The Letter

1222 Words
“From Leiah. To Lance,” pagbasa ni Lance sa isip. Kinuha niya ang sulat mula sa sobre. Huminga siya nang napakalalim, saka binuklat ang nakatuping papel. ‘Hi, Lance Jacob! I hope you are not crying when you read this. I’m sure na wala na ako habang binabasa mo ‘to. I’m sorry if you have to find it out this way. At first, I just thought of trying to know you since I heard na may patient na kailangan ng cornea transplant. When you entered the chapel the first time, I was actually crying. That day, I found out that I only had 2 weeks to live. My other organs, except for my heart, were too weak to make it another year. But by the grace of the Lord, I made it for another month. Thank you because it feels like you helped me last another month. I took extra care with my eyes so it would be very clear when you get them.’ Napatakan ng luha ang sulat. ‘Please take care of Samara for me. I’ll really be at peace if she finds her way to God as you did. I cherish you as a brother and friend. Your music buddy, Galileiah Serene Abellonzo—Leiah for short.’ Matapos mabasa iyon ni Lance ay dahan-dahan niyang ibinalik sa sobre ang sulat, saka ulit siya tumingin sa larawan. “Leiah.” Buntong-hininga niya, “This… is…” Hindi siya makatapos ng kahihikbi. “Lance.” -kaboses iyon ni Leiah. Sandaling nawala sa ulirat si Lance at napatayo sa pag-aakalang narinig niya si Leiah. Ang babae ay halos nakasimangot dahil sa sobrang liwanag, liban pa doon ay hindi nagsasalita si Lance. Napailing si Lance, pilit na pinakakalma ang isip. Tumingin siya sa larawan, tapos ay sa babae. Magkamukhang magkamukha ang dalawa, liban sa kulay ng buhok ng babae sa harap niya ay itim at nakasalamin ito. “So, you got my sister’s…” Napahinto siya. “Cornea.” Pinunasan ni Lance ang mukha, “Sorry. Yeah. I did.” “I heard you guys were friends.” Sabi pa niya. “Leiah is very nice to everybody. It’s not impossible for her to befriend you.” “True.” Tumango si Lance. “Sorry, I’m not okay right now.” “Kuya!” patakbo si Gracie sa kuya niya. “Ate Sam?” “Uuwi muna ‘ko,” sabi ni Lance. “Huwag kang makulit dito.” Naiwanan sina Gracie at Sam sa pool at umuwi naman si Lance. Hindi na nakausap si Lance. Dire-diretso siya sa kwarto niya. Kinahapunan noon ay pumunta si Sam kina Gracie. Naghahanda ng pagluluto noon si Jenny habang nasa salas sina Gracie at Sam para mag-review. Binigyan ng maiksing test ni Sam si Gracie. Habang hinihintay niya itong makatapos ay tumayo siya sandali. Napansin niya ang isang kulay pink na music box. Kinuha niya ito at inobserbahan. “Gracie, whose this?” habang kinakalog-kalog ang music box. Hindi narinig ni Gracie ang tanong dahil busy siyang magbilang. Tiningnan muli ni Sam ang music box na parang may alaala siya nito. Tumingin siya sa pulseras niyang suot. Isa sa mga nakasabit sa pulseras niya ay maliit na susi. Matagal na niyang iniisip kung bakit may susing hindi naman kamukha ng dekorasyon ang kasali sa pulseras. Hinubad niya ang pulseras niya at hinawakan ang maliit na susing iyon. Kasalukuyang bumababa sa hagdanan si Lance. Kinakaladkad ang paa. “Mama, punta lang ako sa kapitbahay. Ibibigay ko lang ‘tong pinapabigay ni—” Hindi niya natapos ang