Chapter Four

2225 Words
      “YOU’RE not supposed to be here, Odessa. I know you’re a smart woman pero bakit hindi mo maintindihan ang sinabi ko sa iyo before na huwag ka nang magpapakita sa anak ko?” Mahinahon pero nakataas ang isang kilay na sabi ni Debbie sa babaeng kaharap niya. Hindi niya inaasahan ang pagpapakita ni Odessa sa tahanan nila. Almost five years na ang nakalipas ng huli niya itong makita at hinding-hindi niya makakalimutan ang pangyayaring iyon… Kinausap ni Debbie si Odessa sa cellphone upang makipagkita dito sa isang coffee shop ng gabing iyon. Pagdating ng babae ay agad niyang sinabi ang gusto niyang sabihin dito. “Layuan mo na ang anak ko, Odessa.” Diretsong turan niya. Bumakas ang pagtataka sa magandang mukha ngunit payat ni Odessa. “T-tita? What are you talking about? Akala ko ba ay gusto ninyo ako para kay Benedict? Bakit pinapalayo ninyo ako sa kaniya?” Naguguluhan nitong tanong. Si Odessa ay ang nobya ng kaniyang anak. Dalawang taon na ang relasyon ng mga ito at hindi siya tutol doon. Kahit pa sabihing hindi nila kasing-yaman ang pamilyang pinanggalingan nito. “Because you’re dying! Ayokong malungkot ang anak ko kapag namatay ka kaya mas mabuting iwanan mo na siya habang maaga pa.” “Paano niyo po nalaman?” Gulat nitong tanong. “I have my ways, Odessa. Hindi mo pwedeng itago sa akin at sa anak ko na may sakit ka! Napansin ko na namamayat ka kaya pina-imbestigahan kita. Now, I want you to leave my son!” “P-pero, tita—” Isang envelope ang inilabas niya at itinapon sa lamesa na nasa gitna nila. “Bibigyan kita ng pera para sa medication mo. You need that kaya huwag mo nang tanggihan. Alam kong malapit nang ma-bankrupt ang business ninyo dahil sa pagpapagamot mo ng brain cancer mo. Makipaghiwalay ka na sa anak ko. Naiintindihan mo ba, Odessa? Gusto ko lang protektahan ang damdamin ng anak ko. Alam kong maiintindihan mo ako.” Iyon ang naging huling pag-uusap nila ni Odessa. Tinanggap nito ang perang binigay niya at nakipag-break agad ito kay Benedict. Isang linggo lang umiyak si Benedict at naka-move on na agad ito. Kesa naman sa umiyak ito ng ilang taon kapag namatay si Odessa habang nobya pa ito ng anak niya. Kaya nag-isip agad siya ng paraan upang hindi gaanong masaktan ang nag-iisang niyang anak at nagtagumpay naman siya. Ang balita niya ay nagpunta sa ibang bansa si Odessa at doon pilit na nagpapagaling. Matapos iyon ay wala na siyang narinig pa dito dahil hindi na rin siya interesado. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang bigla itong sumulpot sa bahay nila. Upang hindi magkaroon ng kaguluhan ay siya na lang ang humarap dito. Sa may library sa itaas niya ito dinala. “Magaling na ako, Tita Debbie. Almost three years na akong cancer-free! Ginamit ko ang pera ninyo sa pagpapagamot ko. Kahit tinaningan na ang buhay ko ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagpagamot pa rin ako and miracles do happened!” Maluha-luha pa ito habang nagkukwento. “Hindi nga lang ako agad nakabalik dahil ang gusto ko ay karapat-dapat ako kay Benedict kapag binalikan ko na siya. Kaya nag-aral ako sa Canada hanggang isang talent scout ang nakakita sa akin. Kinuha niya akong ramp model ng isang sikat na clothing line, tita. And now, I’m back… for good.” Huminga nang malalim si Debbie. “Wala ka nang babalikan. Ikakasal na si Benedict. Siguro kung bumalik ka nang mas maaga baka pwede pa kayong dalawa. Pero it’s too late, Odessa. Alam mo naman ang daan palabas. You can leave now,” aniya at tumayo na siya mula sa kaniyang kinauupuan. Lalabas na sana siya ng library nang habulin siya ni Odessa. Humarang ito sa harapan niya. “Tita!” Nagulat siya nang bigla itong lumuhod sa kaniyang harapan at niyakap siya sa isang binti. “What are you doing, Odessa?!” “Please, tita! Mahal na mahal ko si Benedict. I can’t live without him. Nagpagaling ako para sa kaniya. Parang awa niyo na, huwag ninyong hayaan na makasal siya sa iba!” “Odessa!” Hindi makapaniwalang turan niya. “Magaling na ako, tita! Hinid na ako mamamatay!” “I said, ikakasal na si Benedict—” “Pwede ninyong pigilan iyon, tita. Please!” “Tumayo ka diyan at magtira ka ng kahihiyan sa katawan mo!” Mariin niyang bulalas. “Mahal ni Benedict si Faith at hindi ako tanga para sumunod sa gusto mo. Alam mong ang kaligayahan ng anak ko ang priority ko dahil nag-iisa lang siya. Hindi ka na mahal ni Benedict. Mag-move on ka na lang!” Malakas na ipiniksi ni Debbie ang kaniyang hita kaya nabitawan iyon ni Odessa. Napahagulhol na lang ito. Walang lingon-likod na nilisan niya ang library. To be honest, boto siya noon kay Odessa pero simula nang malaman niyang may sakit ito at maaaring mamatay ay nagbago ang lahat. Kinailangan niyang ilayo ito kay Benedict upang hindi gaanong masaktan ang kaniyang anak.   ODESSA Alegre? Sino kaya ang babaeng iyon? Nang banggitin ng kasambahay ang pangalan ng babaeng iyon ay napansin ni Faith ang pag-iiba sa mood ng mag-inang Debbie at Benedict. Naging balisa ang dalawa at hindi agad nakapagsalita. Tapos, parang nataranta pa si Debbie dahil ito na lang ang humarap doon sa Odessa. Sa pagkakadinig niya ay mag-uusap ang dalawa sa library sa itaas. Napansin din niya na parang gustong sumama ni Benedict sa nanay nito. Kaya lang parang hindi pumayag si Debbie. Bakit kaya? Sino nga kaya si Odessa Alegre? “Ang sarap naman nitong buttered shrimp! Ang lalaki ng hipon! Mag-uuwi tayo nito, mother, ha?” Narinig niyang bulong ni Ederlyn kay Pearl. “Oo. Dinala mo ba iyong mga tupperware?” “Yes naman, mother. Hindi ko pwedeng kalimutan ang mga iyon!” At humagikhik pa si Ederlyn. Totoong masarap ang lahat ng pagkain kaya lang hindi niya iyon ma-enjoy dahil nababahala siya doon sa Odessa Alegre. Bakit kasi may kutob siyang kunektado ang babaeng iyon kay Benedict? Kanina pa kasi tahimik si Benedict at tamilmil kumain simula nang marinig nito ang pangalan ni Odessa. May kakaiba, e. Nararamdaman niya… Maya maya ay bumalik na si Debbie. “Sorry kung medyo natagalan ako. Did I miss something?” Malaki ang pagkakangiti nito nang umupo na ito. Walang sumagot dito. “Ang tahimik niyo naman yata.” “Mommy, nasaan na si Odessa?” Mahinang tanong ni Benedict dito. “Umalis na siya. Nagmamadali nga, e. Ewan ko ba sa pinsan mong iyon. Bigla-bigla na lang dumadating nang walang paalam. Anyway, kumain na tayo ulit!” Pinsan lang pala iyon ni Benedict. Mukhang wala naman pala akong dapat ipag-alala, aniya sa kaniyang sarili.   NAGING maayos ang dinner ng pamilya ni Benedict sa pamilya ni Faith. Napag-usapan nila ng maayos ang magaganap na kasal. Natutuwa din siya na tanggap na ng mommy niya ang pamilya ni Faith at maging ang kaniyang mapapangasawa. Iyon naman ang mahalaga para sa kaniya. Pagkatapos ng dinner ay umuwi na rin sina Faith. Ipinahatid na lang niya ito sa driver nila dahil parang hindi na niya kayang mag-drive. Magulo ang utak niya at iyon ay dahil sa pagbabalik ni Odessa. Alam niyang hindi siya makakatulog sa pag-iisip kaya nagpunta siya sa mini bar ng kanilang bahay upang uminom mag-isa. Bakit ka pa bumalik, Odessa? Ano ba ang kailangan mo? Tanong niya sa sarili. Nagkakilala sila ni Odessa noong high school pa lang silang dalawa. Nag-transfer ito sa kanilang school. Noon pa man ay crush na niya ito dahil sa maganda ito at matalino. Bukod doon ay nakita niya rin na isa itong matatag at matapang na babae. Gusto niya talaga ang ganoong babae kaya nga nagtataka siya kung bakit siya nagkagusto kay Faith. Mahinhin kasi si Faith at talagang mabait. Hindi ito outgoing katulad ni Odessa. Niligawan niya noon si Odessa pero hindi siya nito sinagot dahil ayaw pa daw nitong magkaroon ng boyfriend. Iginalang niya ang desisyon nito. Grumaduate sila ng high school at nagkahiwalay ng tumuntong sa college dahil magkaibang school ang kanilang pinasukan. Simula noon ay wala na siyang naging balita pa dito. Nagkaroon siya ng ibang girlfriend pero hindi nagtatagal. Puro paglalaro lang ang ginagawa niya sa relasyon. Hanggang sa magkaroon sila ng high school reunion. Muling nagkrus ang landas nila ni Odessa at parehas silang single. Sa pangalawang pagkakataon ay niligawan niya si Odessa at nagtagumay siya—sinagot siya nito! Naging maganda ang unang taon ng kanilang pagsasama. Ngunit pagkatapos ng first anniversary nila ay tila nagbago na ito. Napansin niya ang panlalamig nito at paglayo ng sarili nito sa kaniya. May kakaiba din sa pisikal nitong anyo. Pumapayat ito at parang may sakit. Kapag tinatanong naman niya ay palagi nitong sinasabi na ayos lang ito. Nagda-diet lang ito para sa isang TV Ad na gagawin nito. At sa pagtuntong ng relasyon nila sa pangalawang taon, halos hindi na ito nagpapakita sa kaniya. Hanggang nagulat na lang siya nang makipag-break ito sa kaniya. Ang dahilan nito ay magtatrabaho at mag-aaral ito sa ibang bansa. Hindi daw nito kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral sa relasyon nilang dalawa. Masakit para sa kaniya ang ginawa ni Odessa. Ayaw niyang makipaghiwalay dito pero wala na siyang nagawa. Umalis ito ng bansa ng hindi man lang niya alam. Nalaman na lang niya sa pamilya nito na wala na ito. Ilang linggo ang lumipas at doon na niya nakilala si Faith. Hindi niya alam kung bakit nagkagusto siya sa isang babaeng malayo sa dream girl niya. Ganoon nga yata ang pag-ibig—tatamaan ka sa taong hindi mo inaasahan. Malaki ang naging tulong ni Faith para makalimutan niya si Odessa. Niligawan niya ito at naging sila. Dahil sa pagmamahal ni Faith ay tuluyan nang nabuo ang puso niyang winasak ni Odessa noon. Ngunit sa pagbabalik ng ex-girlfriend niya, bakit parang naguguluhan siya? Bakit parang may pagdadalawang-isip nang nangyayari kung itutuloy pa ba niya ang kasal niya kay Faith. Hindi naman sa ayaw na niyang magpakasal dito. Gusto muna sana niyang i-postpone para makapag-isip siya. Gusto niya rin na magkausap sila ni Odessa. Marami siyang nais na itanong dito katulad na lang ng bakit ito nagbalik ngayon. Nagsasalin na siya ng alak sa baso nang may marinig siyang yabag ng sapatos na papalapit sa kaniya. Nalaman niyang ang mommy niya iyon nang makita niyang umupo ito sa upuan sa tabi niya. “You’re drinking because of Odessa…” Kumuha ito ng sariling baso at nagsalin din ng alak. “Anong napag-usapan ninyo? Bakit hindi mo ako pinayagan na makausap siya, mommy?” “Anong gusto mo? Hayaan kitang kausapin ang ex-girlfriend mo habang kasama mo ang babaeng papakasalan mo? Baka magkagulo. Iniiwasan ko lang na may ganoong mangyari.” “Hindi ba’t pinalabasa ninyo kay Faith na pinsan ko si Odessa?” “Like I told you, umiiwas ako na magkagulo.” “Anong sinabi sa inyo ni Odessa?” Huminga nang malalim ang mommy niya sabay inom ng alak sa baso nito. “Ayoko nang magsinungaling sa iyo, Benedict, dahil alam kong malalaman mo rin ito dahil nagbalik na si Odessa. Sasabihin ko na sa iyo ang dahilan kung bakit ka hiniwalayan noon ni Odessa…” Gulat na gulat na napatingin siya dito. “A-anong sabi mo?” “Nalaman ko na may brain cancer noon si Odessa at hindi niya iyon sinasabi sa ating dalawa. Kaya nang malaman ko about her health condition and she’s dying, naisip ko ikaw.” Tumingin ang mommy niya sa kaniya habang hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. “Kinausap ko si Odessa. Sinabi ko na hiwalayan niya ikaw dahil ayokong masaktan ka kapag namatay siya. I gave her money para layuan ka niya. Tinanggap niya iyon at nakipag-break siya sa iyo. Umalis siya at ginamit niya ang pera na pampagamot. Ang sabi niya, bumalik siya dahil magaling na siya. Gusto ka niyang balikan, Benedict. At sinabi ko sa kaniya na huli na ang lahat dahil ikakasal ka na.” Ganoon na lang ang pagkabigla ni Benedict sa kaniyang nalaman. All this time, alam pala ng sarili niyang ina kung bakit siya iniwan ni Odessa at hindi man lang nito sinabi. Ito rin pala ang dahilan kung bakit umalis si Odessa! Nangilid ang luha sa mata ni Benedict. Halos sumabog na ang ulo niya ng sandaling iyon. “B-bakit ninyo iyon nagawa, mommy?!” May hinanakit niyang tanong. “Dahil ayokong masaktan ka! I’ll just protecting you. Isa pa, kung hindi ko iyon ginawa, hindi mo makikilala si Faith. Saka hindi natin sigurado kung magaling na ba talaga si Odessa. Kay Faith ka dapat. Siya ang nararapat sa iyo, anak!” Napailing na lang si Benedict. Hindi na niya alam ang kaniyang sasabihin. Ngayong nalaman na niya ang totoong dahilan ni Odessa kung bakit siya nito iniwan ay parang naaawa na siya ngayon dito. Inabot ni Debbie ang isa niyang kamay. “Ang kasal niyo ni Faith ang pagtuunan mo ng pansin, Benedict,” anito habang nakatingin sa kaniya. Binawi ni Benedict ang kamay niya at masama ang loob na umalis sa mini bar. “Benedict! Where are you going?!” Habol na sigaw ng mommy niya pero hindi na niya ito pinakinggan. Tuloy lang siya sa paglalakad palayo dito. Gusto muna niyang umalis para makapag-isip. Masama kasi ang loob niya sa mommy niya dahil sa pag-amin na ginawa nito sa kaniya. Hindi na nagpalit ng damit si Benedict. Dumiretso na siya sa kaniyang kotse at nagdrive. Ang una niyang tinawagan ay ang kaniyang kaibigan na si Jonas. Iyon lang naman ang pwede niyang makausap na makakaintindi sa kaniya ngayon dahil wala siyang inililihim dito. Sa condo unit siya nito pumunta. Mag-isa lang itong naninirahan doon. “Akala ko ba ay may dinner kayo ngayon nina Faith. Bakit nandito ka, bro?” Iyon ang salubong ni Jonas sa kaniya pagdating niya. “Kanina pa natapos ang dinner. May alak ka ba? Mag-inom tayo,” aniya pagkaupo sa sofa. Unti-unting ngumiti si Jonas. “Oh… May problema ka. About what?” curious nitong tanong. “Si Odessa. She’s back.” “You’re ex-girlfriend?” Gulat nitong tanong. “Teka, teka… Magandang usapan iyan, a. Sandali lang at kukuha lang ako ng alak at pulutan. Mahaban-habang usapan ang mangyayari panigurado!” Excited na turan ni Jonas at nagmamadali itong pumunta sa kusina para kumuha ng alak at pulutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD