Ilang araw lang din ay tiyempong nagkasabay sila ng baklang kaibigan na magkaroon ng off sa trabaho. Sinamantala nila iyon para makapag bonding. Perfect timing na rin iyon para gawin ang binabalak nitong pag-aayos sa buhok ni Samantha.
Mula sa kanto ng eskenita ng tinitirhan ay sinundo nito ang babae para dalhin sa bahay nito at doon gawin ang pag-rebond nito ng buhok. May dala naman na si Sam na mga pagkain para sa maghapon nilang bonding ng kaibigan.
Inilibot niya ang paningin sa loob ng maliit na bahay na inuupahan ng bakla nang makapasok na siya sa bahay nito. Mag-isa lang itong nangungupahan sa isang apartment na masasabi niyang maganda naman, kumpleto ito sa gamit.
“Yayamanin ka pala bakla ha!” puna niya sa mga gamit nito sa sala at kusina.
“Mumurahin lang ang mga yan ateng, para lang mapaganda ang munti kong tahanan,” anito.
“Halika na at simulan na natin ang pagre-rebond sa buhok mo, ilang oras din dapat nakababad ang hair mo sa gamot,” kinawayan nito si Samantha para maupo na sa upuang nasa harapan nito.
Lumapit naman ang babae at umupo agad sa maliit na upuang gawa sa kahoy.
Kinuha nito ang suklay at marahan ng sinuklay ang lampas na balikat na curly na buhok ni Samantha nang may mapansin ito.
“Ano yan?” hinablot nito ang nakalitaw na tila makapal na floral na garter na pang-ilalim na suot ni Sam sa suot suot na jeans.
Napatayo si Samantha sabay takip sa likuran.
“Nakasuot ka ng shorts sa ilalim ng pantalon mo?” natatawang tanong ng bakla.
“Oo. Eh, ano naman ngayon?” simangot niya. Alam niyang makakatanggap na naman siya ng pang-ookray dito.
“Ateng naman, hindi na kailangan magsuot ng shorts kapag magsusuot ka ng jeans!” sinundan nito iyon ng pagkalakas lakas na tawa.
“Eh gusto ko magsuot ng shorts eh, pakealam ba ninyo! Feeling ko kasi parang nakahubad ako kapag hindi ako magsuot ng shorts,” dipensa niya.
“Oh my God ateng! Maloloka na talaga ako sa iyo!” umiiling iling ulit ito.
Sinimulan na nito ang first session sa pagbababad ng gamot sa buhok nito. Tumagal ito ng isang oras, pagkatapos banlawan at patuyuin gamit ang hair dryer at hair iron ay inulit ulit nito ang proseso ng pangalawang beses. Habang naghihintay sa isang oras na pagbabad ulit ng buhok nito ay kumain muna sila ng tanghalian. Pagkatapos, nang mabagot si Sam ay nilibot ulit nito ang apartment ng kaibigan, this time pumasok na ito sa sarili nitong kwarto.
Pink na pink ang kulay ng dingding ng kwarto nito na pinartneran ng kulay purple na kurtina, babaeng babae ang pagkakaayos ng kwarto nito na ikinatuwa niya.
Naglibot pa siya at tiningnan ang mga kung ano anong palamuting nakalagay doon nang matuon ang paningin niya sa drawer nito sa tabi ng higaan. Humagalpak siya ng pagtawa sa nakita sa loob ng drawer. Puno iyon ng magazine na puro naka brief lang ang suot ng mga lalake.
Mabilis na isinarado iyon ni Jonas.
“Hoy! Private property na iyang tinitingnan mo!” mataray nitong sabi.
Hindi pa rin matigil sa kakatawa si Sam. “Bakit ang dami mong magazine na ganyan?” mangiyak ngiyak ito sa kakatawang tanong.
“Iyan lang ang mga kayaman ko noh! Gusto mong tingnan?” pag-iengganyo nito sa kaharap.
Bigla itong tumigil sa pagtawa sa gustong ipagawa sa kanya ni Jonas. “Ayoko nga, virgin pa ang mga mata ko sa mga ganyang bagay noh!” iling nito sabay lakad palabas ng kwarto. Natatawa lang na sinundan siya ng bakla.
Ilang sandali pa ay binanlawan na ni Jonas ang buhok nito at pagkatapos alisin ang excess na tubig sa buhok nito gamit ang tuwalya ay sinimulan na nitong i-hair dry at plantsahin ang buhok ni Sam.
“Do you mean pati p**n movies hindi ka pa nakakapanood?” tanong ng bakla habang ginagawa iyon.
“Hindi pa.”
“Ganun? So, lahat nalang sa iyo virgin pa?”
“Oo naman! Eh, ano naman ngayon kung virgin pa?” pagtataray niyang sagot.
“Ikaw na! Ikaw na talaga!” anito. “Pero ateng, gusto mo ba makapanood?” inihinto nito ang ginagawa sandali para tingnan ang reaksyon ng mukha nito.
“Naku, huwag mo akong turuan ng mga bagay na ganyan ha! Ayoko!” malakas ang paninindigan niya sa sinabi.
Napakibot lang ang labi ni JOnas naIpinagpatuloy ang ginagawa. “Ateng, may time pa tayo after nito, sagot kita diyan dahil marami akong movie na alam,” hindi pa rin ito tumitigil sa pagkukumbinse nito na maitry ng dalaga na makapanood ng p**n movie.
“Ayoko nga, demonyo ka talagang bakla ka!”
“Tsk!” ipinadyak nito ang isang paa sa sahig. “Dapat sa iyo eh magmadre ka nalang ateng!”
“Ayoko nga mag madre, marami akong kasalanan kaya hindi ako tatanggapin doon. At tsaka siyempre gusto ko rin naman mag-asawa noh in the future!”
“Kunyari ka pa gusto mo rin pala makatikim ng luto ni Lord!” patawa tawa nitong sambit.
Natawa siya sa narinig dito. “Oo naman noh, pero hindi sa ngayon!”
“Eh kelan pa? Kapag 45 years old ka na? Naku ateng aamagin na iyang kepyas mo, panis na ang likidong lalabas diyan, as in expired na!” ito naman ang humagalpak ng tawa sa sinabi.
Ilang sandali pa nang matapos ito sa pagpaplantsa ng buhok ni Sam at ipaharap niya ito sa malaking salamin na nasa dingding ay kapwa sila natigilan. Nag-iba ang mukha ng babae nang makitang wala na itong bangs. Lalo na ng alisin ni Jonas ang salamin na suot nito.
“Ateng, may igaganda ka pa rin pala eh!” turan nito ng matitigan mabuti si Samantha.
Hindi naman nakapagsalita si Sam sa nakitang repleksyon ng sarili sa salamin. Oo nga, nag-iba talaga ang itsura niya. Actually medyo nakita na niya ang ayos niyang iyon noong magpanggap siya bilang girlfriend ni Kody Cervantes. Noong ayusin nito ang buhok niya at suklayin ng kamay nito patalikod ang bangs niya, natigilan nga siya ng ilang sandali nang makita ang sarili. Pero mas lalong nag-iba ang itsura nya ngayon. Para siyang ginawaan ng magic ng kaibigan. Napangiti siya sa sarili. May tinatago rin pala siyang kahit konting ganda.
“Tara, mag shopping tayo!” aya na ni Jonas nang matapos na nito ang pag-aayos sa buhok niya.
“Seryoso ka? Hindi ka pa pagod?”
“Ano ka ba, dati nga noong nagtatrabaho pa ako sa parlor, maghapon kaming nakatayo. Laging sumasakit ang likod at braso ko pero gora parin para sa anda!”
“Nakakahiya na, sobrang istorbo ko na sa iyo, next time nalang siguro.”
“Ano ka ba, nahiya ka pa! Ngayon na habang may time pa tayo. Baka matatagalan ulit ang pagbabonding natin next time dahil magkaibang araw na ang day off natin! Isa pa, mas excited ako na bihisan ka now, I’m sure bukas dadagsain ka na ng manliligaw niyan,” hinila na nito ang braso ng babae palabas ng bahay pagkatapos kunin ang maliit na pitaka nito.
Natatawa siyang sumama nalang din dito. “Sure ka? Hindi kaya pati ikaw mainlab na sa akin niyan?” biro nitong parinig sa kaibigan.
“Loka ka ateng, parehas kaya tayong may keps!” sagot nito na ikinatawa niya.
Sa Baclaran sa mga tyangge tyangge sila pumunta para makapamili ng mura na mga damit. That way makarami sila ng bibilhing damit sa budget nitong tatlong libo lang.
Tila alam na alam ni Jonas kung anong ipapamili para kay Samantha. Hinayaan niya itong pumili ng mga susuotin niya. Kahit ganun ang baklang iyon ay may taste ito sa pagpili ng mga damit na desente para sa isang babae. Ni minsan ay hindi siya umangal sa mga pinipili nito. Lahat aprub para sa kanya at kaya naman niya suotin. Ang problema, madala niya kaya ang mga ito ng maayos? Sabi kasi nila, may ibang tao na kahit anong mahal ng brand na isinusuot ay nababalewala rin kapag hindi marunong magdala ng damit. May iba rin na kahit mura ang damit, nagiging mukhang mamahalin kapag sinuot na ng isang taong magaling magdala. Yan pa ang isang dapat niyang pag-aralan.
Manghang tinitigan niya ang sarili nang maisuot ang unang pares ng damit na ibinigay ni Jonas sa kanya para isukat. Nakabalik na sila sa bahay nito, at ayaw nga siyang payagang pauwiin hanggga’t hindi nito nakikita na ma-try man lang ang mga pinamili nila.
“Ang ganda ko pala?” Bulong niya iyon sa sarili sabay kindat sa repleksyon sa salamin. First time niyang makita ang sarili na pumorma ng ganito, nakakataas ng self-esteem. Tama nga ang sabi nila, if you look good, you feel good.
Isinuot niya ang kulay puting blouse at skinny jeans na high waist. Ayon kay Jonas, i-tucked in niya daw iyon. Pagkatapos ay isinuot niya ang mumurahin na puting elevated shoes na kaisa isang rubber shoes na nabili. Sabi ni Jonas marami daw maibabagay sa sapatos na iyon na sinang-ayunan niya na rin kesa magsuot siya ng high heels na sandalyas. Isa sa pinakaayaw niya ang magsuot ng sapatos na may takong.
“Ang tagal mo nam--” hindi na nakapagsalita pa si Jonas ng makita ang ayos ng kaibigan. Pumasok na siya sa kwarto nang mainip na sa kakahintay sa paglabas ni Sam. “Wow! Ateng!” yun lang ang lumabas sa bibig nito nang makita ang dalaga. Pero bibilib na sana ito nang magsimulang lumakad si Samantha. Muntikan na niyang maibuga dito ang kasalukuyang iniinom na softdrinks.
Napasimangot si Sam sa naging reaksyon ng bakla.
“Ateng, hindi mo kailangan lumakad ng pasexy. Basta straight body lang lagi, wag kang kukuba kuba, chin up and be yourself. Ok na ang lakad mo eh, huwag mo nalang OA-han!” natatawa ulit nitong pakli. “Kahit na anong damit na suot mo basta may confidence ka lang sa sarili mo, magiging maganda ka tingnan.”
Tumango ito ng paulit ulit at sinunod ang sinabi ng kaibigan. Binigyan siya nito ng thumbs up nang magawa niya ng maayos ang paglakad.
Umuwi siya noong hapong iyon na may dala dalang confidence sa sarili. Hinawakan niya ulit ang malambot at tuwid na buhok na halos pumantay na sa kanyang siko. Lalo itong humaba nang maunat. Kinapa niya rin ang mga kilay, medyo naninibago siya sa pag-ahit doon ni Jonas pero okay lang naman. Masaya siya sa transformation na iyon ng sarili. Sa huli ay pinukulan niya ng tingin ang dalawang plastic bag na dala dala na naglalaman ng mga pinamiling damit niya. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi noong oras na iyon.