sinasabi. Natigilan siya sa pagsasalita’t napabilis ang pagbaba patakbo sa salas. Napahinto si Sam nang makita si Lance at dali-daling isinara ang music box. “Bakit nasa ’yo ‘to?” tanong ni Sam, hawak ang music box. Agad na lumapit si Lance at inagaw ang music box, “Because this is mine. Pa’no mo ‘to nabuksan?” “Apparently using a key.” Sagot ni Sam habang hawak ang susi na nakakabit sa pulseras. Napailing si Lance. Natatawa. Naalala niya na kung kanino galing ang music box. Isang batang babaing tinulungan niyang makauwi nang mawala ito sa subdivision nila. Bilang pabuya ay ibinigay ng bata ang music box. “This isn’t funny, Lance,” sambit ni Sam. “I know this music box.” “Sa akin nga ‘to,” ulit ni Lance. “Give it back.” Demand ng babae. Natawa naman bigla si Lance dito. Umiling-iling ito, sabay balik sa hagdan. “Hey!” Inis na tawag ni Sam. “Lance, Sam?” Awat ni Jenny galing sa kusina. “Bakit, hija?” “Kinuha niya po yung music box ko.” Sagot ni Sam. “Mama, sa’kin to. Iniwanan ko lang sa baba, naging kanya na?” balik ni Lance. “I’ve got the key to it. Sa akin 'yan. Matagal ko na ’yang hinahanap.” Sabi pa ni Sam. “Mrs. Bautista, sa akin po yun. 1000% sure po.” “Sige,” bulong ni Jenny. “Kakausapin ko. Dito ka na mag-dinner, Sam.” Tumango si Sam at saka naupo ulit sa tabi ni Gracie. ‘If he has that music box, that means… he… He’s that guy! Why is this happening?’ Kunot noo niyang sabi sa sarili. ‘Leiah did this on purpose. Why is she like that?’ Pilit na pinipigilan ni Sam ang maiyak. Dumating ang hapunan at sobrang awkward ng naramdaman ni Sam. She thinks it’s a bad decision to stay for dinner after all. “Mukhang maghapon ka na namang kinulit nito ni Gracie, Sam,” sabi ni Lester. “Ok lang po. Wala naman po akong ginagawa eh,” sagot ni Sam. “Thank you, ah, nakakalibre ng tutor ’tong si Bunso,” dagdag pa ni Lester. “It’s totally fine.” “Well, you can’t blame me. Kuya was hospitalized, and that left me with Ate Sam,” sagot ni Gracie. Napasimangot lang si Lance. “I didn’t know that Kuya is close to Pastor Samuel. It looks like Kuya also knows Ate Sam’s twin,” Sabi pa ng bata. “Ah, Gracie, si Pastor kasi ay madalas doon sa ospital kung nasaan si Kuya.” Sabi ni Jenny. “Ang daldal mo,” sabi ni Lance. “Kumain ka nga lang.” “Lance,” awat ni Jenny. “Gracie, kumain ka ng gulay. Ikaw din, Sam, ‘wag ka mahiya.” Napatahimik ang paligid. Napapabilis ang paggalaw ni Lance sa kanang binti. Hanggang hindi na siya makapagtimpi, hindi magsalita. “Pa’no napunta sa’yo yung susi ng music box ko?” tanong ni Lance kay Sam. Sam scoffed, “You mean my music box?” ngisi niya pa. “The key was attached to my Pandora bracelet. So, my key. My music box.” Tumawa rin si Lance, “The music box is here. My place. My music box.” Naguguluhan si Lester sa nangyayari. “Oy, oy, hindi maganda ’yang nag-aaway sa hapagkainan ah. Baka…” natawa si Lester. “Nako, diyan nagkatuluyan ang lolo’t lola ko. Tssk tssk.” Biro nito. Pigil na pigil ang inis ni Lance at minamadali ang pag-ubos ng pagkain sa pinggan niya. Pagkakain ay naghugas na ng mga plato si Lance at inihatid naman ni Gracie si Sam sa kabilang bahay. (To be continued)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD