CHAPTER 12

772 Words
Silent Codes (POV: Soren D’Angelo) Tahimik ang gabi sa D’Angelo Mansion. Ilang beses nang nagpatrulya ang mga security guards, pero alam ni Soren—may kakaiba ngayong gabi. Lumapit siya sa veranda ng opisina, hawak ang baso ng alak. Mula ro’n, tanaw niya ang malawak na hardin at ang ilaw na galing sa mga CCTV tower. Pero mas nauna niyang mapansin… isang anino. “Who’s there?” malamig ang boses niya. Paglingon niya, bumungad si Aviya—naka-uniform bilang bagong security officer. Mahinahon, walang emosyon, pero matalim ang mga mata. “Sir, routine check lang po.” “Routine check, huh?” tinaas ni Soren ang kilay. “Mukhang sobra kang tahimik para sa bagong recruit.” Ngumiti lang si Aviya ng bahagya. “Tahimik lang talaga ako, Governor.” May diin sa salitang Governor, kaya napangiti rin si Soren—’yung tipong halong curiosity at amusement. “Call me Soren. Governor sounds too formal.” “Copy that, Governor.” Nilingon siya ni Aviya saglit bago tumalikod, iniwan siyang nakatayo ro’n—at doon niya unang naramdaman ang kakaibang presensya sa paligid. Hindi lang simpleng guard ang babaeng ‘yon. Pagbalik niya sa loob, tinawagan niya ang private line ng kaniyang right-hand man. “Keep an eye on the new one,” utos ni Soren. “She’s not what she looks like.” Sa kabilang dulo ng linya, isang lalaking boses ang sumagot, “Understood, sir. Pero kung totoo ang hinala mo, baka siya rin ang kailangan natin.” Samantala, sa kwarto ng mga security staff, tahimik si Aviya habang nagtatanggal ng badge. Lumabas sa likod ng locker ang maliit na earpiece—isang encrypted communicator. “Loren, I’m in,” mahina niyang sabi. “Cameras are under control. Pero may problema.” “Let me guess,” sagot ni Loren mula sa kabilang linya. “Nahuli ka ni Governor D’Angelo?” “Not exactly,” tugon ni Aviya, hinahawi ang buhok para ayusin ang earpiece. “Pero naramdaman kong iba siya. Hindi siya basta politiko… may tinatago siya.” Loren: “And so do you.” Ngumiti si Aviya sa salamin, malamig pero puno ng kumpiyansa. “Then this will be fun.” Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Soren. Nasa opisina siya sa loob ng mansion, nakasuot ng puting long sleeves, ang mga dokumento ng probinsya nakakalat sa mesa. Pero sa gitna ng lahat ng papeles, isa lang ang hindi niya maalis sa isip—ang mukha ng babaeng nakita niya kagabi. The new guard… Aviya Quinn. Sa labas ng CCTV monitor, tumigil siya nang mapansin ang kakaiba. Isang camera sa east wing—biglang nag-glitch. Tatlong segundo lang, pero sapat na para mawala sa record ang isang frame. “Interesting,” bulong ni Soren. Tinawagan niya ang head of security. “Boss?” sagot ng lalaki. “Check the east wing feed last night. Someone’s messing with the system.” “Pero sir, lahat ng logs clean—no trace of tampering.” Soren leaned back, a smirk forming on his lips. “Exactly. That’s what makes it suspicious.” Pagkatapos ng tawag, tumingin siya sa bintana. Sa hardin, nakita niya si Aviya—naka-black uniform, naka-pony tail, at hawak ang radio. Tahimik. Masyadong tahimik. Lumapit siya sa pintuan at bumaba sa garden. “Agent Quinn—” saglit siyang natigilan. “—I mean, Miss Quinn.” Nagtaas ng tingin si Aviya, hindi nagpahalata ng kahit anong emosyon. “May kailangan po kayo, Governor?” “Napansin kong magaling ka mag-adjust sa security protocols. Pero sabi ng records, wala ka raw background sa military or private protection training?” Bahagyang ngumiti si Aviya. “Siguro instinct lang po.” “Instinct?” tumawa si Soren, mababa, mapanuri. “Interesting instinct. Kung hindi ko alam masyado kang kalmado para sa simpleng guard.” Lumapit siya nang bahagya, halos magkalapit na ang mukha nila. “Sino ka ba talaga, Miss Quinn?” Ngumiti lang si Aviya, marahang umatras at tumingin diretso sa mga mata niya. “Isa lang akong taong gustong mabuhay ng tahimik, Governor. Pero minsan… hindi tayo pinipili ng katahimikan.” Bago pa siya makasagot, tumunog ang radio sa bulsa ni Aviya. “East Wing clear. Proceeding to next patrol.” Lumakad na siya palayo, iniwan si Soren na nakatayo ro’n—na parang biglang nagising sa isang misteryong gusto niyang tuklasin. Paglingon niya, napansin niyang may naiwan sa damuhan—isang maliit na silver pin, walang mark, pero nakaukit ang isang letra sa ilalim: “Q.” Soren picked it up, tumingin sa langit na nagsisimulang dumilim. “Quinn… so that’s your secret.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD