Makatapos ang pananghalian, nagpunta sina Gracie at Lance sa kapitbahay.
“Kailangan mo ba talagang magbihis nang bongga kahit sa kapitbahay lang naman tayo papunta?” tanong ni Lance habang nakasunod sa kapatid.
“I told you, it’s a reenactment of my recital. Of course, I have to wear the same clothes,” sabi naman ni Gracie.
Huminto si Gracie sa tapat ng bahay at saka pinindot ang doorbell.
”Dito lang nakatira yung Ate Sam mo?” tanong ni Lance.
Pamilyar ang hitsura ng bahay na ito—ngunit malabo na sa alaala niya.
Ilang saglit lang ay lumabas si Sam—naka-facemask pa rin ito at anti-rad eyeglasses. Binuksan niya ang gate at saka sila pumasok na tatlo. May kalakihan ang bakuran, bungalow style ang mismong bahay.
Ang bungad kaagad dito ay ang malaking piano. Isang piano na hindi basta-basta nakikita kung saan. Manghang-mangha si Lance sa nakita, pero pilit niyang hindi ipinahahalata.
“Alright, Ate Sam, Kuya, have a seat and watch me.” Nakangiting sabi ni Gracie.
Para silang VIP sa exclusive recital ng bata. Nagsimulang tumugtog si Gracie at wala siyang kaba-kabang naramdaman. Nakangiti siyang tumutugtog samantalang hindi naman maitago ni Lance ang saya na nararamdaman niya dahil sa pagtugtog ng kapatid.
Sa kalagitnaan ng kanta ay naalala niya na naman si Leiah, ngunit ‘di tulad ng kaibigan ay medyo may bigat ang pagpindot ng bata sa keys. Sa isip ni Lance ay siguro masyadong mabigat ang piano para kay Gracie.
Tumugtog si Gracie ng isang classical at isang modern na piyesa. Proud na proud siya sa sarili niya.
“Magaling! Puwede ka na,” sabi ni Lance habang pumapalakpak.
“Thanks!” sabi ni Gracie. “That’s how well I performed sa recital.”
“Buti naman,” biro ni Lance.
“Ah, Ate Sam, didn’t I tell you na marunong si Kuya tumugtog?”
“Oo,”
“Kuya, why don’t you play for us. Kahit maiksi lang,” hiling ni Gracie.
Napatingin si Lance kay Sam, at tumango naman si Sam sa kanya. Nagalinlangan si Lance pero naupo siya sa harap ng piano.
Una niyang naisip tugtugin ang paborito nila ni Leiah.
Natunugan agad ni Sam ang piyesang ‘yun.
“Wait,” pigil ni Sam kay Lance. “Where did you hear that from?”
“Huh?” Huminto si Lance. “Sa radyo.” pagtatakha ni Lance. “Paborito ko ‘to eh.”
“Gracie,” hinawakan niya ito sa mukha, “Do you want to swim?”
Tumango kaagad ang bata.
“Kuha ka ng gamit mo, and then let’s go to the pool.”
“Sure!” masayang-masayang sabi ni Gracie.
Nang makalabas si Gracie ay biglang uminit ang ihip ng hangin.
“Be honest. Kanino mo narinig yang kanta na yan? Hindi yan ganyan patugtugin sa radiyo.” Madiing tanong ni Sam kay Lance.
Tumayo si Lance, “I told you miss, paborito ko yun.”
“My sister is the only one who plays that song that way. That…” buntong hininga ni Sam. “That’s her rendition.”
Napaisip si Lance. Kay Leiah niya narinig ang tugtog na iyon.
“Yung kaibigan ko, ganyan niya rin ’yan tugtugin.” Buntong hininga ni Lance.
“Does she look like me?”
Naguluhan si Lance.
“I was blind when I heard that. I just know how it sounds. Hindi ko alam ang hitsura niya.” Malungkot na sinagot ni Lance ang tanong. “Besides, naka-facemask ka. How would I even know?”
Natahimik sila sandali.
“Lance?”
Si Pastor Sam, nasa pintuan.
“Pas?” gulat ni Lance. “Ah, dito po kayo nakatira?”
Agad siyang nilapitan ng pastor at niyakap.
“Masaya ako at nakakakita ka na, Lance.” Bumitaw ang pastor at saka tinapik ang ulo ni Lance.
“Ako din po eh!” tawa ni Lance.
“Mukhang magkakilala naman na kayo, noh?” turo ng pastor kay Sam.
“Ah, parang gano’n na nga po.”
“Si Samara Lejandra, anak ko. Kakambal ni Leiah. Anak, si Lance Jacob, kaibigan ni Leiah.”
Parehas silang hindi nakaimik.
“I know,” umiwas ng tingin si Sam. “He’s so damn annoying…” bulong niya sabay alis. “I’ll fetch Gracie.”
“Ano daw?” napatanong si Lance.
“Hijo,” napakalalim na pagbuntong-hininga ni Samuel. “May kailangan akong sabihin sa’yo.”
“Sige po, ano yun?” inosenteng tanong ni Lance.
Hindi nagsalita si Samuel. Lumakad sila papunta sa likod ng bahay. May pool doon. Nakakasilaw ang liwanag na tumatama sa tubig. Sa kabilang dulo ay may maliit na gazebo. Doon ay parang may malaking larawan at kulay puting urn.
Mabilis ang paghakbang nila, ngunit parang mabagal ang usad at napakalakas ng kabog sa dibdib ni Lance.
“Pas?” kinakabahan niyang pagtawag.
Huminto si Sam sa may tapat ng gazebo. May kinuha siya mula sa bulsa niya.
“Halika dito, Lance.” Ngumiti ang pastor.
Dahan-dahang lumapit si Lance, “Pas, anong nangyari kay Leiah? Sa’n siya pumunta?” Hindi niya naiwasang hindi manginig ang boses.
Iniabot kay Lance ang isang sobre na may lamang sulat. Itinuro ni Samuel ang larawan sa may gazebo. “Lance, si Leiah.”
Humakbang si Lance papasok sa gazebo. Larawan ng isang napakagandang babae, mala-anghel ang mukha at katulad ng sinabi ni Leiah noon, maputla at mahaba ang buhok.
Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Lance habang nakatingin sa napakalaking larawan na iyon. Walang imik si Lance kundi ang humikbi. Halos malukot ang hawak niyang sobre.
Hinayaan ni Samuel ng ilang minuto ang pag-iyak ni Lance.
“Hijo, masaya si Leiah kung nasaan siya ngayon.” Sabi ni Samuel habang inaalo si Lance. “Sadyang maiksi ang buhay niya, pero masaya siya kahit ganoon.”
Hindi makatigil sa pag-iyak si Lance kahit pigilan niya.
“Maagang-maaga noong linggo nang nawala siya. Alam mo, isang buwan siyang nagsasalamin sa mata para maalagaan daw ang mata niya. Gusto niyang maayos ang matang ibibigay niya sa’yo. Ingatan mo, hijo.” Tinapik-tapik ni Samuel si Lance sa balikat. “Iwanan muna kita rito. Kung kailangan mo ng kahit ano, nasa loob lang ako.”
Naiwanan doon si Lance. Mas lumapit pa siya sa larawan. Napansin niya ang urn na kulay puti—, alabastro ang kulay nito. Paboritong kulay ni Leiah. Dahan-dahan niyang kinuha ang urn na iyon. Lalo siyang napaiyak at napayakap sa urn.
Walang ibang pumapasok sa isip ni Lance kundi ang pagtugtog ni Leiah.
Matapos ang mahabang minuto ng pag-iyak niya ay inilapag niya ang urn kung saan ito nakapatong. Tiningnan niyang muli ang sobre na halos malukot niya.
“From Leiah. To Lance.”
(To be continued)