanya, mukhang masarap nga ang ipapatikim niya. `Cause standing only inches away from him, I smelled of rain and night, the mix of sweat, darkness, and man. And the warmth of his body made my senses tingle with both need and happiness. Dahil ang taong gusto ko, ngayon ay nakasalo ko sa isang mainit na pagmamahalan. Pero teka lang, may halong pagmamahal nga ba ang namagitan sa amin o puro libog lang? Kasi nang humupa na ang init sa aming mga katawan, bigla na niya lang akong iniwan. May chance pa bang mging kami pagkatapos nang isang mainit na gabi?
like
bc
The Spy Who Loved Me
Updated at Sep 15, 2020, 18:40
Sa gabi kung saan ang buwan ay nakasilip sa mga ulap. Isang panaginip ang dumalaw kay Rasha. Panaginip na siyang pumukaw sa kanyang kapangyarihan – ang makita ang hinaharap maging ang nakaraan. Ang nakaraan na tila umuulit sa kasalukuyan. At sa kanyang kasalukuyan ay makikilala niya ang isang lalaki na may kaugnayan sa kanyang nakaraan. Ang lalaki na siyang magbibigay kasagutan sa mga tanong niya sa nakaraan. At sa hindi inaasahan, isang pag-ibig ang uusbong sa kanilang pagitan. Pag-ibig na pilit hinahadlangan dahil sa nakaambang digmaan. Ngunit isang sandata lang ang pwedeng tumapos sa madugong labanan - ang wagas na pagmamahalan. sa gabi ng kanilang pag-iisa, doon niya matutuklasan, na ang lalaking itinuring niyang kakampi ay isa pa lang… kalaban. Alin ang mas iiral sa kanila? Ang lukso ng kanilang mga puso o ang lukso ng kanilang mga dugo?
like