Kabanata 8

2159 Words
"Sayang at wala ka kagabi. Hindi mo tuloy nakita kung paanong mapahiya si Audrey!" pagkukwento ni Michelle sa tabi ni Kyrielle habang naglalagay ito ng foundation sa mukha nito. Patuloy lamang ito sa kanyang pagkukwento habang abala naman siya sa paglalagay ng hikaw sa magkabilang tainga niya. Nang matapos siya ay inabala naman niya ang sarili sa pagdadagdag ng lipstick sa kanyang mga labi. Naglagay na kasi siya ng makeup kanina bago siya umalis ng bahay, kaya kaunting touch up na lang ang ginagawa niya ngayon. "Kagabi ko lang nakita ang lalaking nang-reject kay Audrey kagabi. Hindi natin siya regular customer at mukhang hindi siya sanay sa mga ganitong lugar." Doon na naagaw ni Michelle ang atensyon niya. May kung anong kuryosidad ang pumasok sa isipan niya. "Anong itsura ng lalaki?" balin niya kay Michelle. "Gwapo syempre. Matangkad at may perpektong hugis ng ilong. Maganda ang pangangatawan niya pero isa pa sa nakakapagtaka sa kanya ay buong gabi, orange juice lang ang iniinom niya!" pahayag ni Michelle sa kanya. Napalunok siya, kasabay ng pagkabog ng dibdib niya. Off niya kagabi kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Michelle. Pero, maaari nga kayang—si Caleb iyon? Agad niyang iwinasiwas ang kanyang ulo. Hindi maaari. Bakit naman ito babalik sa ganitong lugar? Alam niyang maka-Diyos ang lalaki kaya hindi ito nababagay sa mga ganitong lugar. At hindi naman ito pupunta lang dito para lang uminom ulit ng orange juice! Pero ano nga naman bang pakialam niya sa lalaking iyon? Kailan pa siya nagkaroon ng paki sa mga lalaking nakakasama niya ng isang gabi? Nang matapos sila sa pag-aayos ay lumabas na nga sila ni Michelle sa dressing room. Mas mabuting huwag na lamang niyang bigyan pa ng pansin ang sinasabi ni Michelle sa kanya tungkol sa lalaking nakita nito kagabi. Ayaw na din kasi niyang isipin pang muli si Caleb. "Kyrielle, may customer ka doon," tawag ni Tamuni kay Kyrielle. Ang matandang may ari ng nightclub. Mabilis na nagtungo si Kyrielle sa sinasabi ni Tamuni na customer niya at nadatnan niya doon ang isang lasing na foreigner. Mukha itong Australian. "Hey beautiful, can you join me?" tanong nito sa kanya habang may malagkit na tingin sa kanyang katawan. Humigit siya ng malalim na paghinga saka pilit na ngumiti dito. "Oh, sure!" sagot niya at agad na siyang naupo sa tabi nito. Ngumisi ang lalaki sa kanya saka ito naglagay ng alak sa baso nito at saka ito tinungga. Pagkatapos ay muli itong nagsalin ng alak sa baso at pagkuwan ay iniabot naman sa kanya. "Taste it too," bulong ng lasing na Australiano sa kanya. Ngumiti siya saka tinanggap ang basong iniabot ng lalaki sa kanya na may lamang alak. Iinumin niya na sana ito nang bigla na lang may mga kamay na pumigil sa kanya. Kinuha nito ang baso mula sa kanya saka nito padabog na inilapag sa table. "s**t! Ano ba?!" sigaw niya at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang sa pag-angat niya ng tingin ay nakita niya kung sino ang nasa harapan niya. "I-Ikaw?" "Hey! What's your problem?" asar na tanong ng lasing na foreigner na katabi niya sa lalaking nanggugulo sa kanila. Tumayo ito at hinarap si—Caleb. Agad din naman siyang tumayo para pumagitna sa dalawa. "Stop it," marahang sita niya sa lasing na foreigner. Walang imik na hinawakan ni Caleb ang kamay niya at nang hihilahin sana siya nito ay agad din naman siyang hinawakan ng lasing na foreigner sa kabila niyang kamay. "Hey. She’s mine! I got her first," sabi ng lasing na foreigner. Nilapitan ito ni Caleb at seryosong tinitigan. Saka nagsalita. "She's not yours, she's my girl, so back off. Or else, you'll regret it," sindak ni Caleb sa kausap na lasing na foreigner saka siya tuluyang hinila palabas ng club. Hindi naman na nakaangal pa 'yong lasing na foreigner at hinayaan na lamang silang makalabas. "Bitiwan mo nga ako! Ano ba?" asar na sabi ni Kyrielle saka siya pilit na kumawala mula sa pagkakahawak ni Caleb sa kanya. Hindi naman siya nabigo dahil mabilis siyang nabitawan nito sa pagpupumiglas niya. "Okay ka lang ba?" maagap na tanong ni Caleb sa kanya. "Ano bang problema mo? Bakit mo ginawa 'yon? Customer ko siya, bakit mo ginawa sa kanya 'yon? Sino ka ba sa akala mo? Huh?" sunod-sunod na tanong niya kay Caleb. "Sorry," marahan na tugon ng lalaki sa kanya. Agad iyong ikinalambot ng puso niya pero agad din niya iyong binalewala. "Ano?" kunot-noo niyang tanong at napabuntong hininga na lamang siya. "Ayokong umiinom ka kasama ng iba," seryoso nitong sabi sa kanya. "Ano naman ba sa'yo kung uminom ako kasama ng iba? Sino ka ba? Huh? Ano ba kita? Anong karapatan mong makialam sa buhay ko?" naiinis niyang sunod-sunod na tanong sa lalaking kagabi lang ay ninanais niyang makita. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan nitong makialam sa kanya. Hindi niya naman ito kaano-ano! Wala itong karapatan na pakialaman siya. "Kyrielle—" "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong niya rito. Hindi niya na ito pinatapos sa sasabihin nito sa kanya. "H-huh?" "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" ulit niyang tanong sa lalaki. Nanatili lamang ito na nakatingin sa kanya na tila hindi malaman ang sasabihin. "Hindi ko naman sinabi sa iyo ang pangalan ko, hindi ba? Kaya paano mo iyon nalaman?" "Ipinagtanong ko ang pangalan mo. Nanggaling ako dito kagabi at hinanap kita," tugon naman nito sa kanya. "Bakit mo naman ako hinahanap? Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong niya ulit sa lalaking nasa harapan niya at tila hindi niya labis na maunawaan ang kasulukuyang nararamdaman niya dito. Naghintay siya ng sagot mula kay Caleb pero nanatili lamang itong mataman na nakatingin sa kanya. "Hindi porque pumayag ako noon na makasama ka ay pwede mo na akong pakialaman. Hindi kita kaano-ano. Wala kang pakialam kung sino ang sasamahan kong mga lalaki. Ito ang trabaho ko, so please, kung wala kang ibang gagawin dito at manggugulo ka lang, umalis ka na lang," pagkasabi niya no'n ay iniwan niya na ito at pumasok na siya ulit sa loob ng club. Ayaw niyang magkaroon ng kung ano mang koneksyon sa lalaki na iyon. Dahil ganito naman talaga siya sa lahat ng lalaking nakikilala niya. Hindi siya pumapayag na ma-involve ng matagal sa mga ito pagkatapos niyang masamahan ang mga ito. Binalikan niya ang customer niya kanina pero nakita niya itong kapiling na si Audrey ngayon. Pera na, naging bato pa. Mukhang mayaman pa man din ang isang iyon. Sayang at nasulot na naman ito ni Audrey sa kanya. "Bwisit!" mariin at inis na bulong niya sa kanyang sarili. "Kyrielle!" Agad naman siyang napalingon sa tawag sa kanya ni Michelle. "Bakit?" tanong niya rito nang makalapit ito sa kanya. "Kanina pa kita hinahanap," anito. "Bakit ba?" tanong niya ulit. "Si Murphy, hinahanap ka," tugon ni Michelle. Napalunok siya. "Nasaan siya?" "Nandoon sa dressing room, sabi ko hahanapin kita at doon na lamang siya maghintay. Lasing eh." "Sige, salamat," saad niya at tinungo niya na nga ang dressing room kung saan naroroon si Murphy ngayon. "Anong kailangan mo?" tanong niya nang makita niya ang lalaki. "Honey, na-miss kita," sabi nito sa kanya sabay yakap sa kanya. Agad niyang naamoy mula dito ang alak. Bahagya siyang lumayo dito dahil doon at pilit siyang kumawala sa pagkakayakap nito sa kanya. "A-Ano ba kasing kailangan mo?" muli niyang tanong sa lalaki. "May lakad kasi kami ng mga barakada ko, eh wala na akong pera," saad nito sa kanya. "Murphy, kabibigay ko lang sa'yo kahapon hindi ba? Ubos na agad ang pera mo?" Kusa itong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya saka siya seryosong tiningnan. "May binili kasi ako kanina kaya ubos na," tugon ng lalaki sa kanya. "Pero, limang libong piso iyon. Ano bang binili mo sa ganoong kalaking halaga?" tanong niya ulit sa lalaki. "Bakit ba ang dami mo pang tanong? Magbibigay ka ba o gusto mong manggulo pa ako dito?" sigaw na sa kanya ng lalaki na kanina lang ay masuyo at malambing siyang kinakausap. "Murphy, alam mo naman na nagbabayad rin tayo sa upa ng bahay. Pati kuryente at pagkain natin ako ang nagpo-provide. Saka, wala pa akong kita ngayong gabi—" Hindi niya na natapos pa ang sinasabi niya dahil mahigpit siya nitong hinawakan sa palapulsuhan niya. "Hindi ka ba talaga magbibigay?! Bakit ba ang damot mo? Ano bang pinagmamalaki mo? Huh? Gusto mo bang masaktan pa bago ka magbigay?" muling sigaw nito sa kanya. "Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit ngayon, wala talaga akong maibibigay sa'yo ngayon," matapang na tugon niya rito na tila ba lalong ikinainis ng lalaki sa kanya. "Aba't talagang—" sigaw nito at akmang sasampalin siya. Napapikit na lamang siya at inihanda ang sarili sa sampal na tatanggapin niya mula kay Murphy, pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa din ang sampal nito na hinihintay niya. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya dahil doon at laking gulat niya nang makita niyang may kamay na pumigil sa lalaki para tuluyan siyang masaktan nito. "Sino ka namang gago ka? Bakit ka nakikialam dito?" maangas na tanong ni Murphy sa lalaking pumagitna sa kanila. Kay Caleb. "Hindi mo siya kailangang saktan." "Ano bang pakialam mo? Sino ka ba?" "Ikaw? Sino ka din ba?" "Ako ang boyfriend niya," tugon ni Murphy. "Ah, ikaw pala 'yong walang kwenta niyang nobyo." "Anong sabi mo—" Pinigilan ni Kyrielle si Murphy sa akmang pagsugod nito kay Caleb. "Tama na 'yan," sigaw niya. "Pwede ba, huwag kang makialam dito. Problema namin 'tong dalawa," balin niya kay Caleb. Pero sa halip na sagutin siya nito ay matamang tiningnan lang ulit nito si Murphy saka muling nagsalita. "Pera lang ba ang gusto mo kaya mo siya gustong saktan?" tanong ni Caleb kay Murphy. "Bakit? Bibigyan mo ba ako ng pera?" tanong din naman pabalik ni Murphy kay Caleb. Kinuha ni Caleb ang wallet niya saka ito naglabas ng makapal na pera. Hindi niya alam kung magkano iyon, pero puro lilibuhin ang mga iyon. Saka nito iniabot kay Murphy. "Iyan na ang pera mo, huwag mo lang siyang sasaktan." "Ayos 'to. Ang dami mo pa lang pera eh. Magkakasundo tayo nito," ani Murphy na tuwang-tuwa na ngayon habang binibilang ang pera na hawak na niya ngayon. "Tama na iyan. Ibalik mo sa kanya 'yan Murphy," sabi ni Kyrielle at tinangka niyang agawin ang pera kay Murphy pero umiwas ito sa kanya. "Binigay na niya ito sa akin, kaya bakit ko naman ibabalik? Magpasalamat ka na nga lang at mabait itong kaibigan mo. Aalis na ako," wika ni Murphy sa kanya at umalis na nga ito tangay ang pera na ibinigay ni Caleb. "Okay ka lang ba?" pagkuwan ay tanong ni Caleb sa kanya. Hirap siyang napalunok saka niya binalingan ng tingin si Caleb. "Hindi mo ba talaga ako titigilan? Bakit mo siya binigyan ng pera? Sino ka ba para gawin 'yon?" naiinis na sunod-sunod niyang tanong kay Caleb. "Kyrielle, ayaw ko lang na makita kang sinasaktan ng iba," tugon nito sa kanya. "Eh 'di pumikit ka! O ‘di kaya’y huwag mo akong tingnan!" sigaw niya rito. "Kung pwede lang, matagal ko na sanang ginawa. Kaso hindi, hindi ko kayang panoorin ka na lang. Hindi ko na hahayaan na may ibang hahawak o mananakit pa sa'yo," seryosong sabi nito sa kanya na siyang nagpakabog ng dibdib niya at tuluyang nagpagulo sa damdamin niya. Hindi niya lubusang maunawaan ang lalaki kung bakit ba ito nakikialam sa kanya. "Bakit? Sabihin mo kung bakit?! Kasi hindi ko na maintindihan! Sino ka ba talaga? Bakit mo ba ako pinapakialaman?" "Kyrielle—" "O baka naman may gusto ka lang talagang makuha sa akin kaya ka ganyan?" tanong niya rito. Lumapit siya sa lalaki na agad namang ikinaatras nito. "Alam mo kung anong klase akong babae, kaya pwede mo naman sabihin sa akin ang gusto mo." "Kyrielle, mali ka ng iniisip mo sa akin," kalmadong sabi ni Caleb sa kanya. Nang wala ng maatrasan pa si Caleb ay hinawakan niya ito sa kwelyo ng damit nito at inilapit niya pa ang kanyang sarili dito. "Ito ba ang gusto mo? Huh?" tanong niya sa gwapong lalaki na siyang nagpapagulo ng isipan niya ngayon saka niya inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi nito. Nanlaki ang mga mata ni Caleb nang dahil sa ginawa niyang paghalik dito. Natigilan ito na tila ba parang naging isang tuod na hindi makagalaw habang patuloy niyang hinahalikan ito. "Ano ba, Kyrielle?" anas ni Caleb sa kanya nang humiwalay ito mula sa kanya. "Huli na sana ito. Utang na loob, huwag ka nang magpapakita pa sa akin," saad niya kay Caleb. Dahil baka sa susunod na makialam pa ito sa kanya ay tuluyan na niyang makalimutan kung anong klaseng babae siya. "Sorry, pero hindi ko iyan magagawa," seryosong tugon ni Caleb sa kanya. "Ano?" "Nang dahil sa ginawa mo… akin ka na, Kyrielle," mainam nitong sabi sa kanya na siyang nagpalakas ng t***k sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD